chapter 14

31.4K 684 84
                                    

Amira

Tatlong araw akong hindi nakapasok sa school dahil ayaw akong papasukin ni itay, baka daw magkita at mag usap kami ni Alvin. Sa ikaapat na araw ay pinilit ko na syang papasukin ako dahil sayang naman ang araw na absent ko. Sa pakiusap na rin ni inay ay pumayag sya, ang kondisyon ay hatid at sundo nya ako. Buo na rin ang desisyon nyang sa Maynila ako pag aaralin. Nakausap ko na rin si tiya Rodora. Ang usapan ay tatapusin ko lang ang school year at sa Maynila na ako mag ti-third year. Dalawang buwan na lang naman ay bakasyon na.

At habang papalapit ang araw na yon ay para akong bibitayin. Hindi ko maiwasan maiyak tuwing gabi. Si Alvin naman ay hindi ko pa rin makontak simula ng mangyari ang insidente na yun. Hindi rin naman sya nag o-online. Kaya labis labis tuloy ang pag alala ko. Baka mamaya galit sya sa akin dahil sa ginawa ni itay. Ang sabi naman ni Tonio ay hindi rin ito pumapasok sa school.

Sa buong araw ay matamlay ako. Pinipilit kong ituon ang isip sa nagsasalitang professor sa harap habang dinudutdot ang ballpen sa notes..

Napahinto ako sa paglalakad habang sumisipsip sa straw ng chocolate drink. Hinugot ko sa bulsa ang cellphone kong tumunog. May nagtext. Binuksan ko ang message box. Kumalabog ang dibdib ko at napangiti ako ng mabasa ang text ni Alvin.

Alvin: Babe punta ka sa bahay please. Usap tayo.

Napakagat labi ako sa tinext nya. Syempre gusto kong pumunta. Miss na miss ko na sya. Bumuntong hininga ako at nag reply.

Ako: Sige pupunta ako. Miss na kita :(

Pagka send ko ay muli kong sinuksok ang cellphone sa bulsa at dali daling lumabas. Hindi ko na papasukan ang huling klase at iti-text ko na lang si Tonio. Alam kong magagalit si itay dahil sumuway na naman ako. Ihahanda ko na lang ang sarili ko sa galit nya pag uwi. Gusto ko lang pagbigyan ang sarili kong makasama ang lalaking mahal ko habang nandito pa ako. Dahil sa susunod na pasukan ay hindi ko na sya madalas makikita.

Napakagat labi ako at huminga ng malalim. Parang may nakabara sa lalamunan ko at nahihirapan akong lumunok. Hindi ko alam kung ano na ang mangyayari sa aming dalawa. Kaya mabuti sigurong mag usap kami.

Halos dalawampung minuto ang byahe papunta sa kanila. Habang nasa kalagitnaan ng byahe ay tinext ko na si Tonio. At gaya ng inaasahan ko ay puro sermon ang ni-reply nya. Bumuntong hininga ako.

Ilang sandali pa ay nasa harap na ako ng gate ng bahay nila Alvin. Medyo madilim ang kalangitan at parang nagbabadya ang malakas na ulan. Pinindot ko ang doorbell pero walang lumalabas na tao. Nakailang pindot pa ko nang mapansin na nakaawang ang maliit na gate. Tinulak ko ito at pumasok. Mukhang walang tao. Nasaan kaya si Alvin? Bukas ang front door kaya pumasok na ako. Wala rin akong taong nakita.

"Alvin." Tawag ko sa kanya at luminga linga.

"Ikaw pala Amira."

Nilingon ko ang nagsalita. Ang isa sa kasambahay nila. Nginitian ko sya.

"Pasensya na ho manang, pumasok na ako. Kanina pa ho ako nag do-doorbell walang lumalabas." Hinging paumanhin ko.

"Ay pasensya ka na, nasa likod bahay kasi ako eh. Ah, gusto mo ba ng maiinom? " Aniya at tila naging mailap ang mga mata.

"Hindi na ho, kakameryenda ko lang ho kanina. Ah, nasaan ho pala si Alvin. Pinapunta nya ho ako dito."

"Ah eh, baka nasa itaas sa kwarto nya. P-Puntahan mo na lang. May gagawin pa kasi ako sa likod. Sige maiwan na kita Amira." Aniya at nagmamadaling umalis.

Napabuntong hininga na lang ako at tiningala ang second floor. Ilang beses na rin ako nakapasok sa kwarto nya. Wala naman sigurong masama kung aakyat ako. Mukhang mga kasambahay lang ang narito at wala pa sila ma'am Melissa at Tito Henry pati si Aileen.

Amira Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt