chapter 33

31.3K 707 40
                                    

Amira

Natawa na lang ako sa sinabi ni manang Flor.

"Kumain lang ng mangga buntis na? Kayo ho talaga manang Flor." Umiling iling na sabi ko. "At saka paborito ko ho talaga ang manggang hilaw lalo na kung ang sawsawan ay bagoong. Nakaka isang kilo nga ako sa isang upuan lang. Di ba nay?" Binalingan ko pa si inay.

Tumango tango lang si inay at bumuntong hininga.

"Ah akala ko buntis ka na eh, sayang naman." May himig panghihinayang na sabi ni manang Flor.

"Darating din ang mga bata dyan, mag antay antay lang tayo." Ani inay at hinarap na ang naudlot na gawain.

Bahagya naman akong natigilan ng maisip ang sinabi nila. May umusbong na excitement sa puso ko sa isiping mabubuntis ako at magkakaanak.

Wala sa sariling napangiti ako at tinuloy ang pagkain ng mangga..

"Excited na ko sa kasal mo accla. Hindi ko lang bet na hindi ako maggagown. Bastos ka  talaga sa akin kahit kelan. Sana man lang naisipan mong ilagay ako sa bridesmaids." Ani Tonio na tumitirik tirik pa ang mga mata.

Nginisihan ko naman sya. "Shunga! Hindi mo ba naisip na puro lalaki ang kasama mo. Malay mo may mabetan ka." Panunulsol ko pa.

Nagliwanag naman ang mukha nya at hinampas ako sa braso. Napangiwi naman ako at sinabunutan ko sya.

"Aray ko naman señorita!" Angal nya.

Inirapan ko sya. Ang bigat ng kamay ng baklang to.

"O ano, may masasabi ka pa?"

"Wala na! Ang clever mo talaga accla, naisip mo pa yun." Nasisiyahan ng sabi nya at parang inasinan na bulateng kinikilig kilig pa. "Kaya mahal na mahal kita accla!" Sabay yakap pa nya sa akin at humilig pa sa balikat ko.

Muli ko syang nginisihan at umiling iling na lang.

"Ehem!"

Halos sabay naming nilingon ang tumikhim.

Ngumiti ako ng makita si Yñigo na pumasok ng gazebo. Matiim ang tingin nya sa aming dalawa ni Tonio. Bumitaw naman ang kaibigan ko sa pagkakayakap sa akin pero nakadikit pa rin.

"Magandang hapon ho señorito." Nakangiting bati ni Tonio sa kanya.

Tumango naman si Yñigo. "Masyado ka yatang madikit sa asawa ko Tonio." Seryosong sabi nya sa kaibigan ko.

"Naku ganito ho talaga kami ni accla -- este Amira kahit noon bata pa kami. Hindi kami mapaghiwalay. Sabay pa nga kaming naliligo noong bata pa kami eh." Daldal ni Tonio.

Naniningkit naman ang mata nya sa sinabi ng kaibigan ko. "Sabay kayong naliligo?" Malakas na boses na tanong nya.

Napaigtad naman si Tonio sa tabi ko.

Halos hindi naman maipinta ang mukha ni Yñigo at salubong ang kilay na tiningnan ako.

"O-Oho señorito, pero mga maliliit pa kami noon." Ninenerbyos na sagot ni Tonio.

Tinaasan ko naman ng kilay si Yñigo. Problema nito? Nag iba na ang ekspresyon ng mukha nya.

Lumapit naman sya sa akin at naging maaliwalas na ang kanyang kanina ay madilim na mukha. Yumuko sya at hinalikan ako sa noo.

"Aalis ako baby. Pupunta ako sa kabilang bayan." Malambing na paalam nya sa akin.

Bahagya naman akong napasimangot na aalis na naman sya. Nitong mga nakaraang araw kasi ay mabilis ko syang mamiss. Gusto ko syang laging nakikita at naamoy.

Amira Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon