chapter 36

29.3K 648 62
                                    

Amira

Naalimpungatan ako dahil parang may nauulinigan akong ingay. Nilingon ko ang tabi ko pero wala si Yñigo. Napansin kong suot ko na ang t-shirt nya. Akmang babangon ako ng bumukas ang pinto at humahangos na pumasok si inay at itay. Nilock pa nila ang pinto.

"Nay, tay, bakit ho kayo nandito? Si Yñigo ho?" Tanong ko kay inay.

Narinig ko pang humugot ng mabigat na hininga si itay at parang hindi sila mapakali. Lumapit sa akin si inay at umupo sa gilid ko.

"Gising ka na pala anak, dapat matulog ka pa. Mag a-alas tres pa lang ng madaling araw." Sabi nya at hinaplos haplos ang buhok ko.

Kumunot ang noo ko. Ramdam kong parang may hindi tama.

"Ano hong nangyayari nay? Bakit kayo nandito ni itay? Nasaan ho si Yñigo?" Luminga linga ako. Palipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa ni itay. May bumundol na kaba sa dibdib ko.

"Nasa baba anak." Ani inay.

Akmang babangon ako ng pigilan ako ni inay. "Saan ka pupunta anak?"

"Bababa ho."

"Hindi ka pwedeng bumaba anak, dito ka lang."

"Pero -- "

"Makinig ka na lang sa inay mo Amira. Yun din ang bilin sa amin ng asawa mo." Sabat ni itay na matiim na nakatingin sa akin.

Base sa hitsura nilang dalawa ay seryoso sila. Mas lalo tuloy akong kinabahan.

"Nay, ano ho bang nangyayari?" Nagaalalang tanong ko. Yung kaba ko ay katulad ng kaba ko noong gabing pinagbabaril ang bahay namin.

"May mga armadong grupo sa labas at pinagbabaril ang mansion. Ang sabi nila grupo daw ni Don Abel." Sagot ni inay. 

Natigagal ako sa sinabi ni inay. Parang biglang bumalik ang bangungot noong gabing yun. Nanginig ang katawan ko sa takot at pag alala para kay Yñigo.

"N-Nay si Yñigo baka m-mapahamak sya." Nanginginig ang boses na sabi ko.

"Sinabi naman nya na mag iingat sya anak. Magtiwala lang tayo sa kanya at magdasal para sa kaligtasan nya at ng lahat." Aniya at habang hinaplos haplos ang buhok ko.

Yumakap ako kay inay at taimtim na nagdasal..

Yñigo

"Sir nandyan na ho ang back up! Dumating na sila mayor at mga tauhan nya!" Sigaw ng isa sa mga tauhan ko. Mabilis nilang binuksan ang gate at pumasok ang  sumasagitsit na gulong ng sasakyan na lulan nila ninong. Agad namang sinarado ang gate pagpasok ng sasakyan. Sa labas ay naiwan ang apat na sasakyan na kasama ni ninong at nagsilabasan ang mga lalaking armado at mga naka unipormeng pulis at nakipag palitan ng putok sa kabilang grupo.

Nakita ko pa kanina si Don Abel na sakay ng sasakyan habang nakangisi sa akin at pinauulanan ng bala ang harap ng gate. Pinapaikutan nila ang mansion at papaulanan ng bala kapag tumapat na ang sasakyan na lulan nila.

Bumukas ang sasakyan at agad na bumaba si ninong na may sukbit na baril. Bumaba din ang bodyguard nya na si Jeizhiro na may hawak na ring baril.

"Iho ayos lang ba kayong lahat dito?" Nagaalalang tanong nya paglapit sa akin.

"Ayos lang ho ninong. Wala pa namang nasaktan sa amin. Kanina pa sila paikot ikot at pinapaulanan kami ng bala kapag tumapat na." Sabi ko.

"Wag kang mag alala ang mga tauhan ko na at mga pulis ang bahala sa kanila." Aniya sabay tapik sa balikat ko.

Mabigat naman akong bumuntong hininga. "Kailangan nang mahuli si Don Abel ninong, hindi ligtas ang pamilya ko hangga't nandyan sya at nanggugulo." Tiim bagang na sabi ko.

Amira Where stories live. Discover now