chapter 22

37K 661 80
                                    

Yñigo

Nagsalubong ang kilay ko at parang nagdilim ang paningin ko ng makita ang ex ni Amira na nasa labas ng gate at pigil pigil ng mga tauhan ko.

"Amira!" Sigaw nya.

Nagpanting naman ang tenga ko sa pagsigaw nya sa pangalan ng asawa ko. Ni ang banggitin ang pangalan nya ay wala itong karapatan.

Madilim ang mukha nya at nagtatagis ang bagang ng makita akong papalapit sa gate.

"Anong kailangan mo sa asawa ko?"

"Ilabas mo si Amira, gusto ko syang makausap." Mariing sabi nya.

Napakamot ako ng kilay at humugot ng malalim na hininga para pakalmahin ang sarili.

"Ano pang pag uusapan nyo ng asawa ko?"

Lalo namang nagdilim ang paningin nya at nagpupumiglas sa hawak ng dalawang tauhan ko.

"Hindi mo sya asawa."

Napangisi naman ako sa sinabi nya. Kumibot ang labi ko at nagpipigil na paulanan sya ng mura.

Maya maya pa ay napalitan ng ngisi ang labi nya. "Sabi na nga ba eh. Tama nga ang kutob ko ng gabing yun, iba ka makatingin sa girlfriend ko. Ang tanda tanda mo na pinagnanasaan mo ang girlfriend ko na halos kalahati na ng edad mo. Ano? Nauubusan ka ng babae?"

Napatiim bagang ako sa sinabi nya at naikuyom ang kamao. Ngali ngaling sugurin ko sya sa labas at bubugin. Pero hindi ko pwedeng daanin sa dahas dahil baka matakot ang mga tauhan ko.

Muli akong humugot ng malalim na hininga. "Bakit ba hinahanap mo pa ang asawa ko? Hindi ba hiwalay na kayo kasi nahuli ka nyang nagloko?"

Natigilan naman sya sa sinabi ko at bahagyang namutla.

Napangisi naman ako at patuyang tiningnan sya. O eh di natanggal ang angas mo.

"Ang mabuti pa umuwi ka na bata. Dun ka na lang sa babae mo at tigilan na ang asawa ko dahil hindi mo sya makukuha sa akin." Mariing sabi ko. Sinenyasan ko ang mga tauhan. Alam na nila ang gagawin.

"Hindi! Hindi ako aalis dito hanggang hindi ko nakukuha ang girlfriend ko! Amira! Amira babe! Nandito na ako! Amira!" Sigaw nya at kinalampag pa ang gate. Hindi ko na sya nilingon at naglakad pabalik sa loob ng mansion.

"Hoy! Tarantado kang bata ka at dito mo pa nakuhang manggulo!"

Napahinto ako sa paglalakad at nang marinig ang boses ni itay Carlitos. Nilingon kong muli ang gate. Papalapit sya sa nagwawalang ex ni Amira. May nakasukbit pang itak sa bewang nito. Pumihit ako at bumalik sa kinaroroonan nila.

"Mang Carlitos parang awa nyo na. Ibalik nyo sa akin si Amira please." Pagmamakaawa nya sa matanda.

"Kasal na ang anak ko kaya tantanan mo na sya Hermano."

"Hindi totoo yan! Hindi magpapakasal sa iba si Amira. Kami ang magpapakasal dahil ako ang mahal nya!" Tungayaw nya habang nagpupumiglas.

Para namang may sumuntok sa dibdib ko dahil sa sinabi nya. Muntik ko na palang makalimutan na ito ang lalaking unang minahal ni Amira. Kumuyom ang kamao ko.

"Aba't talagang matigas kang bata ka! Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan. Pero hindi na babalik sa'yo ang anak ko dahil hindi ka nya mahal at may asawa na sya. Kaya utang na loob lumayas ka dito sa hacienda! Doon ka sa lungga nyo kung saan ka nababagay!" Balik tungayaw ni itay Carlitos.

Nang makabitaw ang lalaki sa hawak ng mga tauhan ko ay lumuhod ito sa paanan ni  itay Carlitos at kumapit sa binti.

"Parang awa nyo na Mang Carlitos. Ibalik nyo na sa akin si Amira. H-Hindi ko kayang mabuhay ng wala sya. Mahal na mahal ko ho ang anak nyo. P-Parang awa nyo na.." Pagmamakaawa nyang muli at halos umiyak na.

Amira Where stories live. Discover now