chapter 8

31K 632 14
                                    

Yñigo

"Yes Edward, ikaw na ang bahala dyan. I'll call you later when I get home." Ani ko at tinapos na ang tawag ko. Nilagay ko ang cellphone sa ibabaw ng dashboard.

Natatanaw ko sa harapan ng aking sasakyan ang dalawang taong pamilyar sa akin sa gilid ng kalsada. Para silang nag uusap ng seryoso. Nang makalapit pa ng husto ay nakilala ko sila. Si Mang Carlitos at Amira. Napangiti ako at inihinto ang sasakyan sa tapat nila. Agad naman akong napansin ni Mang Carlitos dahil ngumiti ito.

"Mang Carlitos, Amira. Pauwi na kayo? Sumabay na kayo sa akin." Paanyaya ko sa kanila.

Matipid naman na ngumiti si Mang Carlitos habang si Amira ay tumalikod at nag pupunas ng mukha. Umiiyak ba sya? Anong nangyari? Nag away ba silang mag ama? Bigla akong nakaramdam ng pag alala kay Amira.

"Hindi na señorito, nakakahiya naman. Sasakay naman kami ni Amira. Nag aabang lang kami ng masasakyan." Tanggi ni Mang Carlitos na bakas sa mukha ang pagkahapo. Mukhang nagtalo silang mag ama. Si Amira ay nanatili pa ring nakatalikod. Parang may nag uudyok sa akin na hilahin sya at yakapin.

"Sige na ho Mang Carlitos, sumakay na kayo. Medyo pagabi na rin baka matagalan pa kayo sa paghihintay ng masasakyan."

Bumuntong hininga naman sya at muling ngumiti saka tumango. In- unlock ko naman ang pinto sa likurang sasakyan at binuksan na rin ang passenger seat. Akmang bababa ako para buksan ang likurang pinto ay inunahan na ako ni Mang Carlitos na buksan ito para kay Amira.

"Sumakay ka na Amira." Ani Mang Carlitos sa istriktong boses.

Agad namang tumalima si Amira at sumampa na likuran ng sasakyan. Pagakasarado ng pinto ay sumampa na rin sa passenger seat si Mang Carlitos.

"Salamat señorito."

Tumango lang ako at ngumiti. Sinilip ko naman sa rear view mirror si Amira. Namumula ang mga mata nya at ilong na galing sa iyak. Parang gusto ko syang hilahin at isandig sa dibdib ko.

Saglit na nagtama ang aming paningin at agad din syang umiwas at sa labas tumingin. Bumuntong hininga na lang ako.

"Maraming salamat ulit señorito. Amira, magpasalamat ka kay señorito." Ani Mang Carlitos kay Amira ng makababa na.

"S-Salamat ho señorito Yñigo." Sabi nya na saglit akong sinulyapan at muling nagbaba ng tingin.

"Walang anuman ho. Kita na lang tayo sa taniman bukas Mang Carlitos." Sabi ko at binigyan ng huling sulyap si Amira at tumango kay Mang Carlitos bago nilisan ang lugar. Tinitingnan ko pa sa side view mirror ang mag ama hanggang sa pumasok na sila loob ng kanilang bahay..

Alejos Mansion...

"Ninong Rodolfo, kanina pa kayo?" Tanong ko ng mabungaran ko sya sa sala na nakaupo. May kasama syang limang lalaki na halatang mga armado.

"Hindi naman hijo, kararating lang din namin." Tumayo ang ninong ko na syang mayor sa bayan na ito, tumayo rin ang limang lalaki at nakipag kamay sa akin.
Mga pulis pala ang mga ito.

"Sila nga pala ang mga pulis na itatalaga dito sa hacienda para imbestigahan ang nangyaring ingkwentro kahapon at maging bantay nyo na rin dito. May ilang pulis pa na darating at kasama din sa pagbantay."

Tumango tango naman ako. May ingkwentro kasing nangyari kahapon sa katimugan ng hacienda. May ilang armadong lalaki na sakay ng van ang bigla na lang namaril sa tubuhan. Mabuti na lang at walang tinamaan. Pero hindi ito pwedeng ikabahala dahil buhay at kabuhayan ng mga magsasaka ng hacienda ang nakataya. Kaya humingi na ako ng tulong at ekstrang proteksyon sa ninong ko. Ang misyon nila ngayon ay tukuyin ang nasa likod ng kaguluhang ito.

Amira Where stories live. Discover now