Kabanata 13

21.2K 418 93
                                    

• ADRIANNA •

"Daan ako sainyo sa sabado pagtapos ng gala namin," sabi ni Asher habang naglalakad kami papunta sa classroom namin.

"Anong oras?"

"Hindi ko pa alam," sagot niya. "Bakit? May lakad ka din ba?"

"Wala naman, pero 'di ba usually pag may gala kayo nina Enrico ginagabi na kayo ng uwi?"

"Hindi naman gabing-gabi. T-Try ko makadating sainyo bago mag alas-syete."

Pinigilan kong hindi ngumiti ng pagka lawak lawak. Kakaibang saya 'yung nararamdaman ko dahil lang gusto niya akong makasama. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari.. pero gusto ko.

Dumating na kami sa klase at dumiretso sa upuan namin. Konti nalang at tapos na ang recess. "Hello," bati ko kay Jared.

"Mukhang okay na okay na kayo ah," nakangiting sabi niya.

"Okay naman," sagot ko. "Going with the flow lang."

"Mabuti 'yan. I'm happy for you. Hindi ka na palaging tulala at parang maiiyak."

Ngumiti ako. "Alam mo, ang sweet sweet niya na. 'Yung parang hindi na basta kaibigan lang ang turing niya."

"That's good. Kulang nalang pag usapan niyo 'yan."

Pag-usapan? Parang nakakatakot naman isipin na kailangan pa naming pag usapan... "Eh.. hindi ba pwedeng action speaks louder than words nalang?"

Medyo nangunot ang noo ni Jared. "Totoo man 'yan.. iba parin 'yung klaro. Hindi 'yung naghuhulaan lang kayo."

"Hindi pa ba obvious..?"

"Bilang lalaki, hindi kami mahilig mag assume. Minsan kahit gaano ka pa ka-obvious, hindi namin ma g-gets."

"Baka ikaw lang 'yun?" Nagkibit balikat lamang siya. "Well, parang sinabi ko naman na e."

"Pa'no?"

"Sinabi ko, 'wag niya 'ko ituring na parang isa sa mga babae niya dahil bestfriend niya ako."

Nasapo ni Jared ni noo niya bago tumawa. Sumimangot ako. "Ano?"

"Wala," sagot niya.

"Ano nga?"

Tumawa lang siya at tinapik ang tuktok ng ulo ko. "Wala Ma'am, ang cute mo."

• ASHER •

Sana hindi mo nalang ako kinausap kung hindi ka din naman pala sigurado. Sinayang mo lang ang oras ko.

Binasa ko ng isa pang beses ang text ni Savannah. "Nasaktan ka nga, pero nag enjoy ka naman diba?" sabi ko nalang sa hangin.

Naramdam ko ulit ng vibrate ang phone ko.

Tama nga sila tungkol sa'yo. I should've known

Napailing ako at nag type ng reply. Ok

"Bakit nakasimangot ka dyan sa phone mo?" Napa angat ako ng tingin at agad na ibinulsa ang phone ko.

"Ah, na-lowbat ako e." Sagot ko kay Adrianna bago tumayo. "Ready ka na ba? Akin na bag mo."

"Uhm, hindi pa ako uuwi."

Napakunot ang noo ko. "Bakit?"

"Gusto pumunta nila Ethel sa boardwalk e. Inaya ako. Sama ka?"

"Sino sino kasama?"

"Sila sila. The usual." Tinignan ko ang itinuro niyang grupo sa likuran niya at nakita na ang isa sakanila ay 'yung si Jared.

Para akong nakatikim ng pagkain na mapakla. Sinabi ko na sakanya na pinagseselosan ko 'to e..

Isinaoli ko sakanya ang bag niya. "Ah, hindi na. Uwing uwi na ako e. Medyo masakit ulo ko. Pero ikaw, ingat ka. At.. enjoy."

"Huh? Sure ka? Sama ka na, saglit lang naman."

"Hindi, sige. Gusto ko na umuwi. Enjoy nalang kayo nyan nila ano, Jared." Tumalikod na ako at humakbang paalis nang hablutin niya ang braso ko.

"Teka teka. Bakit parang galit ka?"

Namulsa ako at umiling. "Hindi ako galit."

"Bakit pala ganyan ang mukha mo?"

Napakamot ako sa ulo at pinigilang hindi ipakita ang inis ko. Nakalimutan niya na ba? Pero.. tangina naman. Wala naman akong karapatan na magselos. Nangako akong aayos na ako.

Pinunasan ko ang mukha ko at pinilit ngumiti. "Pagod lang talaga ako, bes."

Nag pout siya at kumuba. Nakita kong bahagya siyang tumingin sa mga kaibigan niyang naghihintay. "Kung ganun.. uwi nalang din ako. Samahan na kitaー"

Nag ring bigla ang phone ko at pareho kaming napatingin sa bulsa ko.

"Akala ko ba.."

Inilabas ko 'to at nakita ang pangalan ni Savannah sa ibabaw. Tangina naman.. Decline. Ibinulsa ko 'tong muli at nang mag anagt ako ng tingin nakita ko ang mga mata ni Adrianna na nakatitig parin sa telepono ko na nakabakat na sa pantalon ko.

"Adiー"

Tinignan niya ako at binigyan ako ng isang malamyang ngiti. "Kung may lakad kayo sana sinabi mo nalang 'yun. Palusot ka pa na masakit ang ulo mo."

"Adi hindi, mali 'yang iniisip mo."

"Okay lang, bes." Tinapik niya ako sa braso at nagsimula ng umatras. "Kita nalang tayo ulit bukas. Enjoy kayo!" At bago pa man ako makasagot ay tumatakbo na siya palayo.

A & AWhere stories live. Discover now