Chapter 52

171K 4.3K 569
                                    



--

"Mika, you sure you're okay? Wag nalang tayong magpunta 'don kung ayaw mo..." hinawakan ni Maha ang kamay ko na para bang pilit binabasa ang kung anong iniisip ko.

"I'm fine, don't worry..." sagot ko sakanya at pilit ngumiti.

Ilang beses ko na bang sinabi 'yang apat na salita na 'yan sa mga taong nagtatanong sa akin kung okay lang ako? Lima? Sampu? Dalawampu? Hindi ko na alam. Hindi ko na mabilang.

I am fine.

Iyon naman talaga ang alam ko. Iyon din ang nararamdaman ko. Pero nag-iiba kapag pumapasok sa isip ko si Mikael. Nag-iiba kapag naiisip ko 'yung mga sinasabi niya. Nag-iiba kapag nararamdaman ko siya sa puso ko.

Hindi ko alam kung bakit pero nasasaktan ako kapag sinasabi niyang mahal niya ako.

Bakit kasi ganon? Bakit kung kailan wala na ako tsaka niya ako hahabulin? Bakit kung kailan ganitong hindi ko kayang ibigay ang sarili ko, tsaka niya ako gustong makasama? Bakit noong mga panahon na halos magmakaawa ako sakanya na wag niya akong iwan, wala siyang ibang ginawa kundi ipagtabuyan ako palayo? Bakit ngayon lang kung kailan tuwing nakikita ko siya, naaalala ko lang 'yung sakit na ibinigay niya sa akin?

"Kerko will be there din, diba? Invited din siya..." sabi ni Cielo na katabi naman ni Maha na nakaupo sa likod ng sasakyan.

"So what if he's there? Hindi naman siya ang ipupunta natin 'don," sagot naman ni Lance na katabi ko at nagmamaneho.

"Ang sinasabi ko lang, baka mamaya--"

"Hindi ko hahayaang makadikit si Kerko kay Mika," masungit na sabi ni Lance kay Cielo. Nagkatinginan naman kami ni Maha nang lingunin ko si Cielo.

"Oh eh di ikaw na superhero ni Ela," ismid na sabi ni Cielo bago humalukipkip sa kinauupuan nito at tumingin sa labas. Hindi naman na kumibo pa si Lance.

"Lance..." tawag ko sa katabi ko. Nilingon naman niya ako ng saglit. "Siraulo ka," sabi ko sakanya bago iiling-iling na tumingin nalang din sa labas ng sasakyan.

Today was Ate Stephanie and Kuya PJ's anniversary. Ininvite nila kami kaya papunta kami ngayon sa Sweet Desire para sa celebration nila. Ang alam ko, kumpleto ang barkada nila Kuya doon. I even heard Kuya Hunter will be there as well.

Nabanggit din sa akin ni Ate Stephanie na ininvite niya si Mikael. Alam ko namang pupunta si Mikael doon, eh. It did crossed my mind not to go there, actually. Pero kung 'di ako pupunta, pinakita ko naman na apektado pa din ako sakanya. Iyon ang iniiwasan ko. Ang makikita niyang naaapektuhan ako sakanya. Gusto kong makita niyang okay na ako kaya tigilan na niya ako.

Not because I love him, it means dapat kaming magkasama o magkabalikan. Sometimes, holding on hurts you more than letting go. I let him go, already. Kasi hindi ko na kaya. Nakakapagod paulit-ulit masaktan habang wala ka namang ibang ginawa kundi mahalin lang ang taong 'yon.

Dahil sa traffic, halos lunch time na nang makarating kami sa SD. Matapos iparada ni Lance ang sasakyan niya, bumaba na agad si Maha at Cielo na hindi na ako kinibo nang kinausap ko siya at nauna na silang pumasok sa loob ng shop dala ang regalo namin para sa mag-asawa.

"Lance," tawag ko sa binata nang makababa ako ng sasakyan. Sumandal muna ako sa hood ng sasakyan niya at tinignan siya.

"What?" he asked me.

"Wag na nga kayong mag-away ni Cielo," sabi ko sakanya. Feeling ko kasi, mas maiintindihan ako ni Lance kesa kay Cielo kaya si Lance ang kinausap ko. "Kaibigan ko kayo pareho kaya naiinis akong nakikitang hindi kayo magkasundo," sabi ko sakanya. Hindi ko maiwasan mapasimangot.

UG 2: Amaranthine Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon