chapter 38

30.5K 842 98
                                    

Amira

"I now pronounce you husband and wife. You may now kiss your bride."

Sumigabo ang palakpakan sa loob ng simbahan. Hinawakan ni Yñigo ang puting veil at tinaas. Pareho kaming may matamis na ngiti sa labi at may munting luha sa mata sa labis na kagalakan. Inangat nya ang kamay at inabot ang pisngi ko at banayad na hinaplos. Mapupungay ang kanyang mga matang nakapako sa akin.

"I love you baby.." Anas nya.

"I love you too Yñigo.."

Bumaba ang mukha nya at siniil ako ng malalim na halik na agad ko namang tinugon. Mas lalong umugong ang palakpakan na sinabayan pa ng mga hiyawan.

Sinabayan kami ng pagsaboy ng mga petals ng bulak at bigas habang palabas kami ng simbahan. Lahat ay may ngiti sa kanilang labi at puro magandang mensahe ang hinahatid sa amin. Kanya kanyang lapit din ang mga bisita at binati kami. Ang itay at inay ay naluluha pa at panay ang punas ng luha. Inaalo naman sila nila tita Cecil at tita Noemi na mga anak ni lolo Arsenio na umuwi pa galing Manila para dumalo sa kasal namin. Si lolo Arsenio naman ay tuwang tuwa at panay ang estima sa mga bisita. At lahat sila ay masaya para sa amin lalo na sa paparating naming baby.

"O sa lahat ng girls na mga single dyan, humilera na kayo sa likod. Ihahagis na ng bride ang bulaklak. May the best girl win!" Anunsyo ng wedding organizer namin.

Agad naming tumalima ang mga abay at humilera sa likod. Dinig na dinig ko pa ang hagikgikan nila. Pero mas nangingibaw ang maharot na boses ni Tonio. At mukhang nakisali sya. Lumingon ako. Tama nga ako. Panay tulak sa kanya ng mga kasambahay naming mga abay din at single. Natatawa na lang ang iba pa.

"Uy bakla! Di ka pwedeng sumali." Ani ate Mona at nakipagbalyahan pa ng balikat kay Tonio.

"Wag kang paladesisyon Monalisa. Bestfriend ako ng bride kaya may karapatan ako at nakasalalay sa bulaklak na yan ang kapalaran ko." Pagtataray ni Tonio kay Ate Mona na magandang maganda ngayon sa ayos at suot. Di ko nga sya nakilala kanina eh.

"Ambisyosa ka! Aagawan mo pa kami ng kapalaran eh!"

Nagtawanan ang ilang mga bisitang naroon.

"Hayaan nyo na si bading girls! Kaisa nyo rin yan. O ready na!" Sabat ng organizer sa kanila. Nagkanya kanya naman sila ng pwesto.

Binalingan ako ng organizer. "Pagbilang ko ng tatlo ihagis mo na ok."

Tumango naman ako.

"Accla, dito sa kaliwa!" Sigaw ni Tonio.

"Hindi, dito sa kanan Amira!" Sigaw naman ni ate Mona.

"Gitna lang señorita!"

Nakatingin lang ako sa organizer at hinihintay ang hudyat nya. At saktong ikatlong bilang nya ay hinagis ko na patalikod ang bulaklak. Nakarinig naman ako ng tilian. Lumingon ako. Nasalo ni Tonio ang bulaklak at ngayon ay tumatakbo sya habang hinahabol ni ate Mona para agawin ang bulaklak. Tumatawa lang ako habang pinapanood sila. Naramdaman ko ang kamay na humawak sa bewang ko at labing dumikit sa ulo ko. Tumingala ako at ngumiti.

"Mukhang nag e-enjoy ka sa kanila wifey. Nakalimutan mo na ako." Kunwaring nagtatampong sabi nya.

"Sorry hubby, natutuwa lang ako sa kanila eh. Parang mga bata." Natatawang sabi ko.

"It's ok, ang importante nag e-enjoy ka at masaya sa araw na to." Nakangiting sabi nya sabay halik sa noo ko.

"Ang sweet naman ng bagong kasal. Para tuloy bigla akong nainggit." Anang isang baritonong boses na nagsalita sa likuran nya.

Amira Where stories live. Discover now