chapter 23

35.3K 744 54
                                    

Amira

Palakas ng palakas ang kalabog ng dibdib ko habang hinihintay ang sasabihin ng doctor at piping nagdadasal.

"Nakuha na namin ang bala sa dibdib nya pero kailangan pa rin syang obserbahan. Ililipat na sya sa ICU."

Para naman kaming nabunutan ng malaking tinik sa dibdib at nakahinga ng maluwag. Umiiyak na nagpasalamat si inay sa butihing doctor. Hinawakan naman ako sa balikat ni Yñigo at hinalikan sa ulo. Nilingon ko naman sya at nginitian, nagpasalamat dahil hindi sya umalis sa tabi namin ni inay.

Nang nailipat na si itay sa ICU ay saka lang namin sya pinuntahan. Pinasuot kami ng surgery gown bago pinayagan makapasok. Tulog na tulog si itay at may mga swerong nakakabit sa kanya. Lumapit kami ni inay. Hinaplos ni inay ang noo at buhok nya habang maingat ko namang hawak ang kanyang kamay. Halos tatlumpong minuto din kaming nanatili sa loob. Si Yñigo ay nagpaalam para kausapin ang mga pulis.

***

Hermano Residence

Alvin

Halos hindi ko malunok ang pagkaing nginuguya ko. Ang isip ko ay naiwan pa rin sa Hacienda Alejos. Kay Amira at sa itay nya na nakahandusay sa kalsada at duguan. 

"Hijo hindi mo ba gusto ang pagkain?" Untag ni mommy habang matamang nakatingin sa akin.

"Hindi lang ako masyadong gutom mom." Walang gana kong sagot.

Tinaasan lang nya ako ng kilay. Sinulyapan naman ako ni Aileen. Nginitian ko naman sya.

"Saan ka ba galing kanina? Umagang umaga umalis ka." Tanong ni Daddy na pailalim akong tiningnan.

"M-May pinuntahan lang Dad."

"At ano naman yun? Baka kalokohan na naman."

Napahigpit ang hawak ko sa kutsara't tinidor dahil sa sinabi nya. Napalunok ako at yumuko.

"Henry ano ka ba? Nasa hapag kainan tayo wag mo namang sermonan ang anak mo." Sabat ni mommy.

"Isa ka pa! Kaya lumalaking matigas ang ulo ng batang yan dahil kunsintidor ka." Asik no daddy kay mommy.

Hindi na nagsalita si mommy at inirapan na lang si daddy.

Pumasok sa komedor si Manang Pasing at balisang balisa. "Sir Henry, may pulis po sa labas. Hinahanap kayo."

Natigilan kaming lahat at tumingin sa kasambahay. Nabitawan ko naman ang kubyertos at naglikha ng ingay. Napalunok ako. Nabaling naman ang tingin nilang lahat sa akin.

"Sorry, nagulat lang ako." Sabi ko. Binigyan naman ako ng makahulugang tingin ni mommy.

"Bakit daw Pasing?" Tanong ni Daddy.

"Hindi ko po alam sir."

Kumunot ang noo ni Daddy at nagpunas ng bibig saka tumayo at lumabas ng komedor. Tumahip naman sa kaba ang dibdib ko.

"Kuya ayos ka lang?" Tanong ni Aileen.

Tiningnan ko sya at tumango sabay ngiti ng tipid.

Tumikhim naman si mama at binababa na ang kubyertos. "Aileen, umakyat ka muna sa kwarto mo."

"Pero mom, hindi pa ako tapos kumain." Angal ni Aileen.

"Tama na yan! Kaya ka tumataba dahil kain ka ng kain. Umakyat ka na sa kwarto mo." Singhal ni mommy sa kanya.

Napalabi na lang si Aileen at uminom ng tubig saka tumayo at lumabas ng komedor.

"Mom, andyan na ang mga pulis." Natatarantang sabi ko. Takot na takot ako. Ayokong makulong. Wala akong kasalanan.

Amira Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon