chapter 13

30.9K 638 27
                                    

Amira

"Amira! Anong nangyayari sa'yo? Bakit ka umiiyak anak?" Nagaalalang lumapit sa akin si inay ng makita ang luhaan kong mukha. Pinunasan nya ng kanyang palad ang pisngi ko. Hindi naman ako makasagot dahil parang may nakabara sa lalamunan ko.

Nang pumasok si itay ay ito naman ang binalingan nya. "Carlitos, bakit umiiyak ang anak mo?"

Narinig ko namang humugot ng malalim na hininga si itay. "Yang anak mo, nakikipag relasyon sa anak ng Hermano na yun!" Mataas na boses na sabi ni itay.

Tila hindi makapaniwalang muli akong tiningnan ni inay. "Anak, totoo ba yun?"

Hindi ako umimik bagkus ay humikbi na lang.

"Sabihin mo ang totoo sa inay mo Amira." Matigas na turan ni itay na nakapamewang pa. Hindi pa rin nabubura ang dilim sa kanyang mukha.

Dahan dahan naman akong tumango at kumagat labi sabay yuko.

Narinig ko namang bumuntong hininga si itay. "Bakit hindi mo sinabi sa amin anak?"

"D-Dahil tutol po kayo sa aming dalawa -- "

"Alam mo naman palang tutol kami sumige ka pa! Nang dahil sa lalaking yun natuto ka ng magsinungaling! Kung hindi ka pa namin nakita ni señorito na nakikipagyakapan sa lalaking yun hindi ka pa magsasabi ng totoo!" Pabulyaw na litanya ni itay.

"Ang boses mo Carlitos, nakakabulahaw ka ng kapitbahay." Saway ni inay sa kanya.

"Yan kasing anak mo eh, kung kelan lumaki saka tumigas ang ulo. Hindi na marunong makinig." Madiin na sabi ni itay sa mababang boses.

"Hindi mo naman siguro sinaktan ang anak mo?" Nang uusig na tanong ni inay.

"Muntik na! Kung hindi lang ako napigilan ni señorito Yñigo malamang nakatikim na sa akin yan kanina."

"Yan ang huwag na huwag mong gagawin Carlitos, ang saktan ang anak mo kahit anong mali pa ang ginawa nya." Sermon sa kanya ni inay.

"Kaya lumalaking matigas ang ulo ng batang yan dahil kinukunsinti mo. Bukas na bukas din tatawagan ko si Rodora para doon na sa Maynila pagaralin yang batang yan."

Nataranta naman ako sa sinabi ni itay. "Tay, nay.. ayoko po sa Maynila." Mangiyak ngiyak na sabi ko.

"Wala ka ng magagawa Amira, buo na mg desisyon ko." Ani itay.

"Carlitos, kailangan ba talagang umabot sa ganyan."

Hindi na umimik si itay at binigyan na lang ako ng matiim na tingin bago tumalikod at pumasok sa kanilang kwarto.

"Nay, ayoko ko pong pumunta ng Maynila.."   Pumipiyok na sabi ko.

Bumuntong hininga naman si inay at hinaplos ang pisngi ko. Bakas sa kanyang mukha ang awa sa akin. "Hayaan mo, kakausapin ko ang itay mo. Ayoko ring pumunta ka ng Maynila."

Tumango tango ako at medyo gumaan ang pakiramdam sa sinabi ni inay. Maswerte ako dahil nandito si inay na mahinahon lang sa kabila ng mga nagawa kong pagkakamali..

"Pero anak, mali pa rin ang ginawa mo. Sinuway mo ang itay mo." Mahinahong sabi nya sa akin habang magkatabi kaming nakaupo sa sofa na kawayan. Hindi na rin lumabas si itay sa kwarto. Siguradong masama ang loob nya sa akin.

"Nay, mahal ko ho si Alvin. Nagmamahalan ho kami."

Bumuntong hininga si inay at hinaplos ang aking buhok. "Bata ka pa anak, makakakilala ka pa ng lalaking mas hihigit sa kanya."

Napaawang ang labi ko. Hindi man tahasang sabihin ni inay ay alam kong hindi din sya sang ayon sa relasyon namin ni Alvin.

Nanlumo ako. "Pati ba kayo inay, ayaw din kay Alvin?"

Amira Where stories live. Discover now