Chapter 62

150K 4.1K 480
                                    


Twitter/askfm/IG - @vampiremims

--

Mikael stayed with us. Hanggang gabi, magkakasama kami nila Mikael, Paulo, 'yung dalawang Kuya ko at mga asawa nila, si Theon at si Mommy.

Hindi na din ako masyadong lumapit kay Mikael sa buong maghapon dahil si Kuya Thunder, panay ang utos sa akin na kumuha ng juice o 'di kaya'y tubig o kahit na ano para lang hindi ako madikit kay Mikael. Nasa tabi ko lang ang kasambahay namin pero ayaw ni Kuya Thunder na ito ang kikilos. Ako ng ako ang inuutusan nito dahil hindi nila iniinom nila Kuya Hunter ang dinada ng kasambahay namin at nagbabanta pa na kapag nadehydrate silang dalawa, kasalanan ko daw.

"Mika, dito ka umupo..." sabi ni Kuya Thunder sa akin. Tinitigan ko naman siya ng masama. He wanted me to sit between him and Kuya Hunter.

"I'm fine here," sagot ko bago naupo sa tabi ni Mikael.

"Mikaela Michelle..." he warned me.

I rolled my eyes. "Kuya, I'm starving. And I'm sure, si Ate Rain, gutom na din." Lumingon ako sa babaeng nasa tabi ng kapatid ko. "Diba, ate?" ngumiti ako sakanya. Hoping na magegets niyang nagpapakampi ako dahil alam ko naman na walang palag ang mga kuya ko kapag asawa na nila ang nagsalita.

"Yes, I'm famished, actually..." she said. I mouthed thank you. I looked at my brother again. "Kaya umupo ka na din para makakain na tayo," sabi ko sakanya.

Iiling-iling na umupo nalang si Kuya Thunder at nagsipag-usog naman sila. Magkatabi si Kuya Thunder at Ate Rain. Nasa tabi naman ni Ate Rain si Ate Zy at si Kuya Hunter. Nasa may kanan ko naman si Mikael at nasa kaliwa si Paulo.

They were talking about Ate Zy's twins. Excited na din ang lahat sa panganganak nito dahil ito ang unang kambal sa pamilya namin. Hindi naman na ako kumibo para hindi na kami mapansin pang muli. Isinasali nila si Paulo sa usapan since they were talking about heart complications, and I'm actually thankful na hindi kami ni Mikael ang napapansin nilang lahat.

Napapitlag ako nang hawakan ni Mikael ang kanang kamay ko na sa ilalim ng lamesa. I looked at him. Pormal pa din ang itsura niya ngunit mababakas ang maliit na ngiti sa labi niya.

He was eating using his right hand and I was required to eat with my left hand. He squeezed my hand.

Napangiti naman ako.

"What's funny?" Kuya Hunter asked me. I looked at him and shook my head. "Nothing," sagot ko. "Nakakatuwa lang na kinakain niyo 'yung luto ko," dagdag ko pang muli.

"Tumulong ka lang. Hindi ikaw ang nagluto," pang-aasar naman ni Kuya Thunder sa akin. I shrugged and smiled sweetly, "Still, may tatak Mika ang kinakain niyo," ngumisi ako sakanila.

Pinagsaklop naman ni Mikael ang kamay naming dalawa habang pilit na kumakain gamit ang isang kamay.

"Kerko," untag ni Kuya Thunder sa katabi ko. Sabay kaming nag-angat ng tingin ni Mikael sa kapatid ko.

"What's your plan?" he asked him. His voice was serious and everyone's looking at him.

"Thunder, we're eating," saway ni Mommy sakanya.

"Kuya..."

"I'm just asking..." he shrugged. He looked at Mikael and asked again. "What's your plan?" Bumaling siya sa akin. "Liligawan mo tapos kapag kayo na, iiwan mo ulit?" he raised a brow and looked at Mikael again.

Mikael cleared his throat. "First, I want to say sorry for what happened..." mas humigpit ang hawak niya sa kamay ko. "I should've said sorry before... or earlier. What I did was wrong," his jaw tightened. "Like what I said to Mrs. Dela Cruz, I'm not going to defend myself anymore. I know you don't like me for Mikaela, Thunder... Hunter..." he looked at Kuya Hunter who's looking at him, too. "But I'm not here to give her up again. I'm here to fight for her. Be with her. And I'm here to court her. Officially..."

UG 2: Amaranthine Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon