chapter 12

32.1K 655 45
                                    

Amira

"O Amira anak, bakit ganyan na ang itsura mo?" Bungad ni itay ng mapansing iba na ng suot kong damit pagbukas nya ng pinto. Mukhang tulog na si inay dahil hindi ko makita.

Akmang magsasalita si Tonio ng hawakan ko sya sa braso.

"Ah, natapunan po kasi ako ng ulam itay. Namantsahan po yung damit ko kaya pinahiram na lang ako nila manang Flor ng damit." Sabi ko.

"Ganun ba. Eh bakit kasi hindi ka nag iingat anak. Nasaktan ka ba?" Nagaalalang tanong nya.

Umiling naman ako at ngumiti. "Hindi po tay. Heto nga po pala pinauwian kayo ni señorito Yñigo ng pagkain." Sabay abot ko ng eco bag.

Dahil natapon ang unang pinauwi nila manang Flor ay pinalitan naman nila ng bago.

"Kuh, si señorito talaga kahit kailan hindi nakakalimot sa amin ni inay mo." Nakangiting kinuha ni itay ang eco bag sa akin at sinilip ang laman. "Aba, mukhang marami rami to ah. O pumasok na muna kayo sa loob."

"Hindi na ho Mang Carlitos, uuwi na rin ako. May pasok pa bukas." Paalam ni Tonio.

"O sige, pakisabi sa tatay mo salamat."

"Oho."

"Salamat Tonio. Kita na lang tayo bukas." Nakangiting sabi ko sa kanya.

Tumango naman sya at hinawakan ako sa braso. "O sige na, pasok ka na rin sa loob." Aniya bago tumalikod.

Hinintay ko muna syang makasakay sa traysikel at kinawayan ko sila ni ninong Dado bago pumasok sa loob.

"Si inay tay, tulog na ho?" Tanong ko ng maabutan ko sya sa kusina na nilalagay sa ref ang mga disposable tupperware. Iniwan lang nya ang tinadtad na lechon para kainin.

"Oo anak, nakatulog na rin pagkatapos uminom ng gamot. Dapat siguro ipa-check up na natin sya."

Bumuntong hininga ako. Yun din naman ang balak ko at sasamahan ko sya.

"Sige po tay, bukas na bukas din pa check up na natin sya."

"Ako na lang ang sasama sa inay mo. May pasok ka pa bukas."

"Mag ha-half day na lang po ako. Gusto ko rin malaman ang sasabihin ng doctor."

Tumango naman sya. "O sige, ikaw ang bahala anak." Aniya bago sumubo ng lechon.

"Tay, hinay hinay lang ho sa lechon ha. Baka atakihin na naman kayo ng altapresyon. Gabi pa naman." Paalala ko.

Sumimangot naman sya. "Nakakaisang subo pa lang ako anak."

Ngumisi naman ako. "Pero mamaya sunod sunod na."

Umisang subo muna sya bago sinarado ang tupperware. "Ito na nga, ibabalik ko na sa ref. Bukas ko na lang babanatan yan."

Tatawa tawa na lang uminom ako ng tubig. Minsan talaga may pagka makulit din si itay..

***

Mag iisang linggo na rin ang lumipas mula ng mangyari ang kahihiyan na yun sa mansion. Naging laman din ako ng usap usapan sa buong baranggay namin. Maging sa school ay naging katatawan pa ako at ang pasimuno ay walang iba kundi si Suzette na kinuhanan pala nya ng video ang nangyaring pamamahiya sa akin nung babae sa party ni señorito Yñigo. Nabalitaan ko kanila inay na pinaalis na pala ng mansion ni señorito ang babae kinaumagahan din. Medyo nakahinga ako ng maluwang. Parang magkaka trauma ako sa babaeng yun. At hindi rin maalis sa isip ko kung paano ako tratuhin ni señorito Yñigo ng gabing yun. Parang kalabisan naman yata ang pag aasikaso nya sa akin para sa isang anak ng magsasaka ng hacienda nila. Pero lihim din akong natutuwa. Bumabalik ang masasayang  alaala ko kung paano rin nya ako tratuhin nung maliit pa ako.

Amira Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon