Chapter 30

180K 4K 594
                                    

PS. I'm having a hard time writing. I'm really not myself lately. Tiis tayo sa sabaw update, ha? Me loves you, vampires! :)

--

"Are you sure you're okay?"

Kanina pa ako nakatingin kay Mikael habang nakaupo ako sa kama. Nakaupo lang siya sa couch habang nanunuod ng TV. Simula nang matapos 'yung dinner namin, hindi na niya ako kinibo ulit. Alam ko naman kung bakit.

Hugh called me Baby in front of everyone. In front of Mikael.

Mabuti nalang at hawak ko din ang kamay ni Mikael noon. Not that iniisip ko na baka bigla niyang sapakin si Hugh or what, pero maganda na din ang prepared ako. I know Mikael won't do that, wala sa pagkakakilala ko sakanya na makikipagsapakan siya. Pero lahat naman ata ng tao, may hangganan.

Nilingon niya lang ako pagkatapos ay ibinalik na ang mata sa screen ng TV.

I sighed. I really don't have any freaking idea if he's mad at me or something. Basta hindi lang niya ako pinansin.

"Mikael..." I called him again. Hindi niya ako pinansin.

"Look, wala lang naman 'yon, eh." Niyakap ko ang isang unan na nasa tabi ko.

"Okay," he said.

I rolled my eyes. I sighed again. Ba't ba napakasungit ng lalaking 'to? Pero isa naman kasi 'yung kasungitan niya sa mga minahal ko, eh. He's not Kerko Mikael if he's not masungit.

"Superman..." I called him again. Hindi ako ulit pinansin.

"Sorry..." I whispered. Alam kong narinig niya ako. I don't even know kung para saan ang sorry na sinasabi ko. Para ba sa ginawa ni Hugh o para sa kasalanan ko mismo. Maybe for the latter. Kasalanan ko naman talaga ang lahat.

Hinayaan kong mapalapit sa akin si Hugh. Hinayaan kong mahalin niya ako kahit na alam kong nandyan pa si Mikael. But it was never my intention to forget Mikael. Or even replace him. Because no one could replace him. Nag-iisa lang siya, eh.

"Matutulog na ako. Goodnight." Paalam ko sakanya. Hindi man lang ako nilingon. Napasimangot nalang ako bago ako humiga ng maayos at niyakap ang unan.

Nakapatay ang ilaw sa kwarto kaya naman hindi din ako makatulog agad. Galing lang sa TV screen ang liwanag sa buong kwarto namin. Hindi ko pa nasasabi kay Mikael na ayoko sa madilim. Sa tuwing matutulog kasi ako sa kwarto niya, pinapatay niya ang ilaw.

Ayoko namang magreklamo. Mas importante ang kalagayan niya, eh.

Namimiss ko na talaga siya. I know, I'm with him. Kung minsan, para nga siyang walang amnesia, eh. Parang normal na Mikael lang siya. Pero may panahon na ganito... nakakamiss din 'yung bigla nalang siyang magsasabi ng I love you sa akin.

Kailan niya kaya ako maaalala?

Ipinikit ko nalang ang mata ko at pinilit ang sarili kong makatulog. Bibili na talaga ako ng sleeping pills para nakakatulog ako kapag madilim!

Naramdaman ko ang paghiga ni Mikael sa tabi ko. Nakatalikod ako sakanya kaya naman hindi ko alam kung nakatingin ba siya sa akin o hindi.

Halos wala naman din akong makita. Mas nakakatakot. Wala na nga akong makita sa dilim, laging pakiramdam ko pa, kapag madilim, mag-isa lang ako. At ayokong mag-isa. Walang taong gustong mag-isa.

Hindi ko alam kung gaano na katagal na nakahiga si Mikael. O kung anong oras na ba. Nasa side kasi niya ang phone namin pareho kaya hindi ko matignan.

Niyakap ko nalang ulit ang unan ko.

Paano kaya kung hindi kami nakasurvive ni Mikael sa aksidente noon? Kung isa sa amin, nawala talaga? Ano kayang magiging buhay ng isa?

Hindi ko maiwasang pangilidan ng luha.

UG 2: Amaranthine Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon