END

43.6K 1K 172
                                    

Yñigo

"Papa I want moby yung chocolate." Malambing na ungot ni Ynna ang limang taong gulang kong anak na babae habang tinuturo ang malaking pack ng paboritong tsitsirya sa estante.

"Me too papa, pero yung caramel flavor ang gusto ko." Ungot din ni Alonzo ang limang taong gulang kong anak na lalaki na kambal ni Ynna.

"Alright, pero tig isa lang kayo ha. Magagalit si mama." Sabi ko sa kanila at inabot ang tig isang flavor ng moby sa estante at nilagay sa cart. Tuwang tuwa naman ang dalawa. Napangiti ako. Kay sarap lang nilang tingnan na masaya sila.

Nandito kami sa supermarket sa bayan at nag go-grocery. Dito muna kami pumunta bago sunduin si Amira sa hospital. Dapat ako lang susundo pero mapilit ang kambal na sumama kaya wala na akong nagawa. Isa nang ganap na nurse si Amira. At sa hospital sya ng San Agustin nagtatrabaho.

Kinuha ko sa kamay ni Ynna ang tatlong pakete ng chocolate na dinampot nito. "No baby, may chocolate ka pa sa bahay."

"Pero ibang brand naman po ito eh." Nakangusong sabi nya. Kagaya ni Amira ay mahilig din ito sa chocolate. Pero hindi namin sya hinahayaang panay panay ang kain. May oras ang kain nito at limitado lang. At kapag ganitong nakanguso sya ay si Amira agad ang sumasagi sa isip ko. Bukod kasi na magkamukha talaga sila naaalala ko pa noong maliit sya na nangungulit kay inay ng chocolate. Itong anak ko naman mukhang alam na alam na ang kahinaan ko at paano ako mapapa oo sa lahat ng gusto nya.

Nagkamot muna ako ng ulo. "Fine, pero isa lang." Sabi ko at binigay sa kanya ang isa at binalik sa estante ang dalawang pakete. Ngumiti naman ito at niyakap ako sa hita. "Thank you papa!"

"You're welcome." Natatawang sabi ko sabay pisil sa baba nya.

Hinanap ko naman si Alonzo. Nakita ko sya sa dulo at parang binibilang ang itlog na nakalagay sa tray. "Alonzo anak, come here!" Tawag ko sa kanya.

Nakangiting tumakbo naman sya palapit sa amin. Napailing iling na lang ako. Sa kanilang dalawa ng kambal ay ito ang pinaka makulit. Ang sabi ni lolo akong ako daw noong maliit pa. Mas sumobra nga lang daw ito ng kaunti. At kailangan talagang bantayan. Tanging si Amira lang ang nakakasaway dito. Gamit ang tingin lang. Pero gaya ni Ynna ay ubod din ito ng lambing.

Pagkatapos makuha ang lahat ng gusto nila ay dumiretso na kami ng cashier para magbayad.

Habang nasa byahe patungong hospital ay pakanta kanta pa ang kambal sa backseat. Nangingiting pinagmamasdan ko na lang silang dalawa sa rare view mirror.

"Papa kelan po kami magkakaroon ng baby sister o kaya baby brother." Biglang tanong ni Ynna.

Bahagya naman akong natigilan sa tanong nya. Sinilip ko silang dalawa sa rare view mirror. Parehas silang nakatingin sa akin.

"Yung mga classmates namin papa meron silang baby sister o kaya baby brother. Iniinggit nga nila kami eh. Sabi ko na lang malapit na rin kaming magkaroon kasi gagawa kayo ni mama." Sabi naman ni Alonzo.

Muntik na akong masamid sa sarili kong laway dahil sa sinabi nya.

"Sige, sasabihin natin sa mama nyo na gusto nyo na ng kapatid." Natatawa na lang na sabi ko.

"Yehey! Sana bukas meron na kaming kapated." Nae-excite pang sabi ni Ynna at nagpalakpakan pa sila ni Alonzo.

Naiiling at natatawa na lang ako sa kainosentihan ng mga anak ko. Kung pwede nga lang na hindi na lang sila lumaki at manatili na lang na bata pero imposible naman yun. Siguro kailangan na namin silang sundan ni Amira. Limang taon na rin naman. At gusto ko rin ng maraming anak. Bagamat active ang sex life namin ni Amira ay nagpipills naman sya. Wala naman akong reklamo dun kung hindi pa sya handa na magbuntis muli. Nirerespeto ko sya dahil katawan nya yun. At kahit naman hindi na sya magbuntis muli ay hindi yun magiging kabawasan ng pagmamahal ko sa kanya. At sa bawat araw na dumaraan ay mas lalo ko syang minamahal.

Amira Where stories live. Discover now