chapter 32

33.4K 694 62
                                    

Amira

Nakatangang pinagmamasdan ko lang si Yñigo na galit na galit na mariing hawak sa braso at halos kaladkarin ang babae palabas ng mansion.

"Aray babe, n-nasasaktan ako!" Nakangiwi at mangiyak ngiyak nang sabi ng babae.

"Shut up! Matagal na akong nagtitimpi sayo. Hinding hindi ko na mapapalampas ang pananakit mo sa asawa ko!" Bulyaw nya sa babae.

Namutla naman ang babae.

"Y-Yñigo." Tawag ko sa kanya. Nagalala ako baka kung ano ang gawin nya sa babae. Nakakatakot kasi ang galit na nakikita ko sa mukha nya.

"Stay there baby." Aniya nang sinulyapan ako.

"Pero -- "

"Hayaan mo sya iha, alam ni Yñigo ang ginagawa nya." Anang lolo Arsenio.

Napakagat labi na lang ako. Lumapit naman sa akin si inay at inabutan ako ng isang basong tubig. Agad ko naman iyon ininom para mabawasan ang kaba sa dibdib ko.

"Mabuti na lang at wala ang itay mo." Ani inay.

Mabuti na nga lang talaga. Kung hindi baka mas lalo pang lumaki ang gulo.

"Hay naku! Dapat nga nandito si Mang Carlitos para nahati sa dalawa ang imapaktitang babaeng yun." Segunda ni ate Mona habang inaayos ang nagulong buhok.

"Magtigil ka nga! Imbis na umawat ka kanina nambuyo at nakisali ka pa." Sita sa kanya ni manang Flor. Ngumuso na lang sya.

Napabuntong hininga na lang si lolo Arsenio.

"Yñigo wag mong gawin sakin to please!" Dinig kong sigaw ng babae. Akmang maglalakad ako para lumabas ng pigilan ako ni inay sa braso.

"Dito ka na lang. Hayaan mo na sila labas." Wika ni inay.

Maya maya ay pumasok na si Yñigo na madilim pa rin ang mukha. Kasunod nya ang dalawang tauhan.

"Ayoko nang maulit to sa susunod nagkakaintindihan ba tayo? Kapag naulit pa ito ibabalik ko na kayo sa agency nyo." Maawtoridad na sabi nya sa mga tauhan.

"Yes sir, pasensya na po ulit." Hinging paumanhin naman ng dalawang tauhan at lumabas na.

Lumapit naman sya sa akin at hinapit ako sa bewang sabay halik sa noo ko.

"Sana naman ay hindi na bumalik ang babaeng yun dito. Stress lang ang hatid nya sa mga tao dito." Wika ni lolo Arsenio.

"Wag kayong mag alala lo hindi na yun babalik dito. Pinahatid ko na sya sa mga tauhan sa airport at pinasiguro kong makakasakay sya ng eroplano pabalik ng Maynila." Mariing sabi nya.

"Mabuti naman kung ganon."

Seryoso ang mukhang binalingan nya naman ako. "Dadalhin kita sa hospital baka bumuka yang sugat mo kaya nagdugo."

Magpoprotesta na sana ako pero mahigpit na nyang hawak ang kamay ko at inakay na ako palabas ng mansion..

***

Pabalik  na kami ng mansion galing hospital. Seryoso pa rin ang mukha nya at walang kakibo kibo. Nagsusungit nga sya kanina sa mga nurse habang inaasikaso ako. Ako na lang tuloy ang nahihiya at humingi ng paumanhin.

Hinawakan ko ang kamay nyang  nakapatong sa kaliwang kamay ko at pinaglaruan ang mga mahahaba at malalaki nyang daliri. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga nya kaya nag angat ako ng tingin. Lumingon naman sya at tipid akong nginitian. Ngumuso ako. Tumaas naman ang gilid ng labi nya.

"Problem?" Tipid na tanong nya.

Tumango ako.

Kumunot naman ang noo nya. "What?"

Amira Where stories live. Discover now