chapter 28

31.7K 637 41
                                    

Yñigo

"Amira!"

Agad ko syang nilapitan at kinalong. Tiningnan ko ang bandang balikat nya na may umaagos na dugo. Hinawakan ko ang kanyang mukha at tinapik tapik ang pisngi.

"Baby wake up!" Gumagaralgal na tawag ko sa kanya. Parang may nakabara sa lalamunan ko at malakas ang kalabog ng dibdib ko na masakit na sa loob.

Pero hindi sya natitinag at nakapikit lang. Hinawakan ko naman ang pulsuhan nya. Pumipintig pa. Mabilis kong hinugot ang cellphone sa bulsa at tinawagan si ninong. Sinagot naman nya ito agad.

"Ninong may tama ang asawa ko. Kailangan ko syang dalhin sa hospital."

["Sige lumabas kayo, ico-cover kayo ng mga pulis para makalabas."] Aniya.

Pinatay ko na ang cellphone at agad kong binuhat ang duguang asawa ko. "Hold on baby! Dadalhin kita sa hospital."

Pagkalabas ko ng silid ay sumalubong sa akin sila itay at inay. Nagaalang tiningnan nila si Amira na duguan sa bisig ko.

"Diyos ko ang anak ko!"

"Amira anak!"

"Tinamaan sya ng bala, kailangan syang dalhin sa hospital." Sabi ko.

Napamura naman si itay at napahagulhol si inay.

"Maghanda na ho kayo, lalabas na tayo." Hayag ko sa kanila.

"Pero paano, may putukan pa sa labas." Nagaalalang tanong ni itay.

"Si ninong at mga pulis na ho ang bahala. Kailangan na nating madala si Amira at inay sa hospital bago pa sila maubusan ng dugo."

Tumango tango naman si itay at inalalayan si inay.

Pagbukas ni itay ng pinto ay may dalawa nang pulis na may hawak na baril ang nakaabang. "Sir Ynigo wag kayong lalayo sa amin, ico-cover namin kayo." Anang isang pulis at alertong hinarang ang katawan sa amin. Ang isang pulis naman ay nasa unahan namin. Nakikipag palitan pa sya ng putok. Mabilis kaming naglakad patungo sa nakaabang na nakabukas na isang sasakyan. May dalawang naka civilian ang nakabantay at may hawak din na baril. Bumaba ang bintana sa passenger seat at dumungaw ang ulo ni ninong.

"Bilisan nyo!" Sigaw nya.

May tatlo pang pulis at dalawang civillian ang pumalibot sa amin at nakikipag palitan ng putok. May nadadaanan pa kaming tatlong katawan na nakahandusay at may mga pulis na nakabantay habang tinitingnan kung may pulso pa.

Matagumpay naman kaming nakapasok sa loob ng sasakyan at agad na sinarado ang pinto.

"Sa hospital tayo Jezhiro madali!" Maawtoridad na utos ni ninong sa lalaking nasa likod ng manibela. Agad naman nitong pinaharurot ang sasakyan.

"Ang anak ko.." Mangiyak ngiyak na sabi ni inay at inabot ng kamay ang buhok ni Amira. Hindi ko na rin napigilan ang pagtulo ng luha ko. Hinawakan kong muli ang pulsuhan nya. Bahagya na iyon humihina. Lalong lumakas ang kalabog ng puso ko sa takot.

"Pakibilisan pa ninong please!" Halos magmakaawang pakiusap ko.

Bumuntong hininga naman si ninong at sinenyasan ang nagmamaneho kaya tumulin pa ang takbo ng lulan naming sasakyan.

Unti unti namang nagkamalay si Amira sa mga bisig ko. Dahan dahan nyang minulat ang mata. Nataranta naman ako at hinaplos haplos ang pisngi nya ng duguan kong kamay.

"Y-Yñigo.."

"Shhh.. don't talk baby. Baka mapagod ka. Malapit na tayo sa hospital.." Gumagaralgal na sabi ko.

Amira Where stories live. Discover now