chapter 30

33K 687 58
                                    

Amira

"Aw." Napaigik ako ng sumakit ang balikat ko nang itaas ko ang kaliwang braso para maisuot ang sleeve ng dress.

"Careful." Agad naman akong dinaluhan ni Yñigo at tinulungan maipasok ang braso ko sa sleeve.

Nang matugampay na naipasok ang braso ko ay napabuntong hininga naman sya. "Dapat pala yung de tali na lang sa balikat mo yung dress na isusuot mo para hindi mapwersa ang balikat mo." Aniya na para bang problemadong problemado.

"Ayos na to. Nabigla ko lang igalaw yung braso ko kaya sumakit yung balikat ko." Sabi ko.

Ngayong araw kasi ang labas ko sa hospital. Hinihintay lang namin ang discharge paper bago umuwi.

Masuyo nya akong hinapit sa bewang at nilapat ang labi sa noo ko. Napahawak naman ko sa kanyang dibdib at napapikit. Hinalik halikan din nya ang buhok ko at hinaplos haplos.

Dumilat ako at tumingala sa kanya. "Bakit? May problema ba?"

Umiling naman sya at ngumiti. "Masaya lang ako makakauwi ka na."

Ngumiti naman ako. "Naiinip ka na dito sa hospital no."

Tumawa naman sya. "Hindi sa ganun wifey. Masaya ako makakauwi ka na kasi ligtas ka na. Hindi kasi ako mapanatag kapag nandito ka sa hospital."

"Ah, akala ko naiinip ka na eh."

"Hindi ako maiinip sa isang lugar basta ikaw ang kasama ko." Aniya sabay halik sa tungki ng ilong ko.

Napahagikgik naman ako. "Ang cheesy naman ng hubby ko."

Kumagat labi sya. "I like it when you call me hubby baby.." Anas nya sabay siil ng masuyong halik sa labi ko. Pumikit naman ako at tinugon ang kanyang halik.

"Ay sorry po!"

Agad ko syang naitulak ng may magsalita. Ang nurse pala na hindi maka tingin sa amin at may hawak na papel. Namula naman ang pisngi ko at sumubsob sa dibdib nya. Narinig ko pa ang pagtawa nya. Hinampas ko sya sa dibdib.

"Sir heto na po ang discharge paper ni Mrs. Alejos." Sabi ng nurse sabay abot ng papel. Kinuha naman ito ni Austin at tumango tango.

"Thanks Miss." Nakangiting sabi nya sa nurse.

Tumango naman ang nurse na namumula pa ang pisngi at lumabas. Napasimangot naman ako.

"O bakit ka nakasimangot?"

Bumaba ang nguso ko. "Siguro crush ka nung nurse."

Kumunot naman ang noo nya. "Sino naman ang may sabi?" Natatawang tanong nya.

"Wala! Eh kasi namumula sya kanina." Nanghahaba ang ngusong sabi ko.

Tumawa na sya at muli akong hinapit sa bewang. "Uy nagseselos ang misis ko."

Nag init naman ang pisngi ko at lalong nanghaba ang nguso ko. Natatawang niyakap nya ako at hinalikan sa ulo..

***

Nagkaroon ng kaunting salo salo pagdating namin sa mansion. Todo alalay pa sila sa akin at hindi ako pinapakilos. Nasa mansion din si Mayor Rodolfo kasama ang bago nyang bodyguard. Pagkatapos ng kainan ay nagtipon tipon pa kami sa library ni lolo para pag usapan ang kaso laban kay Don Abel at ma'am Melissa. Nandoon pa rin ang pangamba ko. At alam kong ganoon din sila itay at inay. Hindi ko naman maiwasang makaramdam ng pag alala sa pamilya ng Hermano lalo na at nakakulong ngayon si Ma'am Melissa. Alam kong matinding kahihiyan ang nararanasan nila dumagdag pa ang  ang kumalakalat na balitang kabit ni Ma'am Melissa si Don Abel. Kung gaano man katotoo ang balita na yun ay walang nakaka alam.

Amira Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon