28. Own Intentions

250K 9.9K 3.7K
                                    

28. Own Intentions

May nagbago nga ba sa aming dalawa ni Badaf? Sus. Wala naman e. It's been two weeks since nung nagperform ang dance troupe kasama si Badaf sa ibang university. Well, pati na rin yung sinasabi niyang 'expect for changes' spiel, pero wala naman talagang naganap na changes. Hmm. . . siguro nga meron at iyon ay ang pag-alis niya sa dance troupe. Yep! Tinotohanan nga niya yung pag-alis niya dun. Hindi ko alam pero imbes na pigilan ko siya--- kasi alam kong passion niya ang dancing --- ay natuwa pa ako dahil umalis na siya dun. Wala nang dance troupe. Wala na ring Reishel na humahawak-hawak kay Badaf. Mouhahaha.

Ehem. Alright. I must admit na kaya ako inis na inis kay Reishel dahil na rin involved siya sa dalawang lalaking kaibigan ko ngayon. Una kay Tyrone at ngayon naman ay kay Badaf. Pwede bang iba nalang? O kaya dun nalang siya sa boyfriend niya tutal 'boyfriend' niya naman 'yon.

Or so I thought. . .

"Break na raw sina Reishel at yung boyfriend niya," sabi ni Eunice isang araw habang nasa kalagitnaan kami ng klase. Not totally klase. May isang estudyante kasing hindi namin kaklase na nagsasalita sa harapan. Bale sa pagpapakilala niya kanina, siya si Marlon--- ang VP for External ng Student Council at mangyaring boyfriend ni Reishel. Well, kaya nga biglang in-open up ni Eunice yung topic ng dalawang magdyowa.

"Talaga? Kailan pa raw?" tanong ni Badaf na katabi ko. His eyes were infront but his attention is on us. Actually, ganun kaming apat.

"Ewan ko. Nalaman ko lang yan kahapon e," sagot ni Eunice. Tinignan ko tuloy siya, rather namin siya ni Sab nang makahulugan. Paano niya naman yun nalaman? "Wait, churchmate ko si Reishel. May napagkwentuhan siyang common friend namin at naging usap-usapan na rin naming mga youth sa church."

"Sabi na e. Hindi talaga sila magtatagal." Napatingin ako kay Badaf dahil sa sinabi niya. Where did that comment come from? Para namang ang dami niyang alam.

"Bakit mo naman nasabi yan?" tanong ko sa kanya dahilan para bumaling siya sa akin.

Nagkibit-balikat lang siya bago tuluyan nang tinuon ang atensyon sa harapan. Napakunot-noo nalang tuloy ako. Nakakainis naman kasi! Bakit ba kapag tungkol kay Reishel ang usapan, nagigig secretive bigla ang baklang 'to?

"Badaf, bakit nga kasi-"

"Sshh. . . Makinig ka na nga dun. May outbound tour daw tayo o."

Outbound tour.

Pagkarinig ko ng mga salitang iyon ay kusang nabaling na ang atensyon ko sa VP for Internal sa harapan na kasalukuyang nagsusulat ng kung ano sa whiteboard. Nangibabaw sa paningin ko ang mga salitang 'Outbound tour'. Oohh. . . Sounds exciting.

"Ang itineraries natin ay sa Laguna," paliwanag niya. "At dahil ang outbound tour ay under ng subject ninyong NSTP, only freshmen students can join this tour. Magkano ang babayaran? Ito ay nagkakahalagang 1,000 pesos. May tanong pa ba?"

Napatingin ako kay Sab nang magtaas siya ng kamay. Tumango ang VP kaya tumayo si Sab para magtanong. "First come first serve basis po ba ito?"

"Thank you for asking," sagot nito nang nakangiti. "With regards to the sitting arrangement, it's not a first come first serve basis, pero you still need to make a reservation. Kung may sobrang seats sa bus ninyo, may possibility na yung mga late payers ng ibang section at course ay maisali sa bus ninyo. Vice versa lang, kung may late payers sa inyo, may possibility ding mailipat sa ibang bus. That is kung wala nang bakanteng seats sa inyo. Any other questions?"

And the series of Q&A went on. Next next week na pala ang outbound tour. Naeexcite na tuloy ako. Honestly, nung nasa high school pa ako, ang hinihintay ko every October ay ang fieldtrip. Mahilig kasi ako mag-take ng pictures kung saan-saan. Alam niyo na, minsan lang din ako makapag-out of town. Bukod sa strict ang pamilya ko, busy pa sila sa kani-kanilang trabaho. Most of the time na sa bahay lang ako. Tuwing fieldtrip lang talaga ako nakakapamasyal sa malalayong lugar.

[Book 1] Warning: Bawal Ma-fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon