chapter 11

32.4K 708 70
                                    

Amira 

"Eto hardenera, paborito ni Manang Esme ito." Ani Manang Flor at inilagay ang dalawang llanerang hardinera sa isang disposable tupperware.

Nasa limang putahe na yata ang na nakalagay sa disposable tupperware ang nasa loob ng eco bag maliban pa ang dessert na ipapauwi nila sa akin para kanila inay at itay. Sinabihan na din pala sila ni señorito na ipagbalot ang mga magulang ko.

"Salamat ho manang." Nakangiting sabi ko habang nakaupo sa counter at nakapangalumbabang pinapanood ang ginagawa nila.

"Mukhang masaya ka ngayon Amira ah." May mapanuksong ngiti na puna naman ni ate Lita. "Siguro may boyfriend ka na."

Naginit naman ang pisngi ko sa sinabi nya. Pero hindi ko pwedeng aminin. "W-Wala ho." Sabay iwas ko ng tingin. Baka mahalata pang nagsisinungaling ako.

"Naku! Sa ganda mo na yan? Wala? Imposible." Nagdududang tiningnan pa nya ako.

"W-Wala talaga ate."

"Kuuh! Pa'no makakapag boyfriend yan si Amira eh bantay sarado yan ni Mang Carlitos." Sabat naman ni Manang Flor. 

Napakagat labi ako ng mabanggit si itay. Hindi ko kayang isipin ang magiging reaksyon ni itay kapag nalaman nyang nobyo ko talaga si Alvin at nagsisinungaling ako. Napabuntong hininga ako.

"O heto na Amira." Nilapag ni Manang Flor ang eco bag sa harap ko.

Tumayo naman ako at binitbit na ito. "Salamat ho uli manang, ate Lita." Nakangiting sabi ko.

"O sige na, at masyado ng gabi. Baka hinahanap ka na ng itay at inay mo."

"Oho." Nakangiting kumaway pa ako sa kanila bago lisanin ang kusina. 

Mag a-alas diyes na rin kasi ng gabi at gaya ng bilin ni tatay ay dapat alas dyes ay nakauwi na ako. Binilisan ko na ang lakad dahil baka naghihintay na si Tonio at si ninong Dado.

Marami rami pa ang mga bisita. May ilan na nagsipag uwian na at may ilan ding dumarating. Ang pamilya naman ni Alvin ay uuwi na rin. Kakatext lang nya kanina.

Eksaktong pagliko ko ay may nakabungguan ako. Narinig ko itong napasinghap at napamura. Nanlaki naman ang mata ko ng makitang tumapon ang hawak nitong wine sa harapan ng mamahaling damit nito. Nag angat ako ng tingin at sumalubong sa akin ang galit na galit na mukha ng nobya ni señorito Yñigo.

Sa taranta ko ay pinunasan ko ng kamay ang damit nyang namantsahan na ng wine. "S-Sorry po ma'am hindi ko po sinasadya --"

"Don't touch me you stupid tramp!" Patiling tungayaw nya sabay tulak nya sa akin ng malakas kaya napasalampak ako sa lupa at nagkalat naman ang laman ng eco bag. Hindi pa sya nakuntento at sinaboy sa mukha ko ang natirang wine sa kopita. Napasinghap ako at nalasahan ko pa ang pait ng wine.

Nabigla ako sa bilis ng pangyayari. Narinig ko naman ang bulong bulungan sa paligid, halos lahat sila ay nakatingin sa kin. Ngayon lang ako nakaranas ng ganitong klaseng kahihiyan. Parang nanliit ako bigla. Parang gusto ko ng lamunin ako ng lupa para matakasan ang nang uuyam nilang tingin. Parang gusto ko ng maiyak. Ang babaeng nakatayo naman sa harap ko ay nanliliit ang mga matang nakatingin sa akin.

"Look what you've done? You ruined my dress!"

"S-Sorry ho --"

"Shut up! Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaan mo! Ano? Uwing uwi ka na dahil nakapagbalot ka na? Patay gutom na hampas lupa!" Pasigaw na sabi nya sabay sipa ng disposable tupperware na may lamang ulam sa akin at sumaboy ang laman sa damit ko.

"Amira!" Dinig kong may tawag sa akin. Nilingon ko ito. Si Alvin. Akmang lalapit sya sa akin pero pinigilan sya ni Suzette sa braso habang nakangising nakatingin sa akin.

Amira Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon