Chapter 4

198K 5K 795
                                    


Wala ng mamamatay dito. Pangako. ^_^v

---

"Nagdududa pa din ako kung bakit bigla kang nag-aya ng date, Baby." Nilingon ako ni Lance at ngumiti sa akin showing off his perfect set of white teeth.

I rolled my eyes. "This isn't a date, Lance. I just missed you kaya I wanted to hang out with you. Date ka diyan." Simula ng tinawagan ko siya kagabi para lumabas, inaasar-asar na niya ako na it's a date. Date is something two people with feelings do. If this one's a date, I'll call it a friendly date, then.

"Oo na. Hindi ka na naman mabiro. How's school?" He asked me. I heaved a sigh. School. Damn.

"Uh-oh... mukhang 'di kayo close ng school ah? What happened? May nambubully ba sa'yo?" sumeryoso ang mukha ni Lance. I shook my head. "No. I am fine. Pero a part of me, gusto na magquit." Sumandal ako at tumingin sa labas. "I promised him makakagraduate ako sa regular school kaya ako nagtitiis pero ang hirap pala."

"Sus. 'Yun lang? Ikaw nga college lang pumasok sa school. 'Yung iba mula grade school pa." He laughed. I glared at him. "You know how lazy I can be, Lance. Plus, ayoko namang nakikipagsocialize na. It bores me."

"Ayaw mong makipagsocialize kasi pinaikot mo na kay Kerko ang buhay mo." Seryosong saad ni Lance. "He's gone, Mika. Why do you keep on living like that? Wala na ngang pag-asang bumalik si Kerko, diba?" I looked away. Why are they pushing me to do it? Bakit ba lahat sila, gustong mabuhay ako na parang walang Mikael na nabuhay?

"I can't do that. I'm sorry." I said softly. "I am trying to live normally, Lance. Pero please, huwag niyong hilingin sa akin na mabuhay na parang hindi naging parte ng buhay ko si Mikael? Kung ikaw ang nasa posisyon ko, are you going to live your life na parang hindi nag-exist sa mundo ang taong mahal mo?" I asked him.

Lance smiled sadly. "I know your point, Mika. I do. Pero iniisip ko na kung malulungkot ako, sasaya ba ang mahal ko? No. It will just gave her the guilt feeling na dahil sakanya, malungkot ako. Kung makikita mong malungkot ako, magiging okay ka ba?" He gave me a fleeting look. "No, right? That's what Kerko will feel if he'll see you like that. Not wasted but not normal, either."

"Pero hindi kasi madali. Hindi kayo ang nasa posisyon ko. Hindi kayo ang iniwan." I bit my lower lip. I let out a sigh. "I am missing him every single seconds. Alam mo 'yung buong pagkatao ko, mahal si Mikael. John Legend song was right. All of me, loves all of him. Kaya paano ako nakakalimot kung simpleng bagay lang, maaalala ko si Mikael?"

He stared at me. Ginagap niya ang kamay ko at pinisil ito. "Wala namang madali sa simula, Mika. Moving on was never easy lalo pa kung mahal na mahal mo ang isang tao. I didn't say you can do that overnight. Pero you have to accept it first na wala ng pag-asa. Wala na."

"That's the thing, Lance. Ayokong tanggapin." Kumuyom ang kamay ko at huminga ng malalim. "Please, pabayaan niyo nalang ako sa gusto ko."

Hinawakan ni Lance ang kamay ko at hinalikan ito. "As you wish, my princess. Hindi na kita pipilitin. Saan mo ba gusto magpunta?"

"Kay Mikael."

He stared at me. Nag-aalangan kung sasamahan ako o hindi. He never wanted to go there.

"May sasabihin lang ako sakanya." I smiled to Lance. "Sige." He nodded.

Nagpasama na din muna akong bumili ng bulaklak kay Lance bago kami nagpunta kay Mikael. Pagdating pa lang namin 'dun, parang bumalik sa akin 'yung araw na nangyari ang aksidente.

Hinawakan ko ng mahigpit bago ako naglakad. "I'll just wait for you here." Lance stopped me. I nodded.

Dumiretso na ako para puntahan si Mikael. Gaya ng laging scenario dito, tahimik pa din. Iilan lang ang nakikita kong dumadalaw sa mga mahal nila sa buhay.

UG 2: Amaranthine Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon