chapter 31

30.8K 735 111
                                    

Amira

"What? Ako ba pinagloloko mo?" Asik ng babae kay ate Mona at nakapamewang na dinuro duro sya.

"Naku hindi ho ma'am! Totoo ho ang sinabi ko. Di ba Amira? Asawa ka talaga ni señorito?" Kinalabit pa ako ni ate Mona.

"That's impossible! Paanong magiging asawa ni Yñigo ang hampaslupang uhugin na ito?"

"Grabe naman kayo ma'am! Ang ganda ganda ni Amira para tawagin nyo lang na uhugin. Kung tutuusin mas maganda pa sya sa inyo. Hindi pa retokada."

Parang gusto kong takpan ang bibig ni ate Mona.

"Anong sabi mo?" Mataas na boses na sabi ng babae. Namumula na ang mukha nya sa inis.

"Ate Mona!" Hinawakan ko na sa braso si ate Mona.

"Ay sorry po ma'am. Nagsasabi lang po ng totoo." Aniya sabay tuptop ng bibig.

Napangiwi naman ako sa hitsura ng babae na kulang na lang ay umusok ang ilong at tenga sa inis.

"Kapag nalaman kong pinagloloko nyo kong dalawa. Tatamaan kayo sa akin." Pagbabanta ng babae at dinuro pa kaming dalawa ni ate Mona.

"Yñigo!"

"Ang kulit, sinabi na ngang wala dito eh." Pabulong na sabi ni ate Mona.

"Hayaan mo na ate." Untag ko sa kanya. Baka mamaya marinig pa sya ng babae ay balikan pa sya.

"Ano? Hahayaan mo na lang na harutin ng babae na yan ang asawa mo?"

"Syempre hindi no! May tiwala naman ako kay Yñigo." Sabi ko habang nakamasid lang sa babae na akala mo ay nasa bundok kung makatawag sa pangalan ng asawa ko.

"Babe! Yñigo! I'm here na! I miss you babe! Yñigo!" Tawag ng babae sa asawa ko.

Parang nagpapanting na ang tenga ko sa pagtawag nya sa asawa ko. Nakakabulahaw na rin sya. Lalo na at nagpapahinga pa si lolo Arsenio. Ang ilang kasambahay ay nakikiusyo na at nagbubulungan. Halata sa mukha nila ang pagka disgusto sa babae.

"Ma'am, wala po sya dito. Nasa sakahan ho sya." Magalang pang sabi ko.

Salubong ang kilay na nilingon naman nya ako at namaywang. "Puwes puntahan mo at sabihin mo na nandito ako. Tiyak na matutuwa sya kapag nalaman na dumating ako." Aniya at maarte pang kinumpas kumpas ang kamay.

"Sa tingin ko hindi matutuwa si señorito kapag nalamang nandito ka." Singit ni manang Flor na lumabas din pala galing kusina.

Ito naman ang binalingan nya. "Anong sinasabi mo dyan tanda?"

Napasinghap ako sa tinawag nya kay manang Flor.

"Ang mabuti pa ay umalis ka na ma'am. Hindi matutuwa ang señor at si señorito kapag nalamang nandito kayo." Magalang na sabi ni manang Flor at tiningnan pa ako. Sinaway pa nya ang mga kasambahay na magsibalik na sa kanilang gawain.

Pero nagulat kaming lahat ng itulak ng babae si manang Flor. Napasalampak ito sa sahig. Agad naman naming dinaluhan si manang Flor. Nakangiwi sya habang hawak hawak ang balakang.

"How dare you? Who are you ba para pagsalitaan ako ng ganyan. Eh katulong ka lang din naman dito!" Nanggagalaiting sabi ng babae at dinuro duro pa si manang Flor pati na rin kami ng mga kasambahay. "Hoy kayo! Itong tatandaan nyo. Kapag nagpakasal kami ni Yñigo tanggal kayong lahat. Mga walang silbi! Pweh!" Tungayaw nya sabay dura sa sahig na marmol.

Hindi ako makapaniwala sa ugaling pinakikita nya. May tao pa palang ganito. Kunsabagay, may nga tao ngang gaya ni Ma'am Melissa at Don Abel na pumapatay ng tao.

Amira Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon