Chapter 10

182K 4.6K 477
                                    


--

Maaga pa lang, nasa bahay na si Hugh para sa lakad namin ngayon. Ang sabi niya, sasama daw ako sa gig nila sa Tagaytay ngayon.

Ang alam ko may kasal na gaganapin at sila ang kakanta.

"Masyado ka namang maaga. Hindi pa nga ako naliligo." Nakasimangot kong sabi kay Hugh. Naka-gray siyang tee shirt at jeans. Bakit ba may mga taong kahit simple lang ang suot, napakagwapo pa din?

"Ayokong matraffic tayo." Kibit balikat niyang sagot. Umupo ako sa sofa at kumuha ng throw pillow. I am very much aware na ang gulo ng itsura ko. Sinadya ko talagang bumaba ng hindi nag-ayos ng buhok man lang.

Hindi ko napigilang humikab sa harap niya.

"Mikaela." Saway sa akin ni Mommy nang lumabas ito na may dalang juice at cupcakes. Napanguso naman ako bago kumuha ng dala niya.

"That's for your visitor, ano ka ba namang bata ka? Maligo ka na nga ng makapag-almusal ka." Pinitik nito ang ilong ko pagkatapos.

"Where's Theon, 'My?" Tanong ko bago kumagat sa chocolate cupcakes na inihain nito.

Theon is Kuya Thunder and Ate Rain's son. I used to babysit that little monster. Kahit na bwisit na bwisit na ako 'don at gusto ko na itali patiwarik, mahal na mahal ko naman 'yun.

Minsan, iniisip ko, paano kaya kung andito si Mikael? May anak na kaya kami? Ano kayang pangalan nila? Ano kayang itsura?

"Mikaela..." Napapitlag ako nang hawakan ako ni Hugh.

"Ha?" I looked at him. "Umiiyak ka?"

Hinawakan ko ang pisngi ko. He's right. A tear escaped from my eyes. "Uh, hindi. Napuwing lang ako." Tumayo na ako at nagpunta sa kwarto ko matapos akong magpaalam sakanila na maliligo na at mag-aayos.

A marked in my chest is a reminder of my love for Mikael. 'Yung pilat na dinulot ng operasyon ko noon. Halos hindi na makita ito ngayon pero kung sisipating mabuti, makikita ito. A different heart, pero isa pa din ang tinitibok magpasa hanggang ngayon. Si Mikael lang.

Plain yellow dress ang napili kong isuot. It was classy yet simple. Bumaba na ako agad matapos kong magbihis at patuyuin ang buhok ko.

Hugh's playing with Theon. Napapansin ko din na close na silang dalawa.

Dumiretso ako sa kusina para uminom. Naabutan ko naman si Kuya Thunder at Ate Rain na kausap si Mommy.

"Dumito naman na muna kasi kayo kung ipaparenovate niyo ang bahay niyo. Hindi ako papayag na sa condo titira ang apo ko." Ani Mommy sakanila.

"That's the plan, 'My." Nakangiting sabi ni Kuya Thunder dito.

Maybe it's better na andito sila Theon. Kahit papaano, may iba akong nakakausap.

"Just make sure soundproof ang kwarto niyo, ha?" Pagbibiro ko sakanila bago ako kumuha ng juice sa ref. Sinaway naman ako ni Mommy dahil sa biro ko.

"Alis na ako. Baka matraffic kami ni Hugh e." Paalam ko sakanila bago humalik sa pisngi nilang tatlo.

"Don't lose your v card, Baby. I'll hunt him down if ever." Bilin ni Kuya Thunder bago ako lumabas ng kusina.

"Let's go, Hugh." Aya ko dito.

"Ta Noob..." I looked at Theon.

"It's Tita Mika, monster." Nakasimangot kong sabi.

UG 2: Amaranthine Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon