chapter 9

30.4K 619 33
                                    

Amira

"I'm sorry babe, hindi na kita na chat kahapon. May biglaan kasing emergency. Inatake sa puso ang daddy ni Suzette tapos naghihisterikal pa sya kahapon kaya kinailangan ko pa syang samahan sa hospital." Pagpapaliwanang ni Alvin habang nandito kami sa ilalim ng puno ng caimito.

Pinilit ko namang ngumiti at inunawa sya. Kahit na sa totoo lang napapaisip pa rin ako na bakit sya pa ang kailangang sumama kay Suzette sa hospital gayung marami namang mga kaibigan na laging kasama ito.

Bumuntong hininga ako. Naging mabuti lang siguro sya kay Suzette. Walang dahilan para magdamdam ako sa kanya. Hindi ko rin dapat isipin ang mga sinabi ng mama nya kahapon.

Tumango ako. "Naiintindihan ko Alvin. Kamusta naman ang daddy ni Suzette?" Parang may mapait akong nalalasahan ng banggitin ko ang pangalan ng babae.

"Under observation pa sya sa hospital." Sagot nya at ngumiti sa akin. Hinawakan nya ang aking kamay at titig na titig sa akin.

"Eh si.. Suzette, kamusta na?"

"Ayos lang naman sya babe. Medyo kumalma na."

"Mabuti naman." Nakangiting sabi ko.

Bumuntong hininga naman sya at malamlam ang mga matang nakatingin sa akin. "Mahal na mahal kita Amira.. Sa akin ka lang maniwala ha? Wag mo nang isipin ang mga sinabi ni mommy." Dinala nya ang aking kamay sa kanyang labi.

Tumango naman ako at hinaplos ang kanyang pisngi. "Mahal na mahal din kita Alvin."

Suzette

Nag ngingitngit ang kalooban ko habang pinagmamasdang naglalambingan ang dalawa sa ilalim ng puno ng caimito.

"Bwisit talagang Amira yan! Bakit ba ayaw nyang layuan si Alvin? Akala ko ba kinausap na sya ni Tita Melissa? Bakit hanggang ngayon ay magkadikit pa rin sila?"

Nakakuyom ang kamao ko na halos bumaon na ang mga kuko sa palad habang nangangalit ang mga matang nakatingin sa dalawa partikular kay Amira. Kung nakamamatay nga lang matalim na tingin ay kanina pa ito bumulagta sa lupa. Bakit ba kahit anong gawin ko ay hindi ako matingnan ng ganun ni Alvin? Binigay ko naman ang lahat sa kanya. Pero bumabalik balik pa rin sya sa babaeng yun. Pero hindi pa rin ako nawawalan ng pag asa dahil nasa akin pa rin ang pabor ni tita Melissa at hindi rin magtatagal ay sa akin ang bagsak ni Alvin.

Kahapon ay kinuntsaba ko pa si tita para samahan lang ako ni Alvin sa hospital. Umarte pa akong naghihisterikal at malapit ng himatayin. Hindi naman ako nabigo at sinamahan nga nya ako at si tita Melissa naman ang sumipot sa tagpuan nila.

Tsk! Lasapin mo ang mga natitirang araw na kasama mo si Alvin, Amira. Dahil hindi magtatagal magiging akin na sya!

"Suzette! Nandyan ka lang pala! Kanina ka pa namin hinahanap. Ano bang ginagawa mo dyan?"

"Shh! Wag ka ngang maingay dyan!" Pabulong kong sita sa kaibigan kong sumulpot sa akong likuran.

"Ano ba kasi yan?" Pabulong din nyang tanong at nakisilip na rin sa likod ng punong pinagtataguan ko.

"Owh.. yung mag jowa pala." Mahinang sambit nya.

"Malapit na rin silang maghiwalay."

"Sure ka na ba dyan?"

Sinamaan ko sya ng tingin.

"Sabi ko nga." Pagkibit balikat nya.

Binigyan ko ng huling matalim na tingin ang dalawang taong ngayon ay magkayakap na bago ako tumalikod baon ang galit sa dibdib..

Amira Where stories live. Discover now