chapter 34

32.6K 685 118
                                    

Amira

Natigilan ako sa sinabi ni inay at mas kumalabog sa kaba ang dibdib ko. Galing na mismo sa kanyang bibig ang kanina pa umuukilkil sa isip ko.

"Hindi pa naman sigurado iho. Pero pwede naman kayong mag pregnancy test para nakumpirma natin at bukas makapag pa check up na kayo." Suhestyon ni inay sa amin.

Umupo naman sa harap ko si Yñigo at hinawakan ang aking kamay. May nabanaag akong kakaibang kislap sa mga mata nya. Pagkasabik.

"Baby ok lang ba kung mag pi-pregnancy test ka? Para lang makasiguro tayo?" Tila excited pang sabi nya.

Napakagat labi ako at tumingin pa kay inay. Tumango naman sya sa akin na parang sinasabing ako ang bahala. Parang bigla rin akong naexcite.

Tumingin akong muli kay Yñigo. Mapupungay ang kanyang mga matang nakatingin sa akin na naghihintay ng sagot ko.

Tumango ako.

Ngumiti sya at hinalik halikan ako sa noo bago tumayo. "Lalabas lang ako, bibili ako ng pregnancy test. Inay kayo ho muna ang bahala sa asawa ko." Pagkasabi nun ay mabilis na syang lumabas.

Umupo naman si inay sa harap ko at inipit ang buhok ko sa likod ng tenga. "Mukhang excited ang asawa mo."

Napakagat labi ako. Maging ako man ay excited din. Pero may agam agam pa rin sa sa akin.

"Paano kung.. hindi naman nay?" Kinakabahang tanong ko.

"Eh di subukan nyo uli. Bata ka pa naman at malusog pa." Nakangiting sabi ni inay. Mukhang sya ay excited din.

"Gusto nyo na rin bang magka apo nay?" Tanong ko sa kanya.

"Aba'y oo naman! Nakakamiss din mag alaga ng bata. Sana kung babae ay kamukha mo, kung lalaki naman kamukha ng asawa mo."

"Wala pa nga nay eh." Nagiinit ang pisnging sabi ko.

"Hmm..pero malakas ang kutob ko meron na yan. Ang lakas ng pintig ng pulso mo dito oh." May sinalat sya sa parte ng ibaba ng leeg ko. 

Napangiti ako at sinalat na rin ang parteng iyon..

Agad na lumapit sa akin si Yñigo pagbukas ko ng pinto ng banyo. Bakas ang excitement at pagalala sa mukha nya. Nasa loob na rin ng kwarto namin sila itay at lolo Arsenio pati na rin ang mga kasambahay na nag hihintay ng magandang balita. Gaya ni Yñigo ay bakas din sa mukha nila ang excitement.

"What happened baby?" Halos natataranta pang tanong ni Yñigo.

Napakagat labi ako at halos nanginginig ang kamay kong inabot sa kanya ang PT. Kinuha naman nya ito sa kamay ko at tiningnan.

Bahagyang napaawang ang labi nya at nanlalaki ang matang tumingin sa akin pati na rin sa lahat ng naroon.

"Ano? Ano nang resulta iho?" Nasasabik ding tanong ni lolo Arsenio.

Si itay at inay ay magkahawak pa ang kamay na nakatingin din sa amin ni Yñigo. Naluluha pa ang mga mata ni inay.

Maya maya pa ay sabay sabay kaming napatili ng bigla na lang bumagsak sa sahig si Yñigo.

"Yñigo!" Sigaw ko at agad syang dinaluhan.

Lumapit na rin sila inay at ilang mga kasambahay. Abot abot ang kaba ko. Tinapik tapik ko ang kanyang pisngi para magising sya. Hinawakan ko pa ang pulsuhan nya. Malakas naman ang pulso. Umuklo din si Manang Flor at hinawakan din si señorito. Kinuha nya ang PT sa kamay nito at tiningnan. Nanlalaki ang mata nyang tumingin sya sa akin. Nginitian ko naman sya.

"Anong nangyari sa apo ko?" Nagaalalang tanong ni lolo Arsenio nang lumapit sa amin.

"Ayos lang ho si señorito señor, hinimatay lang." Ani Manang Flor.

Amira Where stories live. Discover now