chapter 39

31.8K 671 50
                                    

Amira

"Kamusta mga anak? Anong balita sa check up?" Bungad ni inay sa amin ni Yñigo pagpasok pa lang namin ng mansion.

Nasa sala sila ni itay kasama si lolo Arsenio habang nagtsatsaa. Mukhang may pinaguusapan sila bago kami dumating.

Inalalayan naman akong maupo ni Yñigo sa sofa at tumabi sya sa akin. Nakangiting hinarap namin sila na nakatingin din sa amin at naghihintay ng sasabihin.

"Kamusta? Nalaman na ba ang gender ng unang apo ko sa tuhod? Lalaki ba?" Nakangiting sunod sunod na tanong ni lolo Arsenio.

Nagkatinginan pa kami ni Yñigo at nagngitian. Nilapag namin ang ultrasound sa lamesita sa harap nila. Gusto namin sila mismo ang makaalam.

Nagtataka namang tiningnan nila ang mahabang papel na nakalapag sa lamesita. Si lolo Arsenio ang unang dumampot at in-adjust ang suot na salamin para makita ang nasa papel. Ilang sandali pa nya itong pinakatitigan.

"Teka, bakit parang dalawa itong hugis patani na ito?" Tanong nya ng hindi inaalis ang tingin sa papel.

"Dalawa? Bakit dalawa?" Nagtatakang tanong naman ni itay at nakisilip na rin.

Ngiting ngiti naman kami ni Yñigo. Kanina ng sabihin sa amin ni doctora na kambal ang baby namin at lalaki at babae pa ay labis labis ang aming tuwa. Naluha pa nga sya at panay pupog ng halik sa bilog kong tiyan.

Napalingon kami kay inay ng marinig namin syang suminghap. Tuptop nya ang dibdib habang naluluhang nakatingin sa amin.

"K-Kambal ng anak ninyo?" Di makapaniwalang tanong nya.

Lumingon sa kanya si itay at lolo Arsenio.

Tumango tango naman kami ni Yñigo.

"Kambal?" Halos sabay na tanong ni itay at lolo Arsenio at binalingan kami.

"Kambal ho ang baby namin lo, tay. Lalaki at babae." Nakangiting sabi ni Yñigo.

"Talaga?" Mabilis na napatayo si lolo Arsenio.

"Kambal ang apo ko? Isang lalaki at babae?" Bulalas naman ni itay.

Natatawang tumango tango lang kami ni Yñigo.

Tuwang tuwa si itay at napapahiyaw pa. Si lolo Arsenio naman ay panay ang halik sa ultrasound. Samantalang si inay ay nagpupunas na ng luha. Nagsilabasan mula sa kusina ang mga kasambahay at si manang Flor.

"Ano hong nangyayari?" Tanong ni manang Lita. Nasa mukha nila ni manang Flor at mga kasambahay ang pagtataka.

Nilapitan sila ni inay at hinawakan sa kamay si manang Flor. "Kambal ang apo ko. Lalaki at babae." Masayang sabi ni inay.

"Talaga ho?" Bulalas ni ate Mona. "Aba'y dapat tayong mag celebrate diba ho señor."

"Aba'y oo naman! Sige, magluto kayo. Damihan nyo. Magce-celebrate tayo." Masayang sabi ni lolo.

"Yes! Magkakainan ulit tayo!" Ani ate Mona.

"Ikaw talaga Mona, parang hindi ka kumakain." Anang manang Lita at bahagya pa syang kinurot.

"Iba naman ho kasi ang pagkain sa mga selebrasyon, mas espesyal." Hirit pa ni ate Mona.

"Kuh! Ikaw talaga pagdating sa pagkain."

Humilig ako sa dibdib ni Yñigo habang nakangiting pinagmamasdan ang mga mahal namin sa buhay na masayang masaya. Naramdaman ko ang magagaang halik ni Yñigo sa ulo ko. Magaan nyang pinatong ang kamay sa mabilog kong tiyan ay hinimas himas. Tumingala ako sa kanya at ngumiti. Bumaba ang kanyang mukha at magaang dinampian ng halik ang aking labi.

Amira Where stories live. Discover now