chapter 17

35.6K 754 79
                                    

Amira

"Ahh!" Tumili ako ng maaninag ko ang malaking bulto sa aking harapan.

Nataranta ako ng haklitin nya ako sa bewang at takpan ang bibig ko. Nagpumiglas ako at pinagsusuntok sya sa dibdib. Ang bilis ng tibok ng puso ko sa sobrang kaba!

"Shh Amira.. it's me."

"S-Señorito Yñigo!" Nanlalaki ang matang inaninag ko ng maigi ang mukha nya. Naamoy ko ang pamilyar nyang amoy na gustong gusto ko.

"Yeah.." Anas nya an binuntutan pa nya ng tawa. Parang ang sarap sa tenga ng tawa nya.

"Sorry ho! Akala ko may ibang tao nang  pumasok." Wika ko at bahagyang tinulak sya at lumayo.

Maya maya pa ay kumalat ang liwanag sa buong kusina. Binuksan pala nya ang switch ng ilaw. Ngayon ay maliwanag ko na syang nakikita. Nakasuot sya ng t-shirt na puti at jagger na itim. Medyo magulo ang kanyang buhok. Mukhang kakabangon lang din nya at nauhaw dahil nakita ko ang basong nakalapag sa counter.

"Nauuhaw ka rin ba?" Malumanay nyang tanong. Paos pa ang kanyang boses.

Lumunok ako at tumango. "Oho." Sabi ko.

Tumango naman sya at gumilid ng kaunti para bigyan ako ng espasyo. Kahit na ba malawak naman ang kusina. Kumuha ako ng baso sa cupboard at binuksan ang malaking ref at nagsalin sa baso ng tubig.

Nailang ako dahil ramdam ko ang mata nyang nakamasid sa akin habang umiinom ako ng tubig.

"Hindi ka ba makatulog?" Tanong nya.

Nilunok ko muna ang tubig bago lumingon sa kanya at umiling. "Hindi naman ho. Naalimpungatan lang ako dahil sa uhaw."

Tumango tango naman sya. Sinuksok pa nya sa bulsa ang kanyang mga kamay. "Hindi ka naman ba nahihirapan sa pag aalaga kay lolo?"

Umiling iling ako. "Hindi naman. Hindi naman ho kasi sya alagain at magana naman kumain."

"Good."

Nang maubos ko ang laman ng baso ay hinugasan ko ito at binalik sa cupboard.

"Ah balik na ho ako sa kwarto señorito." Paalam ko at nag excuse ng dumaan ako sa harapan nya. Ngunit hindi pa man ako nakakalampas ay hinawakan nya ang braso ko. Para tuloy may kuryenteng dumaloy sa ugat ko dahil sa init ng kanyang kamay. Nilingon ko sya. "Bakit ho señorito?"

Hindi sya nagsalita bagkus ay nakatitig lang sa akin habang gumagala ang mata nya sa kabuuan ng aking mukha. Nakita ko pa ang paglunok nya. Kinabahan naman ako sa uri ng tingin nya. "M-May kailangan ho kayo señorito."

Tinawid nya ang maliit na distansya namin hanggang halos isang dangkal na lang ang aming pagitan. Para akong nabato balani dahil hindi ko rin maalis ang tingin sa kanya. Tumaas ang kamay nya at sinapo ang pisngi ko. Marahan nyang hinahaplos ang aking pisngi habang titig na titig pa rin na para bang kinakabisa nya ang bawat detalye ng aking mukha. Pinaraanan pa ng kanyang daliri ang gilid ng aking labi. Parang napako ang mga paa ko sa sahig at hindi ako makagalaw.

Namalayan ko na lang na magkalapat na ang aming mga labi at yakap yakap nya ako sa aking bewang. Ilang sandaling nakalapat ang labi nya sa akin na parang nanantya. Maya maya pa ay masuyong gumalaw ang labi nya. Bumilis ang tibok ng puso ko. Pumikit ako at masuyo ring tinugon ang kanyang halik. Naging magaslaw ang galaw ng kanyang labi na aking ikinasinghap.

"Amira.." Anas nya sa pangalan ko sa pagitan ng halik.

Napakapit ako sa kanyang damit ng mapangahas na pumasok ang kanyang dila sa aking bibig. Kahit na may karanasan na ako sa halik ay hindi ko pa nararanasan ang ganitong klaseng halik na para kang tinutunaw. Nakakapanlambot at nakakapanginig ng tuhod. Halatang eksperyensado sya sa halikan dahil hindi ko masundan ang bawat galaw nya. At para syang gutom na halos kainin ang labi ko. Pakiramdam ko nangangapal na ang labi ko sa klase ng kanyang paghalik.

Amira Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon