chapter 2

41K 872 33
                                    

Amira

"Acla wait naman!"

"Bilisan mo kase! Kalalaki mong tao ang bagal bagal mo." Naiinis sa sabi ko sa binabae kong kaibigan at mas binilisan pa ang lakad. Ang tagal naman kasi nitong mag retouch dinaig pa ang babae. Mamaya wala na kaming maupuan. Siguradong kanina pa ako hinahanap ni Alvin sa bleacher.

"Kung makalalaki ka naman! Hoy babae ako no! Sabunutan kita dyan eh. Ang pasmado ng bibig neto." Sabay irap nya ng makasabay na sa paglalakad ko.

Tinawanan ko lang sya. "Ang bagal bagal mo kasi eh."

"Huuu, excited ka lang makita ang jowa mo. Malamang nag e-enjoy yun sa hiyawan ng mga babae."

"Tumigil ka nga!" Asik ko sa kanya. Alam nya talaga kung paano ako asarin.

"Eh totoo naman!" Nag make face pa sya. Talagang inaasar ako ng baklitang to eh.

"Hindi ka titigil? Kukurutin ko yang bayag mo?" Pinandilatan ko sya ng mata.

Awtomatikong pinagdikit naman nya ang mga hita at tinakpan ng kamay ang gitna. "Tigil tigilan mo eggballs ko ha! Yung eggballs na lang ni Alvin ang panggigilan mo."

"Gaga!"

"Uy! Namula sya. Nahawakan mo na eggballs nya no?"

"Hindi no!"

"Weh di nga?"

"Di wag kang maniwala." Inirapan ko sya at nagpatiuna na sa gymnasium.

Sa loob na limang buwan na relasyon namin ni Alvin ay hindi pa kami lumalampas sa simpleng halik at yakap. Hindi naman sya humihingi ng higit pa doon. Sobrang gentleman nya at nirerespeto ako.

Parehas kaming nag aaral sa isang unibersidad ng lalawigan. Mas ahead lang sya sa akin ng isang taon. Nasa ikatlong taon na sya ng kursong civil engineering at ako naman ay nasa ikalawang taon ng nursing. Ang alam ng lahat ay manliligaw ko pa lang sya, tanging itong si Tonio lang ang nakakaalam ng relasyon namin. Ayaw kasi ng mga mgulang ko lalo na si itay kay Alvin dahil sa mga magulang nito. Isang vice mayor kasi sa kabilang bayan ang ama ni Alvin at nasasangkot sa kabi kabilaang issue.

Hindi na magkamayaw sa paghiyaw ang mga estudyante sa loob ng gymnasium lalo na ang mga kababaihan. Puno puno ng tao ang loob at kailangan mo pang makipag siksikan para makapasok.

"Excuse me! Excuse me lang!" Sabi ni Tonio habang nakikipag siksikan sa unahan. Nakasunod lang ako sa kanyang likuran.

"Bilis acla! Dito tayo!" Hinila nya ang kamay ko sa may unahan ng bleacher.

"Teka lang naman!" Nagigitgit at nasisiko na kasi ako ng ilang estudyanteng nanonood din. 

"Go Alvin! Woooo!" Sigaw ni Tonio ng hawak na ni Alvin ang bola at tumakbo na papunta sa kabilang ring.

Nang makapwesto na ako ng maayos ay nakisigaw na rin ako. Mukhang narinig naman nya ang sigaw ko at hinanap ako ng tingin. Nagsigawan naman ang mga kakampi nya dahil dalawa na ang bantay nya. Ngunit binalewala lang nya ang mga ito at smooth na shinoot ang bola. Naghiwayan na naman ang mga estudyante nanood ganun na rin kami ni Tonio. Nang makita na ako ng kanyang mga mata ay tinuro pa nya ako sabay flying kiss. Nag init ang pisngi ko sa kanyang ginawa. Si Tonio naman ay parang mas kilig na kilig pa kesa akin sa katitili at sinamahan pa ng pagyugyog sa balikat ko. Kung ang halos lahat ay kinikilig meron din namang iba na halos mawala na ang mata sa kaiirap lalo ang isang grupo ng mga babae na masama na ang tingin sa akin.

"Wag mo na silang pansinin, inggit lang ang mga yan. Palibhasa mga patay na patay sa jowa mo lalo na yang si Suzette." Sabi ni Tonio sabay irap pa sa grupo ng mga babae.

Amira Where stories live. Discover now