chapter 16

34.6K 706 54
                                    

Amira

Hindi ko magawang maialis ang mata sa lalaking matayog na nakaupo sa matikas na kabayo. Para syang modelo sa isang sikat na magazine. Ang matipuno nyang hubad na katawan na namumutok sa muscles ay nangingislap sa sinag ng papalubog na araw. Sinasayaw pa ng hangin ang kanyang buhok.

"Shet! Nakakagigil naman si señorito Yñigo. Ang sarap nya acla! Kabayuhin mo ko señorito." Paanas na tili ni Tonio sa aking tabi.

Binalingan ko sya at bahagyang kinurot sa kanyang tagilirin. Impit naman syang napatili at pinalis ang aking kamay.

"Ang landi mo!" Paanas na sikmat ko sa kanya.

Inirapan nya lang ako at hinawi ang kunwari ay mahaba nyang buhok.

"Amira." Tawag sa akin ni itay.

Binalingan ko sya. Parehas silang nakatingin sa akin ni señorito. Hayun na naman ang kilabot na hatid sa akin ng mga titig nya. Parang binabasa ang laman ng isip ko.

"Ho Tay?"

Bumuntong hininga si itay. Mukhang may pinag uusapan sila ni señorito.

"Tinatanong ni señorito kung pwede ka daw bang maging pansamantalang titingin kay señor Arsenio ngayong bakasyon habang wala ang personal nurse nya." Sabi ni itay.

"Pero hindi pa ho ako tapos ng nursing." Sabi ko. Pero gusto ko ang inaalok nila. Syempre experience na rin at mabait pa ang aalagaan ko.

"Walang kaso yun Amira. Magbakasyon kasi ang personal nurse ni lolo kaya naghahanap kami ng hahalili. At ikaw ang ni-request ni lolo tutal naman yun ang kurso mo." Wika ni señorito Yñigo na matiim na namang nakatingin sa akin.

"Sigurado ho kayo?" Nagaalangan tanong ko.

"Grab mo na acla." Ani Tonio na siniko pa ako.

"Yeah, and don't worry suswelduhan ka namin. Ikaw ang gusto ni lolo dahil hindi ka naman na iba." Dagdag pa ni señorito.

"Eh, sige ho. Payag ako." Tumango ako. "Kelan ho ba ako magsisimula?"

"Sa isang buwan pa naman. Pwede ka ng magumpisa pagbakasyon mo na sa school. Sa ngayon kapag linggo pwede ka ng pumunta ng mansion para ituro sayo ng nurse ang dapat gawin."

Muli akong tumango. "Sige ho señorito, pakisabi kay señor Arsenio pumapayag ho ako."

Ngumiti naman sya at tumango. May naaninag pa akong kakaibang kislap sa kanyang mga mata.

"Sige, mauna na ho ako Mang Carlitos. Ingat ho kayo sa paguwi." Paalam ni señorito at binigyan pa ako ng huling sulyap bago tumalikod kasama ang kanyang kabayo..

"Maganda yun anak para may experience ka habang nag aaral ka pa." Ani inay habang nasa hapag kainan kami.

Mukhang masaya sila ni itay sa inalok sa akin ni señor Arsenio at señorito Yñigo na trabaho sa mansion.

"Nga naman anak. Makakapag ipon ka pa. Para pagpunta mo ng Maynila may ekstrang pera ka, pag may gusto kang bilhin doon kahit paano mabibili mo." Segunda pa ni itay.

Tumango tango naman ako. Yun din naman ang isa sa dahilan kaya pumayag ako, dahil bukod sa experience. Makakaipon din ako.

"At saka si señor Arsenio naman ang aalagaan mo. Hindi naman masyadong alagain ang señor. At maliit ka pa lang giliw na giliw na sa'yo yun. Heto nga at pinadalhan ka pa ng tsokolate para daw hindi mo tanggihan ang alok nya." Natatawa pang sabi ni inay.

Tumawa na rin kami ni itay. "Si señor Arsenio talaga, lagi akong tinuturing na bata."

"Ganun talaga. Sabik din sa bata ang señor at halos sa mansion ka na rin lumaki at nasubaybayan nya ang paglaki mo." Ani itay habang maganang kumakain.

Amira Where stories live. Discover now