Kabanata 44

13.2K 442 173
                                    

Copyright © 2014 by Faith Rufo Stories

ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.

#SaveMeJared #STASG

follow: officialstasg
------------------------------------------------------------

TANGA

To: Ashy <3

Skirt or shorts? :/

sent 8:46pm

--------

From: Ashy <3

Jeans and longsleeves

received 8:47pm

--------

To: Ashy <3

Pero siksikan doon? Mainit ._.

sent 8:47pm

--------

From: Ashy <3

Wawa ka naman pala

received 8:48pm

Napabuntong hininga nalang ako sa reply ni Asher at nangalkal na ulit sa cabinet ko ng maisusuot. Mabuti nalang at may isa pa 'kong malinis na jeans kaya eto ang sinuot ko. Mangunguha sana ako ng long sleeves pero nakita ko 'yung Arctic Monkeys ko na muscle tee kaya naman ito nalang 'yung isinuot ko.

October fest kasi ngayon at sarado ang buong magsaysay. Maraming kainan, inuman tsaka meron ding mga live band at artista. Sumali din kasi sina Henry sa isang pa contest, 'yung parang banda banda. Siya 'yung drummer tas si Angelo 'yung gitara, si Jared naman 'yung kakanta. Malaking pera din kasi 'yung premyo.

Si Jared.. naging distant siya mula nung naging kami ni Asher. I mean, parati siyang nandyan, nakatingin lang. Tapos naging habit niya na din 'yung paghawak niya sa ibabang labi niya. Nakakuha na din siya ng driver's license niya. Nabanggit ko na bang may tattoo siya? Meron, sa kanan niyang pulso kung nasaan 'yung bracelet niya dati. Bale 'yung naka engrave sa bracelet niya ay permanente ng nasa balat niya.

Pinatattoo niya 'to nung araw na tumawag sakanya si Cassidy. Balita ko may nangyaring masama dahil ilang araw din naging tulala si Jared, pero walang may lakas loob na magtanong.

Hindi parin ako kinakausap ni Tris. Sabi din ni Asher ay naw-weirduhan na siya sa mga titig ni Tris at sana daw pagsabihan 'to na 'wag na siyang abalahin. Wala din namang nakuhang 'ebidensya' si Tris dahil parating naka dikit sa'kin si Asher. Tsaka sabi ko kay Asher ay pabayaan niya nalang din dahil wala naman siyang tinatago.

Diba?

After thirty minutes ay dumating na si Asher para sunduin ako. Tuwang tuwa pa sina tita nung nalaman nila kami na. Anila'y matagal na daw nila 'tong hinihintay.

Agad na sumimangot si Asher nang makita 'yung suot ko at inihagis 'yung dala niyang jacket sa'kin. "Mainit nga!" reklamo ko bago 'to ihagis pabalik sakanya.

"Itatali ko 'to sa leeg mo." banta niya, "Isusuot mo 'to o kakaladkarin kita pabalik doon at ako mismo magpapalit ng damit mo?"

Inirapan ko siya at hinablot 'yung jacket. Padabog ko pa 'tong isinuot at iniwanan na siya doon para magsara ng gate.

"Sungit mo naman." aniya nang makasakay na kami ng pulang jeep. Umusog kasi ako palayo sakanya noon tumabi siya sa'kin. "Lika na dito," tawag niya bago ako hapitin sa baywang. "Pikon pikon talaga ng baby ko." tapos pinanggigilan ako nung loko.

A & ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon