Special Chapter 2

24.6K 511 91
                                    

Yago

MABILIS AKONG tumakbo sa malaking gate kasunod ang aso kong si Pepito ng matanaw ko na ang batang anak ng magsasaka na paborito kong asarin. Nakakatawa ang suot nya. Neon green na dress. Akala mo naman bagay sa kanya eh ang negrita nya. Glow in the dark yarn?

"Alicia Negrita!" Tawag ko sa kanya.

Hindi nya ako pinansin at tuloy tuloy lang sa paglalakad habang hila hila ang panungkit. Malamang manunungkit na naman sya ng bayabas sa bukid.

"Alicia Negrita. Yuhoo!" Pakantang tawag ko pa sa kanya. Tinatahulan din sya ni Pepito. Pero di pa rin nya ako pinapansin. Alam kong naririnig nya ako di nya lang ako pinapansin.

"Mangunguha ka ng bayabas no? Mukha ka talagang bayabas kaya ka umiitim eh. Pati damit mo kulay bayabas." Pang aasar ko sa kanya. Pero di pa rin nya ako pinapansin o kahit tingnan man lang.

"Aba't! Isnabera ka na ha." Naiinis na sabi ko. Akala mo naman ang ganda ganda. Negrita na nga isnabera pa.

Napangisi ako at tumingin kay Pepito na tumingin din sa akin. Parang nagkakaintindihan kami. Binuksan ko ang maliit na gate.

"Pepito habulin mo si Negrita." Utos ko kay Pepito.

Agad naman syang sumunod at hinabol nga si Alicia at tinatahulan. Lumingon si Alicia at nanlaki ang mata ng makitang tumatakbo papalapit sa kanya si Pepito at tinatahulan sya.

"Wahh! Tatay ko!" Sigaw nya at tumakbo. Nabitawan pa nya ang hawak na panungkit. Lalo naman syang hinabol ni Pepito. Tawa naman ako ng tawa. Hanggang sa naabutan na sya ni Pepito at kinagat ang damit nya. Nadapa sya. Doon na ako tumakbo palapit sa kanila at inawat si Pepito.

"Pepito! Stop it!" Saway ko kay Pepito. Tumigil naman si Pepito at lumapit sa akin.

Umupo sa sementadong kalsada si Alicia na umiiyak na at punit ang laylayan ng neon green nyang dress. Napansin kong may dugo ang bunti nya.

"Hala! May dugo ka negrita." Bulalas ko at lumapit sa kanya. Pero tinulak naman nya ako at napaupo ako sa sementadong kalsada.

Tumayo sya habang hawak ang punit na laylayan ng dress nya at ang binting dumudugo. Matalim na tumingin sya sa akin. "Kasalanan mo to! Salbahe ka talaga! Isusumbong kita sa tatay ko!" Sigaw nya sa akin at tumakbo na pauwi. Akmang hahabulin pa sya ni Pepito ng sawayin ko ito.

Tumayo ako pinagpag ang puwitan ng shorts habang tinatanaw na lang syang tumatakbo palayo. Napakamot na lang ako sa ulo. Nakita ko ang panungkit ni Alicia na nabitawan nya kanina. Kinuha ko ito. Natawa pa ako sa panungkit nya dahil pinagdugtong dugtong lang ito na mga sanga tapos may nakabaluktot na alambre sa dulo. Itatago ko muna ito.

"Halika na Pepito." Tawag ko sa alaga kong aso at bumalik na kami sa mansion tangay ang panungkit ni Alicia.

NAPAYUKO AKO habang sinisermonan ni papa dito sa sala. Katabi ko naman si mama na matiim din ang tingin sa akin. Sa harap ko naman ay nakaupo si Alicia Negrita na matalim ang tingin sa akin at may band aid sa binti. Katabi nya ang tatay nya na nagsusumbong kay papa.

"Bakit mo ginawa yun Yago?" Galit na tanong sa akin ni papa na nakapamewang at salubong ang kilay.

Napalunok ako. Mabait si papa pero kapag nagalit nakakatakot.

"Hindi ko naman po alam na kinagat sya ni Pepito eh. Akala ko po nasugatan lang sya." Nakangusong katwiran ko. Hindi ko naman talaga alam na kinagat sya.

"Hindi sya kakagatin ni Pepito kung hindi mo sya pinahabol." Sermon pa ni papa.

Napayuko akong muli.

"Anak, mali yung ginawa mo ha." Mahinahong sabi naman ni mama.

Kumamot naman ako sa ulo.

"Anong sasabihin mo?" Tanong sa akin ni papa.

"Sorry po."

"Sa kanila ka magsorry." Utos ni papa at minuwestra ang kamay kay Mang Ador at Alicia.

Tumingin naman ako sa kanila. "Sorry po Mang Ador at Alicia. Di na po mauulit." Sabi ko.

Ngumiti si Mang Ador. "Pinapatawad ka na namin señorito."

"Tay ako hindi pa." Sabat naman ni Alicia na inirapan pa ako.

"Anak, nagsorry na si señorito Yago."

"Mukha naman po syang hindi sincere eh. Saka lagi nya po akong inaasar na Alicia Negrita sa tuwing nakikita nya ako. Hindi ko naman po sya inaano." Nakangusong sumbong ni Alicia at inirapan ako ulit.

"Totoo ba yun Yago?" Tanong ni mama na seryosong seryoso na ang mukha. Ganun din si papa.

Napakamot naman ulit ako sa ulo. Patay ako. Sumbungera talaga tong negritang to eh. Tiningnan ko sya ng matalim pero nginisihan lang nya ako.

"Yago, tinatanong ka ng mama mo." Untag ni papa na pigil pigil ang pagtaas ng boses.

Tumingin naman ako kay mama na bakas sa mukha ang disappointment sa akin. "Sorry po ma. Inaasar ko lang naman po sya."

Bumuntong hininga naman si mama at napahimas sa batok. "Umakyat ka muna sa kwarto mo. Maguusap tayo mamaya ng masinsinan." Utos nya.

"Opo ma." Tumayo na ako at nakayukong umalis. Pero bago ako umakyat ng hagdan ay tiningnan ko muna si Alicia. Nakatingin din pala sya sa akin ng matalim. Binelatan ko naman sya at umakyat na ng hagdan.

"Humihingi kaming magasawa ng pasensya sayo Ador sa inasal ng bunso namin sa anak mo. Hayaan mo at pagsasabihan namin sya."

Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ang sinabi ni papa.

"Naiintindihan ko ho Señor Yñigo. Likas na talaga sa mga bata ang mang asar kung minsan." Sabi naman ni Mang Ador.

"Wag kang mag alala ako na ang bahala sa pagpapaturok sa anak mo. Yun man lang ay makabawi kami sa ginawa ng bunso namin sa anak mo."

"Iha, pagpasensyahan mo na ang anak ko ha. Sadyang makulit lang talaga yun pero mabait naman." Sabi ni mama kay Alicia.

"Hindi po sya mabait señora, salbahe po si señorito Yago. Kanina nga po binelatan pa nya ako bago umakyat ng hagdan eh." Nakangusong sumbong ni Alicia.

Sabay na tumingala naman sa taas ng hagdan si mama at papa at nakita ako. Mabilis naman akong pumihit at dali dali ng umakyat papunta sa kwarto ko.

Tsk! Napaka sumbungera talaga ng negrang yun. May araw din sya sa akin.

*****

Pinost ko na dito ang dalawang special chapter. Pero nasa GoodNovel po ang edited version ng Amira. Maraming scene ang nadagdag, tatlong chapter din ang nadagdag at syempre mas hot na bedscene. Kung gusto nyo pong mabasa go na sa GoodNovel. Kung walang coins para maunlock ang chapter nood lang po ng ads para magkacoins. 😉

Amira Where stories live. Discover now