Special Chapter 1

21.4K 458 59
                                    

Alonzo

"MA, MALAKI na ako." Natatawang sabi ko habang inaayos ni mama ang kwelyo ng polo uniform ko.

"Kahit malaki ka na at tumanda ka baby pa rin kita. Kayo ng kambal mo at ni bunso." Sabi ni mama at pinisil pa ang pisngi ko. Natawa na lang ako.

16 years old na ako pero baby pa rin ako kung ituring nya, kami ng mga kapatid ko. Hindi naman sa ayaw ko kung paano ako itrato ni mama,  natutuwa pa nga ako dahil ramdam kong mahal na mahal nya kami, sila ni papa.

"Let's go na brother." Nilingon ko si Ynna na patakbong bumaba ng hagdan.

"Ynna anak halika muna rito." Tawag ni mama sa kambal ko.

"Yes ma?" Lumapit naman si Ynna kay mama.

"Bakit naman ganyan kapula ang labi mo anak?" Ani mama na inayos din ang uniporme ni Ynna.

"May pictorial kasi kami mamaya sa school ma. Isa ako sa mga model." Sabi ni Ynna.

"Talaga ba? Baka naman may pinapagandahan ka na?"

Nilingon namin si papa na pababa din ng hagdan.

"Wala po pa. Sadyang maganda lang ako." Nakangusong sabi ni Ynna.

Tumawa naman si papa at si mama.

"Walang duda dyan anak, maganda ka talaga dahil mana ka kay mama." Sabi ni papa at bahagyang ginulo ang buhok ni Ynna.

"Pa yung buhok ko po magugulo." Protesta ni Ynna at inayos ang buhok.

Tumawa naman si papa. "Dalaga na nga ang princess ko." Pinanggigilan pa ni papa ang pisngi ng kambal ko.

"O sige na pumasok na kayo baka malate na kayo sa school nyo. Si Yago nasaan na?" Hanap ni mama sa bunso namin.

"Baka nasa labas na ma, nilalaro na naman siguro si Pepito." Tukoy ko sa aso naming aspin. Sinukbit ko na ang bagpack ko.

"Naku, talaga yang batang yan. Madudumihan na agad sya."

"Wait lang mahal ako na ang tatawag." Lumabas si papa para tawagin ang bunso naming kapatid na ubod ng kulit.

"O magiingat kayo sa school ha. Alonzo ikaw na ang bahala sa mga kapatid mo." Bilin ni mama sa akin.

"Yes ma."

"Mama!" Patakbong lumapit si Yago kay mama at yumakap. Medyo pawisan na nga.

"Naku ikaw talagang bata ka. Alam mong papasok ka pa nakipag laro ka pa sa aso. Tingnan mo o pawis ka na agad." Sermon ni mama kay Yago at pinunasan ang pawis sa mukha.

"Mamimiss ko kasi si Pepito ma eh." Sabi ng bunso kong kapatid na mahilig sa mga hayop. Grade six na sya pero isip bata pa rin at makulit.

"Sus! Eh magkikita pa naman kayo mamaya. Sige na pumasok na kayo at anong oras na."

Humalik na kami sa pisngi nila papa at mama. 

"Papasok na ba ang mga apo namin?"

Sabay sabay naming nilingon si lolo Arsi na mabagal na naglalakad habang akay ni lolo Carlitos at lola Esme. Mukhang galing sila sa library. Lumapit kami sa kanila at nagmano. Tuwang tuwa pa nga kami dahil binigyan pa kami ng pera ni lolo Arsi. Lagi nya kaming binibigyan ng pera kahit noong malililiit pa kami. May baon naman kami. Binibigyan na kami ni papa ng allowance linggo pa lang ng gabi para sa isang linggong pasok.

"Mag iingat kayo sa school mga anak. Mag aral ng mabuti. Alonzo, ikaw na ang bahala sa dalawa mong kapatid." Bilin ni papa sa akin.

"Yes pa ako pong bahala." Sabi ko.

Amira Where stories live. Discover now