chapter 29

32.2K 643 50
                                    

Yñigo

Nagdidilim ang paningin na parang torong sinugod ko sya at inundayan ng malakas na suntok. Pumalakda sya sa sahig. Hindi pa sya nakakabangon ng hablutin ko sya sa kanyang kwelyo at hinila patayo sabay suntok sa kanyang sikmura. Napaubo naman sya sabay sapo sa kanyang sikmura.  Nanlilisik ang mata at nagtatagis ang bagang na kinuwelyuhan ko sya at halos ibalibag sa pader. Napaigik sya ng tumama ang kanyang likod sa pader. Duguan na rin ang kanyang bibig pero ni katiting na awa ay wala akong naramdaman sa kanya.

"Ang kapal ng apog mong magpakita pa dito pagkatapos ng ginawa ng hayop mong ina." Nanggagalaiting sabi ko.

"G-Gusto ko lang makita si Amira." Inuubo ubo pang sabi nya.

"Si Amira. Ang asawa ko. Hayun, muntik nang mag agaw buhay dahil sa kriminal mong ina!" Gigil na asik ko sa kanya at mas idiniin pa sya sa pader. Halos umangat na sya dahil sa higpit ng pagkakahawak ko sa kayang kwelyo.

"Pakiusap.. gusto kong makita si Amira.."

"Wala kang karapatan makiusap at mas lalong wala kang karapatan na makita ang asawa ko!" Pasigaw na sabi ko sabay unday ng suntok sa kanyang mukha. Sumadlak sya sa isang sasakyan at tumunog ito. Dumating naman ang mga security guard ng hospital at nilapitan kami.

Pero bago pa sila tuluyang makalapit ay tinadyakan ko muna sya ng dalawang beses. Nakaharang na ang mga braso nya sa katawan at namimilipit na. Akmang tatadyakan ko sya ulit ng may mga brasong pumigil sa akin.

"Yñigo maghunusdili ka!" Pumigil din sa braso ko si ninong na kadarating lang. "Baka mapatay mo yan."

"Talagang mapapatay ko yan, kabayaran ng  ginawa ng ina nya kay Amira!" Galit na sikmat ko habang mabibigat ang hiningang pinapakawalan sa galit.

"Hindi nya kasalanan ang ginawa ng ina nya, kaya pabayaan mo na sya." Ani ninong at sinenyasan ang isang tauhan na tulungan tumayo ang dating kasintahan ng asawa ko. Parang gusto kong magmura.

Pumiksi naman ako sa pumipigil sa braso ko at salubong ang kilay na nilingon ito. Ito pala ang nagmaneho ng sasakyan ni ninong  nung gabing sinugod namin sa hospital si Amira at si inay. Tinanguan lang nya ako at tahimik na namulsa. Tinanguan ko rin sya.

"P-Parang awa nyo na, gusto kong makita si Amira uhuk.." Iniihit pa ng ubo na sabi nya. Sapo sapo pa rin ang nasaktan na sikmura.

Nagpanting naman ang tenga ko sa sinabi niya. Akmang susugurin ko syang muli nang harangan ako ni ninong at binigyan ng nagbabalang tingin.

"Ang mabuti pa umuwi ka na iho." Sambit ni ninong sa kanya.

"Pero -- "

"Sige na, wag ka nang magpumilit." Pinal na sabi ni ninong sa kanya.

May dumating naman na pulis at pina-aasisst sya ni ninong dito. Dineretso muna sya sa emergency room para malapatan ng lunas.

Bumuntong hininga naman na bumaling sa akin si ninong. Ilang sandali syang hindi nagsalita at nakatingin lang sa akin.

"Kamusta na ang asawa mo?"

Humugot ako ng malalim na hininga. "Nagising na ho sya kanina."

"Mabuti naman kung ganon."

"Wala pa ho bang balita kay Don Abel?" Tanong ko.

"Nakaalis na sya ng lalawigan. Pero nakipag ugnayan na kami sa mga katabing lalawigan at nagbaba na ng kautusan ang korte para dakpin sya. Kaya kahit saan sya magpunta ay aarestuhin sya. Wag kang mag alala iho mahuhuli din sya."

Napatiim bagang ako. Hangga't hindi sya nahuhuli ay hindi ako makakampante. Humugot ako ng malalim na hininga para pakalmahin ang bumabangon na namang galit sa dibdib ko.

Amira Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum