chapter 24

36.7K 754 57
                                    

Amira

Halos isang linggo na ang nakalipas mula ng mabaril si itay. Naging maayos na rin ang kalagayan nya at nagpapagaling na lang ng sugat. Bukas ay maaari na rin syang lumabas. Sa mga nagdaang araw ay marami ang nangyari. Dinalaw sya ng mga kapitbahay namin at mga kasamahan nya sa sakahan. Dumalaw din sila Tonio pati ang tatay nya. Nahuli na rin ang tauhan nila Alvin na bumaril kay itay kasama pa ang dalawang tauhan. Pinaghahanap na rin ang mommy nya na syang utak sa pamamaril. Naabswelto naman sya at ang daddy nya dahil napatunayang wala silang kinalaman.

"Tay dahan dahan sa paggalaw dahil baka bumuka ang tahi nyo." Alerto ko syang inalalayang tumayo.

"Kuh parehas talaga kayo ng inay mo, masyado nyo akong binibeybi." Aniya at naglakad papuntang banyo.

"Nag aalala lang ho kami ni inay sa inyo."

"Ayos na ako, makakalabas na nga ako bukas eh. Masyado lang kayong nagiisip ng inay nyo. Mga babae talaga." Iiling iling na sabi nya bago sinarado ang pinto ng banyo.

Napanguso na lang ako. Mukhang okay na okay na nga si itay. Matigas na ang ulo eh.

Bumalik na lang ako sa sofang kinauupuan ko kanina. Lumabas saglit si inay para bumili ng pagkain. Si Yñigo naman ay bumalik sa hacienda dahil may kailangang asikasuhin saglit. Babalik din sya maya maya lang. Wala naman na kaming kailangan pang bayaran dahil sinagot ni Yñigo ang lahat ng gastuhin pati gamot ni itay. Ayaw pa nga pumayag ni itay at inay dahil may ipon naman kami pero hindi rin pumayag si Yñigo dahil pamilya na rin nya kami. Sumegunda pa si lolo Arsenio kaya wala na silang nagawa.

"Wala pa ba ang inay mo?" Tanong ni itay pagkalabas nya ng banyo. Mabilis naman akong tumayo para alalayan syang bumalik sa kama.

"Wala pa ho, nagugutom na ba kayo?"

Umiling naman sya. "Hindi naman, kaya lang masyado yatang natagalan ang inay mo." May pag alala sa tinig nya.

Akmang magsasalita ako ng bumukas ang pinto. Magkasabay pa kami ni itay na nilingon ito. Pumasok si inay na may bitbit na brown paper bag pero kapansin pansin ang seryosong mukha nito.

"Natagalan ka naman yata Esme, akala ko natabunan ka ng mga kaldero." Biro ni itay.

Pero hindi man lang nangiti si inay at bumuntong hininga pa. Pumasok sya at nilapag ang paper bag sa maliit na lamesa. Tumingin sya muli sa amin ni itay.

"May gustong kumausap sayo." Aniya na matiim na nakatingin kay itay.

"Kumausap? Sino naman yan?" Tanong ni itay.

Muling bumuntong hininga si inay at tinungo ang pinto at binuksan ng dahan dahan. Tumambad si tito Henry na seryoso rin ang mukha. May tatlong lalaki pa syang kasama sa likuran na mukhang mga bodyguard nya.

"Pwede bang pumasok?" Tanong nya habang palipat lipat ang tingin sa aming tatlo.

Pinaunlakan naman sya ni inay at nilakihan ang bukas ng pinto para makapasok sya. Tumiim naman ang anyo ni itay habang nakatingin kay tito Henry. Naging blanko ang mukha nya.

"Anong ginagawa mo dito Hermano?" Matigas na boses na tanong ni itay.

Humugot ng malalim na hininga si tito Henry. "Maaari ba tayong magusap Carlitos?"

Ilang saglit na hindi kumibot si itay at matiim lang na nakatingin kay tito Henry. Lumapit na si inay sa kanya at hinawakan sya sa braso.

"Mag usap na kayo Carlitos para maging malinaw na ang lahat." Untag ni inay sa kanya. 

Tiningnan naman ni itay si inay at mariing naglapat ang mga labi. Humugot sya ng malalim na hininga at minuwestra ang kamay sa sofa para paupuin si tito Henry.

Amira Where stories live. Discover now