chapter 26

35.8K 729 42
                                    

Amira

"Tay nay, may gusto ho sana akong sabihin sa inyo." Untag ni Yñigo habang nasa gitna kami ng hapunan.

Magkasabay na nag angat ng tingin si itay at inay sa kanya. Ganun din ako na nasa tabi nya.

"Ano yun iho?" Tanong ni inay.

Tumikhim muna si Yñigo at nilingon ako. Hinawakan nya ang kamay kong nakapatong sa lamesa.

"Gusto ko ho sanang pormal na hingiin ang kamay ni Amira sa inyo. Gusto ko ho syang pakasalan sa simbahan."

Napasinghap ako sa sinabi nya. Tila may naghabulang daga sa dibdib ko sa lakas ng pintig nito. Natigilan naman si itay at inay pero agad ding nakabawi.

"Napagusapan nyo na bang dalawa yan?" Tanong ni itay.

Nilingon naman nya ako at binigyan ng tingin na nanghihingi ng permiso.

"Kasal na tayo di ba?" Sabi ko.

Mapupungay ang mata nyang nakatitig sa akin. "Pero gusto kong ikasal tayo simbahan. Will you marry me?"

Napakagat labi ko dahil mas lalong lumala ang kalabog ng puso ko. Walang dahilan para tanggihan ko ang alok nya. Kasal na kami sa batas at ngayon ay ikakasal sa harap ng Diyos. Wala akong makapang pagtanggi sa puso ko bagkus ay nanabik pa ito. Nakikita ko rin ang imahe naming dalawa na sabay kaming tatanda kapiling ang mga anak namin.

Ngumiti ako at tumango sa kanya.

Ngumiti naman sya at kumislap sa tuwa ang kanyang mga mata. Dumukwang sya at hinalikan ako sa noo bago binalingan ang mga magulang ko.

Ngumiti din sila itay at inay. "O wala na palang problema. Sa amin din ng inay nyo ay walang problema. Pag usapan nyo na lang kung kelan ang balak nyo." Ani itay.

"Oho tay." Sambit ni Yñigo.

"Ayos ka lang? Ang tahimik mo." Untag nya sa akin habang hinahaplos ang buhok ko.

Nasa kwarto na kami at nakaunan ako sa dibdib nya. Bumuntong hininga ako at tumingala sa kanya.

"Papayagan mo naman akong mag aaral kahit ikakasal ulit tayo diba?" Nananantyang tanong ko sa kanya. Pagkatapos nyang ihayag ang pagpapakasal naming muli ay umuukilkil sa isip ko ang tungkol sa pag aaral ko. Kahit may asawa na ako ay gusto ko pa ring makapagtapos.

Ngumiti naman sya. "Oo naman, pero hindi ka na sa Maynila mag aaral. Ayoko kasing malayo ka sa akin." Nakanguso pang sabi nya na animo'y nagpapacute.

Natawa naman ako at pinisil ang nanghahabang nguso nya. Hindi bagay sa kanya dahil sanay akong laging seryoso ang mukha nya. Dumapa ako at nilapat ang labi sa labi nya. Kinabig naman nya ang batok ko para idiin ang labi ko. Bahagya pa nyang kinagat ang labi ko para mabuka at pinasok nya ang kanyang dila para palalimin ang halik. Tumugon naman ako at walang inhibisyon na nakipag palitan ng laway. Naghiwalay lang ang mga labi namin ng kapusin kami ng hininga. Magkadikit ang mga noo at nagtama ang mga hininga namin.

"Damn.. ang hirap magpigil. Gustong gusto na kitang angkinin." Anas nya at panaka nakang hinahalikan ang ilong at labi ko.

Ako rin naman ay namimiss na ang pagiisang katawan namin. Kelan ba kami huling nagniig? Noong bago mangyari ang insidente kay itay at hindi na nasundan yun dahil naging abala kami paroo't parito sa hospital. Pagkatapos ay may isang linggo na rin kaming nanatili dito sa bahay. Mahigit dalawang linggo na rin pala.

Napakagat labi ako at tiningnan sya sa mata. "Pwede naman nating gawin yun eh.." Halos pabulong na sabi ko.

Saglit naman syang natigilan sa sinabi ko na parang hindi makapaniwala. Nagiba din ang kislap ng mata. Nag aapoy sa pagnanais na angkinin ako. Nakaramdam naman ako ng hiya pero walang balak bawiin ang sinabi ko. Nasasabik na rin naman ako na muli nyang maangkin.

Amira Where stories live. Discover now