A & A

By faithrufo

928K 22.7K 7.7K

ASHER Marami ang nagpapantasya na maging girlfriend ni Asher Martinez. Marami na din ang sumubok na baguhin s... More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Huling Kabanata
Chansingan mo 'ko? (Stasg Deleted Scenes)
STASG (rewritten)

Kabanata 46

13.3K 388 173
By faithrufo

Copyright © 2014 by Faith Rufo Stories

ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.

#STASG

follow: officialstasg
------------------------------------------------------------

TANGA

Maaga kong pinapunta sina Tris dito, 'yung tipong tulog pa talaga sina Ate Sky at Tita. Tutal doon daw sila natulog lahat kina Ethel, pwera sa mga boys syempre. Nakalimutan kong nakapark nga pala kasi 'yung kotse ni Jared sa labas at baka mapagalitan ako dahil nagpatulog ako ng lalaki sa kwarto ko.

Walang malisya samin ni Jared ang pagtulog niya sa tabi ko. Sadyang kailangan ko lang talaga ng kasama, pero hindi naman 'yon maiintindihan nina Ate. Magkakaroon lang ng gulo, lalo na kapag nalaman nila ang nangyari. Sabay hindi parin nagpaparamdam si Asher. Ayokong magtanong tanong sila.

Alas sais dumating sina Ethel at mga nakapambahay pa sila, saktong sakto. Halata din sa mukha nila ang pagtataka ng makita ang sasakyan ni Jared sa labas.

"Bakit andito kotse ni Jared?" mahinang tanong ni Kei habang naglalakad kami papasok.

Hindi ko sila sinagot at binuksan nalang 'yung pinto ng kwarto ko. Bukas 'yung aircon at medyo nabuhayan pa si Tris sa lamig na tumama saming apat pero nalaglag din panga nila nang makita si Jared.

'Di pa ganito itsura niya nung bumangon ako kanina pero ngayon e nakatalukbong na 'yung kalahati ng pink kong kumot ko sakanya at nakadapa siya sabay nakayakap doon sa unan na ginamit ko.

"Dito siya natulog?" pabulong na tanong ni Tris. Tumango naman ako at pinapasok na sila sabay ini lock ko 'yung pinto ng kwarto ko. "Bakit?"

Sakop na ni Jared 'yung kama ko kaya naman inusog ko siya konti at umupo. "Diba nga kasi 'yung kagabi?"

"Wala na 'kong maalala sa nangyari kagabi." sagot niya.

"Ako din." sabay na sagot ni Ethel at Kei na nakahanap ng mauupuan sa lapag.

Wala sa sarili akong napahawak sa likod ni Jared at itini-trace 'yong mga kurba ng muscle niya. Ano kayang ginawa nito sa halos isang buwan niyang bakasyon doon sa manila...

"Tanong niyo nalang sina Angelo." ani ko sakanila dahil ayoko ng balikan 'yung mga alaala kagabi.

"Ay tangi, may binanggit si Henry kagabi diba?" sabi ni Ethel. "Kasi hindi sila nakapag perform."

Malungkot akong ngumiti, "Dahil sa'kin."

"Bakit nga kasi?" nagkamot ng ulo si Tris at umiling lang ako. "Parang tanga 'to, sinimulan mo na e."

Medyo gumalaw si Jared dahil sa ingay ni Tris, "Magising si Jared." suway ni Ethel sakanya.

"Bakit nga kasi?" pangungulit ni Tris pero ngayon e naiiritang pabulong nalang ang boses niya.

Alam kong hindi talaga ako titigilan nitong si Tris kaya naman napag dedisyunan kong sabihin nalang talaga.

"Pag sinabi ko na wala ng mga tanong kung anong nangyari ha? Please?" kumunot ang mga noo nila pero tumango sila. Huminga akong malalim at napasulyap pa sa natutulog na Jared. "Muntik na 'kong ma-rape..." mahinang sabi ko.

"WHAT?!"

Napapikit nalang ako sa pagsigaw nila, sana lang ay hindi sila narinig nina Ate na nasa katapat na kwarto lang. Noong tignan ko na ulit si Jared ay nakadilat na 'yung mata niya at nakatingin sa'kin.

Kumurap kurap siya at halatang nagulat talaga siya sa biglaang ingay. Sabay kumunot 'yung noo niya at napatingin sa kabilang side kung nasaan sina Tris na nakatakip na sa bibig nila.

Nakasimangot na ibinalik ni Jared sa'kin 'yung tingin niya, "Anong oras na?" inaantok niyang tanong.

"Mga... lagpas six." sagot ko sakanya.

Tumango siya at pumikit ulit. Tinignan ko sina Kei na nakatingin lang din kay Jared. Tapos, dahan dahan ay bumango siya at tumambad samin 'yung buong upper body niya. Talaga namang mapapa awang ang bibig mo sa katawan niya. Maski sina Tris na walang gusto sakanya o kung ano ay halos maglaway na doon sa inuupuan nila.

Hindi ko 'to masyadong pinapansin e, ilang beses ko na din siya nakitang topless pero siguro nga mga bangag talaga kami ngayon dahil natulala kami sa abs niya. Humikab pa siya at nag inat bago dumiretso sa banyo.

Teka nga, hindi dapat ako nag iisip ng ganito! Jusko Adrianna may boyfriend ka na! Mas lalo pa tuloy akong kinain ng guilt dahil dito ko nga pinatulog si Jared. May boyfriend na 'ko e.

Pero nasaan nga kasi 'yung boyfriend ko? Nagsisimula na 'kong mag alala.

"Hot niya kingina." mahinang sabi ni Tris na agad binatukan ni Ethel.

"Ano sabi mo Aids?" lumapit si Kei sa'kin at umupo sa tabi ko. "Sino bang kasama mo kagabi?"

Napakamot ako sa ulo, "Si Asher."

"Oh," gulat at nagtatakang aniya. "Ano nangyari?"

"May tumawag sakanya, tapos ayun, hindi na siya bumalik." yumuko ako at napa nguso, nakakatampo talaga. "Hanggang ngayon hindi niya parin ako tinetext."

"Hindi kaya may nangyaring masama sakanya?"

Itinulak ko si Kei, "Huy wag naman."

"Hindi ka naman nagdududa sakanya Aids?" tanong ni Tris kaya naman napatingin ako sakanya. "Wala naman siyang ikinikilos or ano?"

Mabilis akong umiling, "Parati siyang nasa tabi ko mula nung naging kami diba? Or nasa bahay o 'di kaya katext ko. Ba't naman ako magdududa?"

"Hindi ba't parang weird?" tanong ni Ethel. "Mula nung naging kayo, hindi na siya sumasama sa tropa niya."

"Oo, pero pinaka iiwasan niya si James at Hannah, pansin ko lang." sabi naman ni Kei. "Tsaka nung kelan kaya, nasa canteen kayo nun, nag sisigawan si James at Hannah sa hallway."

Napa awang bibig ko, "Talaga?" alam ko marespeto si James sa babae. Bakit naman sila nagsigawan? Tsaka bakit hindi umabot 'yung chismis na 'yun samin?

"Oo kaya, sinigawan pa siya ni James ng pokpok." nanlaki 'yung mga mata namin. "Buti kamo wala si Troy dun."

"Bakit ngayon mo lang nakwento?" tanong ni Ethel.

"Eh hindi naman ako chismosa." ngumuso si Kei. "Malay ko bang 'di niyo pala alam."

"Grabe? Parang hindi si James 'yun."

Nagkibit balikat si Kei, "Gulat nga din ako e." aniya.

Mahinang tumawa si Tris, "Tapos si Hannah pala babae ni Asher noh?" sinamaan ko siya ng tingin at nag peace sign lang siya.

Pero nahulog 'yung puso ko nang may maalala ako. Last month, nung araw na bumalik si Jared at first day ng sportsfest.

"Shit." mura ko nalang bigla at kumirot 'yung puso ko. Pinagtagpi tagpi ko lahat ng konektado sakanilang dalawa at nagsimula na 'kong maluha. "Shit!"

"Ano?" gulat na tanong ni Kei bago ako hawakan sa braso. "Huy? Hala umiiyak siya! Uy ano.."

Napatakip ako sa mukha ko at tuloy tuloy ang pagtulo ng mga luha ko. Bumibigat 'yung damdamin ko. Hindi ako sigurado pero malaki ang posibilidad dahil masyadong tugma ang lahat.

"Hala Adrian nag j-joke lang ako." sabi ni Tris at umiling iling lang ako.

Nakakatawa. Tangina ang tanga ko para ngayon lang marealize. Paano kung 'yun din pala ang dahilan ng pag alis niya kagabi? Tangina.

"Pano kung totoo?" tinignan ko si Tris kahit na umiiyak parin ako.

"Ha?" sabay sabay nilang tanong.

"Pano kung.. kung kabit niya nga si Hannah?" kumirot ang dibdib ko.

"Huy, nahihibang ka na ba? Baliw, sa lahat ng pwedeng pag isipan ng masama 'yung kaibigan mo pa."

"Yun na nga e!" wala na 'kong pake kung sino makarinig sa'kin. "Yun na nga Ethel eh, paano nalang?" halata sa mga mukha nila na hindi sila makapaniwala sa sinasabi ko. Bumukas 'yung pinto ng banyo at alam kong nandito na si Jared sa likod ko. "Kapag wala si Asher, wala din si Hannah. Nung sportsfest, tangina. Nakita kong si Hannah 'yung tumatawag pero sabi ni Asher si James! Tapos walang alam si James kung asaan si Asher. Tangina ba't ngayon ko lang naisip 'yon?!"

"Oh my God..." gulat na sabi ni Kei. "Pero... oh.. shit."

"Ano nangyayari?" nagtatakang tanong ni Jared. "Adrian? Bakit?"

"Kasi diba?" naiiyak na sabi ko bago sumandal doon sa headboard ko. "I mean, oo nga parating andyan si Asher.. pero nung nililigawan niya palang ako, gaya nga ng sabi ni Tris, lagi siyang nawawala. Hindi kaya niloloko niya lang ako?" itinago ko 'yung mukha ko doon sa t-shirt na bigay ni Jared.

"Tawagan mo kaya?" tanong ni Ethel. "Or puntahan mo..."

"Hindi nga sumasagot ng tawag e." sagot ko habang nakatago parin sa t-shirt. Ayokong makita nila ang expression ko dahil hiyang hiya ako.

"May pasok naman na tayo sa lunes diba..." ani Kei. "Pwede kayo mag usap nun o kaya baka i-text ka na niya mamaya."

Nananalangin ako na sana hindi totoo 'tong mga pinag iisip ko. Hindi kayang gawin ni Asher sa'kin 'yun. Hindi niya kaya...

"Mapapatay ko si Hannah." bulong naman ni Tris.

Baka ako din e mapatay ko siya kapag totoo ang mga hinala ko.

-----------

Wednesday na at hindi parin nagpapakita or nagpaparamdam si Asher. Ang dami ng nagtatanong pero wala akong maisagot sakanila. Maski mga teachers ay tinatanong namin pero pare-parehas lang silang umiiling.

Hindi namin matanong si Hannah dahil baka mali kami atsaka parati niyang kasama si Troy. Sinubukan kong pumunta kina Asher pero sabi ng kapit bahay ay walang tao doon.

Nawala na ba talaga ng tuluyan si Asher? Saan siya nagpunta?

Na ii-stress na 'ko sa mga nangyayari at laging sumasakit 'yung ulo ko dahil halos gabi gabi akong umiiyak tuwing iniisip ko na pinagtaksilan ako ni Asher. Ginagawa naman ng mga kaibigan ko ang lahat para mapasaya ako pero hindi ko parin maiwasang malungkot and at the same time mag alala.

Hangga't sa nakatanggap ako ng isang text.

From: Unknown Number

Magkita tayo sa sea front

-Asher

received 4:57pm

Continue Reading

You'll Also Like

251K 14K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
Sunday is Not Coming By sogi

Mystery / Thriller

1.1K 105 6
All it took for Santa Lucia's reputation to crumble was the news of Isaac Castro's suicide. Known for having religious residents and a prosperous eco...
1.8K 432 20
Chats For My Writer: An Epistolary An avid fan of a famous writer constantly sends messages on the writer's kubool account. She asks him about what h...
7.7M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...