chapter 20

40.9K 805 46
                                    

Yñigo

"Iho."

Nilingon ko si lolo na papalapit sa akin habang akay ng kanyang tungkod. Tinapik nya ako sa braso ng makalapit na sa akin.

"Bakit gising pa kayo lo?" Tanong ko. Sinilip ko ang oras wrist watch ko. Mag a-alas diez na ng gabi.

"Hindi pa ako inaantok. Ikaw bakit hindi ka pa natutulog? Nasaan na ang asawa mo?" Balik tanong din nya sa akin.

Sumikdo ang puso ko pagkabanggit nya sa asawa ko. Nilagok ko muna ang alak sa baso at ngumiti.

"Iniwan ko ho muna sa kwarto." Sabi ko. Ramdam ko pa rin kasi ang pagkailang nya sa akin kapag kaming dalawa lang ang nasa isang lugar. Hinayaan ko muna syang mag isa habang inaayos ang mga gamit nya na kinuha namin sa bahay nila kanina.

"Sa totoo lang binigla mo ko iho."

Muli kong nilingon si lolo.

"Ang sabi mo liligawan mo pa lang aba'y pinikot muna. Mabuti na lang at nakapagpigil pa si Carlitos at hindi ka naitak." Binuntutan pa nya ng tawa ang sinabi.

Napahimas na lang ako sa batok at nangingiti. "I'm sorry lo, takot lang akong maunahan."

Naiiling na nangingiti na lang si lolo. "Nagmana ka nga sa akin apo."

Ngumisi naman ako sa sinabi nya. Naalala ko ang kwento nya noon kung paano nya rin pinikot ang yumao kong abuela.

"Alagaan mo ang asawa mo iho, lalo pa at napaka bata pa ni Amira." Paalala ni lolo.

Tumango naman ako. Yun naman talaga ang nais ko. Ang alagaan sya at mahalin. Ilayo sa mga taong nagnanais na agawin sya sa akin.

Nagtagis ang bagang ko ng maalala ang ex ni Amira. Alam kong hanggang ngayon ay nagnanais pa rin ang lalaking yun na makuhang muli si Amira.

Halos dalawang linggo na ang nakakaraan ay napansin ko itong palihim na sinusundan si Amira pagkalabas nya ng eskwelahan. Kaya nga nagtalaga ako ng isang tauhan na sundan ng palihim si Amira dahil baka gumawa ng hakbang ang lalaking yun na ikakapahamak pa ni Amira.

"Sige na iho, bumalik ka na sa kwarto nyo. Hindi magandang iniiwan mo ang asawa mo sa pagtulog lalo na at bagong kasal kayo."

Napakagat labi ako sa sinabi nya at na excite na bumalik sa kwarto. "Pa'no kayo lo? Hindi pa kayo papasok sa kwarto nyo?"

"Kuh! Papasok din ako maya maya lang. Gusto ko lang magpahangin sandali. Sige na umakyat ka na sa kwarto nyo baka hinihintay ka na ni Amira." Aniya na may mapanuksong ngiti.

Nangingiting tumango na lang ako at tinapik sya sa balikat saka tumalikod at tinungo ang hagdan paakyat sa ikalawang palapag kung nasaan ang kwarto ko at ang.. asawa ko.

Pagbukas ko ng pinto ay naabutan ko syang inaayos ang kobre kama at mga unan. Nakabihis na sya ng t-shirt na puti na may naka print na cartoon character at isang pink na bulaklakin na pajama.

Nilingon nya ko. "Ah tapos na kong ayusin yung mga damit ko sa closet. Pasensya na kung medyo pinakialaman ko ang mga damit mo."

Para naman akong hinihele sa lamyos ng boses nya. Naalala ko tuloy kung paano nya inuungol ang pangalan ko nung unang gabing nagniig kami. Lihim akong napamura ng bigla namang kumislot ang pagkalalaki ko sa loob ng pantalon.

Tumikhim ako at nilock ang pinto. "Nah it's okay, it's your closet too. You can do whatever you want my wife. Shower lang ako." Sabi ko at dali daling tinungo ang banyo.

Pagpasok ko ng banyo ay naamoy ko ang natural na amoy ni Amira at ang sabong ginamit nya. Lalo naman akong naginit at mas nagsikip ang pantalon ko. Agad kong hinubad ang polo ko at pantalon kasabay ng pagpitik ng pagkalalaki ko na para bang isang ibon na nakawala sa hawla. Binuksan ko ang shower at tumapat. Ilang minuto pa akong nakatapat lang sa buhos ng malamig na tubig hanggang sa humupa ang init na lumukob sa katawan ko. Mukhang mahihirapan akong makatulog ngayong gabi. Shit!

Amira Where stories live. Discover now