chapter 37

30K 659 45
                                    

Amira

Naging malaking balita sa lalawigan namin ang pagkamatay ni Don Abel. Naibalita pa ito sa mga news ng sikat na mga channel. Kabi kabila pala ang mga kaso nito sa pagpatay at pagka sangkot sa illegal na droga. Nakumpiska din ang mga illegal na baril at paraphernalia na ginagamit sa droga sa mansion nito sa kanyang hacienda. Pero ang mas nakakagimbal sa lahat ay anak pala nito si Alvin kay ma'am Melissa at matagal nang may relasyon ang dalawa. Naging malaking balita din ang kusang pagbaba sa pwesto ni tito Henry dahil sa sunod sunod na eskandalo na dala ng asawa nya. Ang bali-balita pa ay nag file na ito ng annulment sa asawa.

Mahigit isang linggo na rin ang nakalipas ng mangyari ang insidenteng yun. Bumalik na rin sa normal ang lahat. Sila itay at inay ay malapit na rin bumalik sa bahay namin pagnatapos na itong maayos. Nauwi kasi sa renovation ang bahay namin ayon na rin sa request ni Yñigo para mas lalong maging komportable sila lalo pa at ayaw naman nilang manatili dito sa mansion. Wala na rin silang nagawa kundi pumayag na rin. Yung kwarto ko doon ay nilakihan para sa aming dalawang mag asawa. Hindi na rin ako tutuloy ngayong darating na pasukan. Sarili kong desisyon yun at suportado naman ako ni Yñigo sa gusto ko. Gusto ko kasing tutukan muna ang pagbubuntis ko. Nalalapit na rin ang araw ng kasal namin. Ang gusto ni Yñigo ay kasal na kami sa simbahan bago pa lumaki ang tiyan ko.

Tawang tawa ako sa hitsura ni Yñigo na hindi na maipinta habang pinapanood akong kumakain ng hilaw na mangga. "Gusto mo?" Alok ko sa kanya.

Umiling iling naman sya at napapalunok ng laway.

"Masarap to." Ani ko.

"Pero mas masarap ka." Nakangising sabi nya.

Naginit naman ang pisngi ko sa sinabi nya. At hindi lang ang pisngi ko ang nag init kundi buong katawan. Napapansin ko nitong mga nakaraang araw ay mabilis magreact ang katawan ko sa simpleng haplos lang nya o sa mga salita nyang may double meaning. Ito na nga siguro ang tinatawag nilang pregnancy hormones.

"Uy, namamula sya." Tukso nya sa akin sabay sundot ng daliri sa pisngi ko.

"Wag ka nga, baka may makarinig sayo nakakahiya." Kunwaring inirapan ko sya. Kahit ang totoo naman ay imposibleng may makarinig sa amin dahil nasa gazebo kami at kaming dalawa lang ang narito.

"Gusto mo bang.. sa kwarto muna tayo pagkatapos mong kumain?" Nanghihibong sabi nya. Kumagat labi pa sya at pinaraanan ng daliri nya ang panga ko pababa sa leeg. Parang may kuryenteng dumaloy sa mga ugat ko at dumiretso sa gitna ko.

Napalunok naman ako. "D-Diba may gagawin ka pa?" Nauutal pang sabi ko.

Umiling sya habang malagkit pa rin ang tingin sa akin. "Wala na, tinapos ko na kanina para masolo kita ngayon." Aniya sa nang aakit na boses.

Napakagat labi na rin ako dahil naaapektuhan na rin ako sa pinahihiwatig nya. Dumikit pa sya ng husto sa akin at nilapit ang mukha sa leeg ko sabay halik. Bumaba na ang kamay nya sa hita ko at hinaplos haplos ito. Nagtayuan naman ang balahibo ko sa ginawa nya.

"Y-Yñigo baka may makakita sa atin." Paanas na sabi ko at pinigilan ang kamay nyang nasa loob na ng dress ko.

"Then let's go to our room.. I want you baby.." Namamaos na boses na anas nya sa tenga ko.

Para na akong kakapusin ng hininga sa sinabi nya. Pinilit kong kalmahin ang sarili at kumalas sa hawak nya. Umusod ako ng kaunti dahil para na akong yelong matutunaw sa init na nararamdaman. Kunot noong nakatingin lang sya sa akin. Tumikhim ako.

"Bago tayo umakyat sa kwarto, tulungan mo muna akong ubusin to." Sabi ko at tinuro ang mangga. May isang buo pang manggang hilaw na balat na ang natitira pa sa mangkok. Kumagat labi ako para pigilan ang ngiti.

Amira Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin