chapter 15

34K 714 36
                                    

Amira

"Umiyak ka ba?"

Napalunok ako at napakurap kasabay ng muling pagpatak ng aking luha. Agad ko naman itong pinunasan at akmang ilalayo ang mukha sa kanya ngunit sinapo nya ito ng dalawang malaki nyang palad.

"Bakit ka umiiyak? Sinong nagpaiyak sa'yo?" Nagaalalang tanong nya na may halong banta habang pinapalis ng kanyang daliri ang mga luha kong sunod sunod na muling pumatak.

Nakakapagod nang umiyak. Pero sa tuwing naalala ko ang kataksilan ni Alvin kanina ay parang sinasaksak ng punyal ang puso ko. Kasabay ng pagbalong ng aking luha ay kumawala ang mga munting hikbi.

"Amira, bakit ka umiiyak? Sabihin mo sa akin?" Mahinahon nang tanong nya pero bakas pa rin ang pag alala sa kanyang mukha.

Umiling iling lang ako.

Kinabig naman nya ako niyakap. Sumubsob na lang ako sa kanyang dibdib at doon umiyak. Akala ko naiyak ko na lahat ng sakit at sama ng loob ko kanina kasabay ng ulan. Hindi pa pala.

"N-Niloko nya ko.." Humihikbing sabi ko.

Narinig ko ang mahinang mura nya kasabay ng mahigpit nyang yakap sa akin at paghaplos sa aking likod.

"S-Sabi nya, mahal nya ko.. p-pero niloko nya ko.. hik.. N-Nahuli ko sya..sa kwarto nya  hik.. k-kasama ang b-babae nya. M-Mga baboy sila! Mga baboy!" Ani ko sa pagitan ng paghikbi.

Halos malukot ko na ang damit nya sa higpit ng kapit ko habang humahagulhol sa kanyang dibdib. Ibinuhos ko ang sama ng loob at sakit. Wala  akong narinig na anumang salita sa kanya bagkus ay mas niyakap pa nya ako at hinaplos haplos ang buhok ko. Ilang sandali pa akong nakasandig lang sa kanyang dibdib habang pinapakinggan ang tibok ng kanyang puso na para akong hinihele.

Nagalala naman ako na baka malukot ko na ang damit nya at mabasa na ng luha. Inangat ko ang ulo ko at lumayo ng kaunti. Basa na nga ang damit sa may bandang dibdib nya. Wala sa sariling kinuskos ko ito palad. Narinig ko ang pagsinghap nya.

"S-Sorry ho señorito, nabasa ko pang damit nya." Hinging paumanhin ko.

"Nah, don't mind my shirt. Ayos ka na ba?" Malumanay na sabi nya na halos palambing na sa pandinig ko. Umangat ang kanyang kamay at hinaplos haplos ang pisngi kong may luha.

Humugot naman ako ng malalim na hininga. Kahit papaano ay gumaan naman ang nasa loob ko, dahil siguro nailabas ko sa ibang tao ang sakit na nararamdaman ko. 

Tumango ako at pinunasan ng daliri ang mga pisngi. Nahihiyang umayos naman ako ng upo. Narinig ko pa ang pagbuntong hininga nya kasabay ng paghaplos nya sa aking buhok.

"Forget about him Amira.." Anas nya. Nilingon ko sya.

Malamlam ang kanyang mapupungay na mga matang nakatingin sa akin ngunit nagtatagis naman ang kanyang panga.

Humugot ako ng malalim na hininga. "Nakipag hiwalay na ko sa kanya.. Sana nakinig na lang ako kay itay." Ani ko at pinalis ng kamay ang butil ng luha na tumakas sa aking mata.

Kung sana nakinig ako kay itay hindi sana ako masasaktan ng ganito. Kung bakit din naman kasi nagtiwala ako sa lalaking yun. Manloloko naman pala.

Tahimik lang kami habang nasa byahe. Nakikita ko rin sa gilid ng mata ko ang panaka naka nyang sulyap sa akin at sasabayan pa nya ng buntong hininga. Hindi ko na lang sya pinansin at tumingin na lang sa labas ng bintana. Humupa na ang ulan at may mga bituin na ring sumisilip sa kalangitan.

Hinatid nya ako hanggang sa bahay namin. Nakaabang naman sa may pinto si itay. Halata sa mukha nya ang tinitimping galit pero agad din iyong napalitan ng pag alala ng makita ang hitsura kong basang basa sa ulan at hilam ang mata sa luha. Lumapit ako sa kanya at nagmano. Nagtataka rin na tumingin sya sa kay señorito Yñigo na nasa likuran ko. Malamang ay nagtataka sya kung bakit magkasama kami.

Amira Where stories live. Discover now