chapter 3

35.2K 812 65
                                    

Yñigo

Para akong namatanda at hindi maalis ang paningin sa babaeng may hawak na basket at balanggot. Namumukod tangi sya sa mga naroon. Napakaamo ng maganda nyang mukha na binagayan pa ng mahaba at itim na itim na buhok at maputing kutis. Para syang isang diwata na napadpad sa gitna ng bukirin. 

"Ayos lang kayo señorito?"

Napakurap kurap ako ng mata at bumaling kay Mang Carlitos na naka kunot ang noo.
Napahimas naman ako ng batok at binigyan pa ng isang sulyap ang babae na busy na ngayon sa paglalagay ng mga pinagkainan sa basket.

Tumikhim ako bago nagsalita. "Ah oho Mang Carlitos, napadaan pala ako dito dahil magpapasama ako sa inyo sa bayan."

"Ganun ba. Walang problema señorito. Amira!" May tinawag itong babae. Lumapit naman ang babaeng nakapukaw ng aking atensyon. Napalunok ako ng mapagmasdan ko ito ng malapitan. Nakakabato balani ang ganda nito.

"Señorito, si Amira ang nag iisa kong anak kung natatandaan nyo pa. Amira bumati ka kay señorito."

"Magandang hapon ho señorito at maligayang pagbabalik sa hacienda." Malamyos na boses na bati nya at may kiming ngiti sa labi. Napaawang naman ang labi ko. Ito na si Amira? Ang batang laging nakabuntot kay Manang Esme noon sa mansion?

12 years ago...

"Iih nay.. gusto ko po ng chocolate."

Dinig kong ungot ng isang maliit na boses ng batang babae galing sa kusina.

"Nak, hindi sa atin yun. Papabili na lang tayo kay tatay mamaya sa bayan ha." Malumanay naman na sabi ni Manang Esme.

"Iih.. gusto ko po yung nasa ref, mas masarap po yun eh." Pangungulit pa ng batang babae.

"Anak, hindi nga sa atin yun."

"Eh di hihingi po ako kay señor Arsenio, bibigyan po ako nun."

"Amira anak, wag ng makulit. Papagalitan ka ni tatay kapag nalamang nagkulit ka." Medyo matigas na ang boses ni Manang Esme. 

"Ihh nay.."

"Amira." May pagbabanta na sa boses ni Manang Esme.

Pumasok na ako sa komedor para silipin sila. Sinuklay suklay ko pa ng daliri ang magulong buhok dahil kagigising ko lang.

"Morning Manang Esme." Bati ko.

"Ay, magandang umaga señorito. Gising na pala kayo. Gusto nyo na bang kumain? Ipaghahain ko kayo."

"Mamaya na ho. Kape na lang ho muna ako." Nakangiting sabi ko.

Nakita ko naman ang batang babae na nakakapit sa palda ni Manang Esme at inosenteng nakatingin sa akin ang bilugan nyang mga mata habang kagat kagat ang hintuturo. Ang cute nito sa suot na bulaklaking pink na bestida at nakalugay ang itim na itim nitong buhok na hanggang balikat. 

"Ay señorito, si Amira nga pala ang nag iisa naming anak ni Carlitos." Nakangiting pagpapakilala ni Manang Esme sa batang babae. Ngumiti ako at umuklo sa harap nya.

"Hi! Ilang taon ka na little girl?" Nakangiting tanong ko sa kanya.

Tila nahihiya pa syang magsalita at nagtago sa palda ng ina.

"Amira anak, tinatanong ka ni señorito."

Tumingala muna sya sa ina  bago tumingin sa akin. "Seven po."Sagot nya.

Ang cute! Pati boses cute. Inabot ko ang kanyang ulo at ginulo ang buhok. Natawa naman ako ng inayos nya ito habang nakanguso ang maliit na bibig.

"Gusto mo ba ng chocolate?"

Amira Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon