chapter 25

37.8K 721 97
                                    

Amira

Sumisilip na ang araw sa bintana ng magising ako. Wala na si Yñigo sa aking tabi at tanging amoy na lang nya ang naiwan. Napangiti naman ako at bumangon habang kinukusot ng kamay ang mata. Sa lapag na kami natulog dahil hindi kami kakasya sa katre ko dahil pang isahang tao lang ito idagdag pa na malaking tao sya. Itinagilid na lang muna namin ang katre para maluwang sa ibaba at nilatagan na lang namin ng banig at kutson. Napangiti ako ng maalala ang hitsura nya kagabi. Halatang hindi sya komportable dahil hindi kasing lambot ng kama nya sa mansion ang kinahihigaan namin. Pero wala akong narinig na anumang reklamo sa kanya kagabi bagkus ay naging mahimbing pa ang tulog.

Niligpit ko muna ang hinigaan bago lumabas. Naamoy ko ang bawang ni ginigisa ni inay. Malamang ay nagsasanghag ito ng kanin. Luminga linga ako pero hindi ko rin makita si Yñigo pati na rin si itay. Baka ay nasa labas ang mga ito. Dumiretso muna ako ng banyo para maghilamos.

"Nay, si Yñigo po at si itay?" Tanong ko kay inay pagpasok ko ng kusina at naabutan ko na syang sinasalin sa isang malaking bandehado ang sinangag.

"Gising ka na pala anak. Naku nasa likod bahay ang dalawa at nagpapatuka ng manok. Tawagin mo na nga para makakain na." Ani inay at naglalabas na ng mga plato at baso.

"Sige ho."

Lumabas ako at tinungo ang likod bahay. Doon ko nga naabutan si itay at Yñigo. Parehas silang may hawak na manok pangsabong. May sinasabi si itay sa kanya na parang tinuturuan nya kung paano hawakan ng tama ang manok na pangsabong. Nagpupumiglas na kasi ang manok na hawak nya. Lumapit na ako sa kanila bago pa sya turuan ni itay kung paano magbitaw ng manok.

"Yñigo, tay, kakain na." Tawag ko sa kanila.

Parehas naman silang tumingin sa akin. Nginitian nya ako at tiningnan mula ulo hanggang paa. Nag init naman ang pisngi ko.

Binalik naman ni itay sa tali ang hawak nyang manok pati na rin ang hawak ni Yñigo. Magkasabay silang lumapit sa akin at sabay sabay na kaming naglakad pabalik ng bahay. Hinawakan naman nya ang kamay ko at pinisil pisil.

"Morning baby." Paanas na bati nya sabay halik sa pisngi ko. Mabuti na lang ay nauna sa amin si itay.

"Morning hubby." Paanas ko ring bati sa kanya.

Natigilan naman sya at napahinto sa paglalakad. Nagtaka naman ako.

"Come again?"

"Huh?" Naguguluhang sabi ko.

"Anong tinawag mo sa akin?" Tanong nya na may kakaiba nang kislap sa mga mata nya na para bang natutuwa sya.

"Hubby?" Sabi ko.

"Yeah." Tumatango tangong sabi nya habang nangingiti na. "Can you say that again?"

Napakagat labi naman ako at biglang nahiya. Tiningnan ko sya. Naghihintay sya na muli kong banggitin ang salitang yun.

"Sinabi ko na hindi ko na uulitin." Sabi ko at naglakad na pero hinapit naman nya ako sa bewang at niyakap. Parang umakyat ang lahat ng dugo ko sa mukha dahil dikit na dikit na ang katawan namin. Napalunok ako.

"Say that again please.. I wanna hear it again." Malambing na sabi nya habang mapupungay ang mga matang nakatitig sa akin.

Para naman akong nahihipnotismo sa mga titig nya kaya bumuka ang labi ko at binigkas ang katagang nais nyang marinig. "Hubby.."

Ngumiti sya at siniil ako ng madiin na halik. Pumikit naman ako at dinama ang malambot at mainit na labi nyang nakalapat sa akin.

Napaigtad ako ng may tumikhim. Bahagya ko syang tinulak para maghiwalay ang labi namin at nilingon ang tumikhim.

Amira On viuen les histories. Descobreix ara