chapter 19

38.4K 844 221
                                    


Amira

Halos mabingi na ako sa lakas ng kalabog ng puso ko habang nakaupo ako sa elaganteng sofa sa sala. Hindi ko matingnan ang mga magulang kong matiim na nakatingin sa akin. Si inay ay katabi ko na may hawak na baso ng tubig habang hinahagod ni manang Flor ang likod nya. Iiling iling na tinitingnan nya ako. Si itay naman ay nakatayo at matalim ang mga matang nakatingin sa akin. Habang ang señor ay hawak ang tungkod na nakaupo din sa pang isahang sofa.

Kinagat ko ang labi ko at yumuko habang kinukurot kurot ang mga daliri.

"Lo, Mang Carlitos, Manang Esme.."

Nag angat ako ng tingin. Pababa ng hagdan si señorito Yñigo at bihis na ito. Nagsalubong ang aming tingin. Naging mapungay ang kanyang mga mata. Para namang may insektong kumikiliti sa tiyan ko dahil sa tingin nya na iyon. Pero agad din akong nagbawi ng tingin at muling yumuko.

Narinig ko naman ang marahas na paghinga ni itay at hinarap si señorito. Napasinghap ako dahil nakahawak na naman si itay sa kanyang itak. Si inay naman ay naalarma kaya agad din syang pinakalma ni manang Flor.

Ano na naman ba tong gulo ang pinasok ko? Tama nga si itay. Kung kelan ako tumanda saka ako naging sakit sa ulo.

Gusto kong maiyak pero wala akong karapatan. Ako ay may gawa nito kaya kailangan harapin ko ito.

"Mang Carlitos -- "

"Pinagkatiwalaan kita señorito. Kaya nga hinahayaan ko ang anak ko na tanggapin ang alok nyong pansamantalang trabaho dito sa mansion ay dahil may tiwala ako sa'yo. Tapos ano? Makikita ko na lang na nasa kwarto ka ng anak ko at parehas kayong walang saplot!"

Napalunok ako at lalong kinabahan dahil sa galit na boses ni itay. Tumayo naman si inay at hinawakan sya sa braso.

"Huminahon ka muna Carlitos. Nasa loob tayo ng mansion at nasa harap natin ang señor." Pagpapakalma ni inay sa kanya.

"Paano ako hihinahon? Ginapang ng magaling na lalaki na yan ang anak natin!" Sikmat ni itay sabay duro kay señorito na parang hindi man lang natatakot sa istura ni itay na anumang oras ay baka itakin na sya.

"Carlitos, pag usapan natin to sa mahinahong paraan." Kalmadong sabi ng señor.

Humugot na naman ng marahas na hininga si itay. Halatang galit na galit na sya ngunit kinokontrol pa rin ang sarili.

"Pasensya na ho señor Arsenio. Pero paano ho ako hihinahon sa nakita ko kanina, at hindi naman ako pinanganak kahapon para hindi malaman kung ano ang ginawa ng apo nyo sa anak ko."

"Carlitos, sinasabi mo ba na pumasok ang apo ko sa kwarto ni Amira at pinilit sya na makipag siping?" Maawtoridad na tanong ni señor. Seryoso na rin ang mukha nito.

"Eh ano pa ho ba? Bakit pumasok sa loob ng kwarto ni Amira si señorito at naabutan nating parehas walang saplot. Mas matanda di hamak si señorito at mas maraming karanasan sa pakikipag siping, alangan naman si Amira pa ang naghikayat sa kanya na makipag siping."

Sa sinabi ni itay at naginit ang mukha ko. Parang gusto ko ng lumubog sa kahihiyan. Narinig ko pa ang pagsinghap ni inay. Nakagat ko na lang ng mariin ang labi ko. Hindi ko kayang magsalita dahil baka kung ano lang ang lumabas sa bibig ko na lalo pang ikalala ng sitwasyon lalo na at mainit na ang ulo ni itay.

"Tinanong mo na ba ang anak mo kung pinilit sya ni Yñigo?" Tanong pa ulit ng señor at dumako sa akin ang kanilang mga mata.

Si itay ay nakapamewang na matalim ang tingin sa akin. Si inay ay samut saring uri naman ng tingin ang binigay sa akin. Pero kita ko ang pagkabigo sa kanyang mga mata. Dumako naman ang tingin ko sa lalaking kumuha ng pinakaiingatan ko at kasalo ko sa ligaya kagabi. Titig na titig pa rin sa akin ang mapupungay nyang mga mata.

Amira Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon