chapter 5

33.9K 801 46
                                    

Amira

Napasilip ako sa kwarto nila itay at inay ng maulinigan kong parang nagtatalo sila.

"Hindi, kaya ko pa sinat lang naman ito." Sabi ni inay habang umuubo ubo pa.

"Wag ka nang mapilit Esme, dumito ka na lang muna sa bahay at magpahinga. Sasabihan ko na lang si señorito na hindi ka makakapasok." Ani itay at pilit hinihiga si inay sa papag na may kutson.

"Ikaw ang wag ng mapilit Carlitos. Malakas pa ako at simpleng sinat lang ito." Ayaw paawat ni inay at akmang tatayo na.

Pumasok na ako sa loob at umupo sa papag sa tabi nya. Tumingin naman silang parehas sa akin. Idinikit ko ang likod ng palad sa noo pati na rin sa leeg ni inay. Medyo mainit nga ito. Kinuha ko ang thermometer sa ibabaw ng nightstand at nilagay sa kilikili ni inay at hinintay tumunog. 38.6 ang nakalagay, may lagnat na ito.

"Nay, uminom na ba kayo ng gamot?" Tanong ko.

"Hindi pa anak, ayos naman ang pakiramdam ko."

Sabay naman kaming napabuntong hininga ni itay.

"Nay, may lagnat ho kayo kaya kailangan nyong uminom ng gamot. Wag na rin ho muna kayong pumunta ng mansion at magpahinga muna." Sabi ko.

"Pero anak -- "

"Nay."

"Makinig ka na lang sa anak natin Esme, nurse yan kaya alam nya ang makabubuti sa'yo." Sabat naman ni itay.

Napangiti naman ako. Kaya gusto ko talagang maging nurse dahil sa kanilang dalawa. Gusto ko silang alagaan kapag may sakit sila kagaya ngayon.

"Oo sige na." Pag suko na lang ni inay at bumalik muli sa pagkakahiga.

Lumabas naman kami ni itay sa kwarto. Sya ay para maghanda na para pumunta ng bukid, ako naman ay kumuha ng paracetamol at tubig para kay inay. Bumalik akong muli sa kwarto nila at pinainom ito kay inay.

"Alis na ko, Esme magpahinga ka na lang. Sasabihan ko na lang si señorito. Amira ikaw na ang bahala sa inay mo." Bilin ni itay ng sumilip sa pinto.

"Oho tay, mag ingat rin ho kayo."

Tumango tango naman sya at tumalikod na.

Sabado ngayon at saktong wala rin akong pasok kaya mababantayan ko si inay..

"Amira anak."

Dinig kong tawag ni inay. Tinabi ko ang hawak kong tambo at pumasok sa kwarto nila. Nakaupo sya sa papag at may tinutuping mga mantel at nilalagay sa plastic bag na malaki.

"Ano po yun nay?"

"May ginagawa ka pa ba?" Tanong nya.

"Wala na po, tinatapos ko na lang yung walisin. May ipag uutos po ba kayo?" Magalang kong tanong.

"Ipapadala ko sana sayo to sa mansion. Nakilimutan ko kasing ipadala kanina sa itay mo. Mga mantel kasi ito na pinatahi kahapon. Gagamitin ito sa nalalapit na kaarawan ni señorito at kailangan nang labhan. Pwede bang pakidala anak?"

Ngumiti naman ako. "Oho nay, yun lang ba?"

"Oo anak, mag traysikel ka na lang para hindi ka mainitan."  

"Sige ho." Kinuha ko ang malaking plastic bag na hindi naman kabigatan.

Tinapos ko muna ang pagwa walis bago umalis..

"Manong bayad ko ho." Inabot ko ang bayad sa pamasahe kay manong driver ng traysikel bago bumaba bitbit ang plastic bag.

Sa likurang bahagi ng mansion ako tumungo kung nasaan ang kusina at nandoon din ang mga kasambahay.

Amira Where stories live. Discover now