TMH 40

1.4K 53 0
                                    

AKIO RAIDEN RYUSEI

Marahas kong binalibag sa basurahan ang maskarang puno na ng dugo dahil sa ginawa ko itong pantakip sa braso kong natamaan ng bala.

"Tangina!" Naiinis kong mura habang iniinda ang sakit. Ang akala ko ay nadaplisan lamang ako, ngunit ng linisin ko ang sugat ay bumaon pala ang putanginang bala.

"Nasaan na kayo?" Bungad ko kay Aden sa kabilang linya habang palabas ako sa kwarto.

Dapat ay kanina pa ang mga ungas na to ngunit nakuha ko ng makabalik ay wala parin ang mga ito gayong napakadali lamang ng mga trabaho nila.

Nakaupo na ko sa sofa ay hindi parin sumasagot si Aden. Sisigawan ko na sana siya ngunit biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang tatlong ungas.

"I miss you too bro!" akmang yayakapin ako ni Aden na nangingiti ngunit napalayo ito dahil sa agarang pagsipa ko sa tuhod niya.

"Ayos na bossing! Mukhang napuruhan ka." Pangasar na salubong naman sa'kin ni Zake na nakatitig sa kanang kamay ko na napuruhan kanina.

"Hahaha mas magaling talaga manok ko. Di mo matalo-talo bro!" Sinamaan ko ng tingin si Aden. Mabuti at alam niyang matatamaan siya sakin kapag lumapit pa siya.

"Search for Yoh's location." Utos ko sakanila saka nag tungo na sa kwarto.

--
MAKI

Mabilis kong tinapakan ang yosing inihithit ko ng maramdaman ko ang yakap ni Mavi mula sa likuran ko. Tinatanaw namin ang syudad sa ibaba mula sa isang wall glass dito sa living area ng condo.

"They will be alright." Aniya at nag buntong-hininga.

Ngayong gabi na ang lipad namin papuntang Exile Island. Dapat ay noon pa bago ang kaarawaan nila ngunit marami pa kong inasikaso at hindi ko maiwan ang trabaho ko bukod sa pagiging personal assassin ng mga Chikama.

Yes. Im an assasin. Even Mavi, she's with Clark Empire.

Hindi totoong kapatid ko si Yui. Naging Chikama ako dahil sa isang misyon, iyon ay ang maging personal assassin nga nila. Dahil na rin sa mga magulang ko ay ako ang pinagkatiwalaan ng mga Chikama mula na ng isilang ako. Ganun din si Mavi at ang kuya ni Zam na si Jc.

Kaya kung iisipin talaga ay sila lamang ang tagapagmana ng bawat empiro, They are the first born child. Idagdag pa na sabaysabay silang isinilang at talagang may kakayahan silang nakikita ng bawat pinuno ng unti-unti silang lumaki. Nagkasundo ang mga pinuno at unti-unting umaayos ang lahat.

Ngunit muling nagkagulo ng dahil namatay ang tagapagmana ng mga Ryusei at malaman ang tunay na pagkatao nito.

"Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ng batang yun. Kung bakit niya sinira ang crystal. Tss that brat." Napangisi ako ng maalalang tinext pa ko ni Yui ng gawin niya yun.

'It's melting. Hindi kayang basagin ng katana baka mabungal pa siya, kaya sinunog ko with some chemicals. You're free to leave the empire. Hahaha goodbye my fake brother!' Aniya sakanyang text.

"Alam mo namang pasaway iyon. Pero siguradong may mas magandang plano siya." Napailing ako ng maalalang iniba at sinira niya ang plano namin simula pa noon.

"Tss." Hinarap ko siyang hanggang ngayon ay naiinis parin. Hindi ko alam kung ano talaga ang pinagmulan ng away ng dalawa. But it's kind of entertaining noong mga panahong nagliliparan ang mga kitchen knives sa mansyon kapag nagkikita sila.

Hinalikan ko ang dulo ng ilong niya, paraan ko upang mawala ang pagkainis sa mukha niya. Dahan-dahan din naman siyang ngumiti at umaambang halikan ako ng matigilan kami ng dumating na ang kanina pang hinihintay namin.

"Oh yeah? Get a room dude." Nakasimangot ang mukha niya ng makita ang ayos namin.

"This is my condo. My unit. My room Jc." Natawa ako sa pagsusungit ni Mavi. Iba talaga kapag nabibitin ang mahal ko.

Lumabas na kami at dumiretso sa rooftop upang sumakay sa isang chopper na kanina pa naghihintay saamin.

--
YUI RANN CHIKAMA

When I was a 5 year old kid, I already killed four men who are miles older than me. Hindi ko alam kung paano pero nagawa ko iyon na walang kahirap-hirap.

"Kill them. They are the reason why you are alone and devastated. They killed your parents." He whispered while putting the gun on my hand. Mabilis na dumadaloy ang luha sa aking mga mata, hindi dahil sa takot kundi dahil sa pagkamuhi sa tatlong litratong nasa mesa.

Itinuro niya sa akin kung paano ako makakapasok sa mga silid ng tatlo na hindi nakikita ng kung sino. Hindi ko alam kung paano ko nagawa iyon, masyadong mabilis ang mga pangyayari. Masyadong madilim ang paningin ko at nakuha kong patayin ang tatlo sa kani-kanilang silid sa loob lamang ng sampung minuto.

Binalikan ko muli ang lalaking iyon sa silid kung saan niya ako dinala kanina. Nadatnan ko siyang nakaupo sa isang swivel chair habang nakataas ang dalawang kamay niya dahil sa nakatutok na baril sakanya.

"You used my granddaugther!" sigaw ni lolo sa lalaki habang nakatutok ang baril na hawak niya rito. Hawak ko parin ang baril na ginamit ko habang nakatulala sakanilang dalawa.

Ngumisi yung matandang lalaki at tumitig saakin. Sa ginawa niya ay para akong na-hypnotismo at itinutok ang hawak kong baril sa gawi ni lolo.

"Listen Yui, put down your gun now princess." nagulat man ay nagawa paring maging mahinahon ang boses ni lolo ngunit masyadong madilim ang nakikita ko at hindi ko parin magawang ibaba ang baril.

"Ano ang pakiramdam ngayong nakatutok sayo ang baril na hawak niya?Masakit ba? Masakit bang traydurin ka ng taong malapit sayo? Nang kadugo mo?" Ngumisi ang matanda kay lolo.

"Ilang ulit ko bang sasabihin sayong wala akong kinalaman sa mga nangyari?" mahinahon parin ang boses ni lolo dahilan upang mag-iba ang timpla ng mukha nung lalaki.

"Hinayaan mo sila! Hindi ba sinabi ko sayong ilayo mo ang anak mo sa anak ko!" galit na sigaw niya saka tumayo mula sa pagkakaupo. Ngayon ay nakakuyom na ang kanyang mga kamao na kanina ay nakataas.

"Shoot him." hindi man nakatingin ay alam kong ako ang inuutusan niya. Ngumisi siya at mabilis na kumilos upang sakalin si lolo saka itinapon ang hawak na baril nito na kanina lamang ay nakatutok sakanya. Iniharap niya saakin si tanda. Nanginig ang mga kamay ko. Nagtatalo ang isip at ang katawan ko sa nakita ko.

"Princess." bulong ni lolo, tama lang para marinig ko. Pumikit ako habang nakatutok parin sakanya ang baril na hawak ko. Sa pagpikit ko ay sya ring pagpapakita ng mga imahe kung saan nakita kong pinatay ang mga magulang ko ng mga armadong lalaki. Nakita ko ang isang tattoo sa kamao ng isang lalaking may kakaibang suot na di gaya ng mga armadong nasa paligid niya.

Sa pagdilat ko ay siya ring paghiyaw ng tunog ng baril na hawak ko sa buong kwarto. Sa mga sandaling tinatanaw ko ang pagkagulat sa kanyang mukha ay napangisi ako ng mapakla kasabay ng mga luhang nag uunahan na naman sa pagtulo. Tumama ang bala sa pinakasentro ng kangyang noo at unti-unting kumakalas ang kanyang braso na nakakawit sa leeg ni lolo.

The Mafia Heiress (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon