Chapter 13

164K 4.5K 589
                                    



---

"Anong ginagawa mo dito, Hugh?" tanong kong muli nang hindi ako sagutin ni Hugh. He's just looking at me. Maya-maya'y ngumiti siya ng tipid sa akin.

"Chill, Mikaela." Naglakad siya palapit sa akin. Huminga ako ng malalim bago muling nagsalita. "I am asking you. What are you doing here? Wala tayong usapan. Wala tayong plano and gosh! Wala kang karapatang magpunta dito! Hindi ka dapat nandito!" Hindi ko napigilan ang mga salitang nasabi ko. Gusto ko mang bawiin, 'di ko naman magawa.

Kanina lang, naalala ko ang mga memories namin ni Mikael. Kung paano ipinararamdam sa akin ni Mikael na mahal niya ako. Now... makikita ko ang taong nagiging laman ng isip ko kahit na ayoko? This is not good! Hindi tama, eh. Hindi ko dapat hinahayaan ang sarili kong tumingin sa iba. Mahal ko si Mikael.

"Really, Mikaela?" Hugh mocked me. "After kissing me, bigla kang nagkaganyan?" May hinanakit sa tinig niya pero pilit kong binabalewala. Kung nahihirapan si Hugh sa sitwasyon, ano pa ako? Ano pa ang nararamdaman ko? Nahihirapan na din naman ako.

Umupo nalang ako sa sofa na naroon at sumandal. "This is not right." I whispered. I need to go to Mikael and say sorry. I promised to him that I will never fall for anyone if it's not him who'll catch me. At wala akong balak sirain ang pangako ko na iyon sakanya.

"Iniiwasan mo ako, diba?" Tanong ni Hugh sa akin. Nag-angat ako ng tingin sakanya at marahang umiling. "No... it's just--"

"After kissing me, you went to the bathroom, Mikaela. Pagbalik mo, you can't look at me anymore. I've been calling and texting you pero wala akong mapala. I need to track your phone to know your location. I'm acting like a stalker now, and that's all because of you, Mika. You." Naglakad siya palapit sa akin at umupo upang magpantay ang mukha naming dalawa.

Hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa mga labi niya. Tinitigan ko siya ng maigi.

"Don't do this to me. Alam natin pareho na may nararamdaman ka para sa akin... don't deny it, Mikaela. Please, don't." Ani Hugh sa akin. Hindi ko napigilang mapabuntong-hininga muli. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko para kay Hugh. He's important to me. He's my friend. I know, 'yun ang nararamdaman ko.

"Mika..."

Napalingon kaming dalawa nang bumukas ang pinto at pumasok si Ate Steph. "Oh, may kasama ka pala..." Ani Ate Steph nang makita si Hugh. Binawi ko ang kamay kong hawak ni Hugh at tumayo na at naglakad papunta kay Ate Steph. Hindi ko nalang pinansin ang pagsimangot ni Hugh sa pagbawi ko sa kamay ko. Ayokong may isipin ang ibang tao tungkol sa akin. Alam nila kung anong meron kami ni Mikael... and even if Mikael's not here... naguguilty ako kahit wala naman akong ginagawang mali.

"His name's Hugh. A friend, ate. Classmate ko siya, actually... 'yung band niya ang kumanta noong kasal ni Kuya..." pakilala ko Hugh sa nakatingin pa rin sa aking si Ate Steph. "Hugh, she's Ate Stephanie. Co-model namin dati."

"I know her." Hugh smiled at me. Lumapit siya kay Ate Steph at nakipagkamay. "It's nice to see you again, Mrs. Monteverde."

Kumunot ang noo ni Ate Steph habang nakatingin kay Hugh bago lumingon sa akin. Nagkibit balikat naman ako. Nagkita na sila noong nagpropose si Kuya Thunder kay Ate Rain at maging sa kasal ng mga ito. Baka iyon ang 'see' na sinasabi ni Hugh dito.

"You're so formal. Steph nalang. Feeling ko, ang tanda ko na, eh." Natatawang sabi ni Ate Steph kay Hugh. Bumaling naman siya sa akin at ngumiti. "I need to bring Caryl to Paul Jake. You know, daddy's girl 'yon. Iiwan ko muna si Cloud sa'yo, okay lang ba?" She asked me. Tumango ako. "Oo naman. It's Cloud, naman, eh." Ngumiti ako.

UG 2: Amaranthine Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon