chapter 27

33.9K 675 24
                                    

Hacienda Nobrales

Melissa

"Nakahanda na ba ang lahat?" Tanong ni Abel sa mga tauhan nyang nagtipon tipon sa malawak na front porch ng mansion. Sinukbit nya ang baril sa tagiliran ng jacket. May sa sampung tao na armado ang susugod sa kabilang hacienda partikular sa bahay ng mga Capalad.

"Yes boss!" Halos sabay sabay na sabi ng mga tauhan.

"Magaling! Siguraduhin nyo lang mapupuruhan nyo lalo na yang apo ni Arsenio. Masyadong pabida. Tingnan lang natin ang tapang nya kapag pinaulanan sya ng bala." Nakapamewang na asik ni Abel.

"Siguraduhin nyo rin na mapapatay nyo ang pamilyang yun lalo na yung mag ama." Segunda ko at humithit ng sigarilyo habang nakahalukipkip. Ngayon pa lang nalalasahan ko na ang tamis ng tagumpay sa plano namin. At bukas na bukas ay may puputok na magandang balita sa buong lalawigan. Napangisi ako.

Kung nanahimik ka lang sana Carlitos at hindi mo sinaktan ang anak ko ay hindi mo dadanasin ang dinanas ng mga magulang mo. Masyado kang nagmamatapang! Kung bakit kasi hindi ka pa natuluyan!

Nagsipasukan na sa dalawang van ang mga tauhan at handa ng umalis. Gayundin si Abel na sumakay sa kanyang mamahaling sasakyan. Hinagis ko ang upos ng sigarilyo at tinapakan ito. Binuksan ko ang pinto ng likuran ng hummer na lulan ni Abel at sumampa.

"Honey wag ka nang sumama baka mapahamak ka pa." Aniya ng lingunin ako.

"Gusto kong makita at marinig ang mga panaghoy ng pamilya ni Carlitos habang nag aagaw buhay." Nakangising sabi ko.

Humalakhak naman sya at mariin akong hinalikan sa pisngi. "Kaya mahal na mahal kita eh."

Nakihalakhak na rin ako sa kanya at inabot ang labi nya para halikan. Wala kaming pakialam na naghalikan kahit kasama namin ang dalawa nyang tauhan sa harap ng sasakyan.

Sa tahimik at kalaliman ng gabi ay binabagtas ng sasakyan namin ang daan patungo sa kabilang hacienda. Nauna na ang dalawang van at sa hulihan naman ang aming sasakyan para magmasid at manood..

Yñigo

Naalimpungatan ako sa tilaok ng mga manok. Tanging liwanag lang ng buwan na tumatagos sa bintana ang tumatanglaw sa silid. Inabot ko ang cellphone para tingnan ang oras. Pasado ala una na ng madaling araw. Pero masyadong maaga pa yata para tumilaok ang mga manok.

Nilingon ko ang asawa kong mahimbing na natutulog at nakaunan sa dibdib ko. Bahagya pang nakaawang ang kanyang bibig. Napangiti ako at hinaplos ang malambot at mamula mula nyang pisngi. Hinalikan ko ang noo at ilong nya. Nang matapos ko syang angkinin sa pangalawang beses ay agad din syang nakatulog sa pagod kaya binihisan ko na lang sya ng t-shirt ko para hindi lamigin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na may katugon din ang nararamdaman ko sa kanya. Lubos ang sayang naramdaman ko kanina habang paulit ulit nya iyon binibigkas. At magpasa hanggang ngayon ay walang pagsidlan ang saya ko. Muli kong diniin ang labi ko sa noo nya. 

Napapitlag ako ng may ingay na nanggaling sa labas at lalo pang lumakas ang mga tilaok ng manok na sinabayan pa ng kahulan ng mga aso ng kapitbahay. Gumalaw naman si Amira at bahagyang naalimpungatan dahil sa ingay. Naririnig ko na rin ang paguusap nila itay at inay sa katabing kwarto. Nagising siguro sa ingay sa labas.

Dahan dahan kong inalis ang braso ni Amira para hindi sya magising. Bumangon ako at sinuot ang pantalon na hinubad ko kanina. Binuksan ko ang cabinet at kumuha ng isang t-shirt.

"Holy shit!"

Napayuko ako ng mabasag ang salaming bintana kasunod ng pagulan ng sunod sunod na bala. Nakita ko si Amira na gising na at nakabaluktot habang nakasiksik sa gilid ng silid. Agad ko syang dinapaan para hindi mahagip ng bala. Nakakabingi ang mga putok ng baril. Narinig ko pa ang pagsigaw ni inay sa kabilang kwarto.

Amira Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon