chapter 6

34.5K 752 32
                                    

Amira

"Amira anak, bakit hindi ka pa nag aasikaso. Mamaya darating na ang señorito para sunduin ka." Sabi ni papa na pailalim akong tiningnan sa likod ng salamin nya habang may hawak na dyaryo. Linggo ngayon kaya wala sya sa bukid. Kagagaling lang din namin ng simbahan sa kabilang baranggay. Si inay naman ay dumiretso ng palengke.

"Oho tay, mag aasikaso na." Sabi ko na lang at tumayo na para tumungo sa kwarto ko.

At talagang nagpaalam nga si señorito kay itay. Pagdating pa lang ni itay kahapon sa bahay ay sinabihan na nya ako. Hindi naman ako maka hindi dahil siguradong marami syang tanong sa akin hanggang sa mapapayag ako.

Lulugo lugong kumuha ako ng damit na maisusuot. Isang dress na bulaklakin na kulay sky blue na hanggang tuhod ang kinuha ko sa hangeran ng aking closet na kahoy. Paparisan ko na lang ito ng isang summer sandals na niregalo ni inay noong huling birthday ko.

Habang nasa banyo ako at nagsasabon ay may naulinigan akong nag uusap sa sala.

"Amira! Bilisan mo na dyan, nandito na si señorito!" Sabi ni itay sa likod ng pinto ng banyo.

"Ayos lang ho Mang Carlitos, hindi naman ako nagmamadali." Dinig ko ang malaking boses na sabi ni señorito. Napayakap naman ako sa sarili ko.

Nandito na sya? Ang aga naman!

Minadali ko na ang pagsabon sa katawan at sinabay ko na ang pag shampoo. Sa banyo na rin ako ang nagbihis at nakakahiya naman kung lalabas akong nakatapis.

Lumabas na ako ng banyo na nakabalumbon ang tuwalya sa buhok ko. Madadaanan ko ang sala bago makapunta ng aking kwarto. Naabutan ko si señorito na nakaupo sa kawayan naming sofa at nakatungkod ang dalawang siko nya sa tuhod. Nag angat sya ng tingin at umawang ang kanyang bibig ng makita ako. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang paghagod ng kanyang mga mata sa aking kabuuan. Lumunok pa sya ng dumako ang kanyang mga mata sa aking mga binti. Nagtayuan naman ang mga balahibo ko sa katawan.

"M-Magandang umaga ho señorito, ahm magbibihis lang ho ako." Sabi ko at dali daling tumungo sa kwarto. Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko. Bakit ba ganun sya makatingin sakin?

Humugot ako ng malalim na hininga at nagmadali na. Naglagay lang ako ng lotion at nagsuklay. Hindi na ako nag abalang mag blower ng buhok dahil baka matagalan pa at kulitin na naman ako ni itay. Nag pahid lang din ako ng kaunting liptint. Dala ang aking sling bag ay nilagay ko ang cellphone ko at wallet sa loob. Sinuot ko na ang summer sandals at lumabas.

Kausap ni itay si señorito. Mukhang nag uusap sila tungkol sa mga pananim. Nilingon naman nila akong dalawa ng maramdaman ang presensya ko. Agad na tumayo si señorito.

"Ako na lang mag sasabi sa inay mo na umalis ka na kasama si señorito. O, ikaw na ang bahala kay señorito ha." Bilin pa ni itay sa akin. Tumango na lang ako.

"Ako na hong bahala kay Amira Mang Carlitos." Sabi naman ni señorito.

"O sige, mag ingat kayo sa byahe."

Hinatid pa kami ni itay sa labas. Pinagbuksan ako ni señorito ng pinto at inalalayang makaupo. Kinabit ko naman agad ang seatbelt at baka makalimutan ko pa. Nataranta naman ako ng lumundo ang sasakyan senyales na sumakay na sya kaya hindi ko maikabit kabit ang seatbelt. Narinig ko rin ang pagsara ng pinto.

"Ayos ka na?"

Nag angat ako ng tingin sa kanya. Sakto namang naikabit ko na ang seatbelt. Hay aalamat!. Umayos na ako ng upo.

"Oho." Tipid kong sagot.

"Okay, let's go." Sabi nya at binuhay na ang makina. Bumusina pa sya ng isang beses para ipaalam kay itay na aalis na kami. Kumaway naman si itay sa amin.

Amira Where stories live. Discover now