chapter 4

34.3K 652 34
                                    

Amira

Sumilip ako sa bintana ng makarinig ng ugong ng sasakyan sa labas. Nakahinto ito sa tapat ng bahay namin. Bumukas ang pinto ng passenger seat at lumabas si itay na may bitbit na box ng kilalang brand ng cake. Lumabas naman sa driver seat si señorito Yñigo at binuksan ang likurang sasakyan at inalalayan pababa si inay.

"Maraming salamat sa paghatid señorito." Nakangiting sabi ni itay.

"Walang anuman ho."

"Gusto nyo bang pumasok muna sa loob?" Aya naman ni inay.

Tumingin si señorito Yñigo sa bahay namin at saktong sa bintana ito tumingin at nagtama ang aming paningin. Nginitian nya ako, umiwas naman agad ako ng tingin at tinuon na lang sa notes ko ang atensyon.

"Sa susunod na lang ho Manang Esme, Mang Carlitos. Gabi na rin ho kaya mauuna na ako." Dinig kong paalam nya kanila itay at inay.

"O sige, mag ingat kayo sa daan."

"Oho."

Ilang sandali pa ay dinig ko na ang ugong ng sasakyan na paalis. Kasunod non ay ang pagbukas ng pinto at pumasok sina itay at inay. Tumayo naman ako at sinalubong sila ng mano.

"O andyan ka lang pala Amira. Hindi ka man lang lumabas para batiin si señorito." May himig panernermon na sabi ni itay.

"Eh, may ginagawa ho kasi ako tay." Nagkamot pa ako sa ulo.

Nakita naman nya ang mga notes ko sa lamesita at tumango. "Pero sa susunod kapag nandito si señorito batiin mo. Baka akalain hindi ka namin tinuturuan ng magandang asal." Pangaral pa nya.

"Hayaan mo na, busy lang ang anak mo sa pag aaral." Awat naman ni inay na kinuha ang box ng cake mula kay itay at dumiretso ng kusina.

"Magpapalit muna ako ng damit para makakain na tayo. Maghain ka na anak." Tinapik ako ni itay sa balikat gaya ng nakagawian nya at pumasok na sa kanilang kwarto.

Pasimple naman akong bumusangot, hindi dahil kay itay kundi dahil sa panernermon nya sa akin dahil hindi ako lumabas para batiin si señorito. Naalala ko tuloy bigla noong pinagalitan at pinalo nya ako nung bata pa ako dahil pumasok ako sa library ng mansion at sinulatan ko ang isang papel na pag aari ni señorito. Galit na galit din si señorito sa akin noon at nakakatakot ang itsura nya. Parang kakainin nya ako ng buhay. Pinaliwanagan naman ako ni inay na mali ang ginawa ko.

Bumuntong hininga ako at tumungo na sa kusina para maghain. Nakita ko naman ang cake na nakalapag sa mesa. Sa brand pa lang halatang mahal na. Binuksan ko ito at halos maglaway ako ng makitang chocolate flavor ito. Marami pang toppings ng chocolate sa ibabaw at gilid. Kumuha ako ng isang toppings at sinubo. Napapikit pa ako habang tinutunaw ang chocolate sa aking bibig.

"Galing kay señorito yan. Nagpunta kami ng bayan kanina. Naalala nya paborito mo ang chocolate kaya bumili sya nyan, para sa'yo yan anak. Masarap yan, maraming chocolate na toppings." Ani itay na umupo na sa lamesa sumunod naman ang inay.

"Kaya magpasalamat ka kapag nakita mo ulit sya." Dugtong pa ni inay na nagsandok na ng kanin sa bawat plato.

Para tuloy nahirapan akong lunukin ang tunaw na chocolate. Nagsalin ako ng tubig sa baso at uminom.

"O anak kain na. Mamaya na yang cake." Sabi ni inay.

***

"Sigurado ka ba dyan acla? Ang hirap pa naman magsinungaling sa harap ng tatay mo." Nag aalinlangan na sabi ni Tonyo.

"Oo nga, basta sabihin mo lang kapag tinanong ka itay, may ginagawa kaming group project sa bahay ng kaklase ko. Saka hindi naman ako magtatagal eh."

Kahit din naman ako ay nahihirapang magsinungaling sa harap ni itay. Hindi ko naman kasi ugaling magsinungaling dahil tinuruan ako nila itay at inay na laging maging tapat. Ngayon lang naman dahil gusto kong makasama si Alvin at makapunta sa bahay nila. Inimbitahan kase ako ng bunsong kapatid nya dahil birthday nito. Sandali lang naman ako at uuwi na.

Amira Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon