Kabanata 7

20K 486 30
                                    

• ASHER •

Maingay sa canteen at masyado ng crowded ngunit wala kaming planong umalis sa lamesang nakuha namin. Naka upo si Adrianna sa harapan ko at ang mga binti niya ay nakapulupot sa akin.

Nakatingin siya sakin ngayon habang nakasalumbaba. "Ayoko na bumalik sa classroom. Inaantok ako."

"Uwi ka na."

Hindi niya ako sinagot at inirapan lang. Nginitian ko siya at hinawakan ang kamay niya para malaman niyang binibiro ko lang siya bago ibaling ang atensyon ko sa ka-text ko. Bakit wala ka dito sa canteen?

Pinaglalaruan ni Adrianna ang mga daliri ko habang kausap ang mga katabi niyang sina James at Hannah.

Bumaba ako earlier pero saglit lang :) Reply ni Savannah.

Mabilis akong nag-type ng sagot. Sayang pala hindi kita nakita.

Haha you'll see me naman sa hallway!

Hindi ko mapigilang hindi ngumiti nang maka-isip ko ng ire-reply. Or ngayon na. Puntahan kita?

"Ang lawak ng ngiti niya oh," Narinig kong sabi ni Adrianna. "Sinong ka-text mo?" Tanong niya pa.

"Sino pa ba?" Sagot ko nang magreply si Savannah. Sure! Hintayin kita. Ngumisi ako at umiling. Akala ko mahihirapan akong pumorma sa babaeng 'to pero napaka dali lang pala. Ang daling kumagat.

Ibinaba ko na ang cellphone ko para magpa alam sa mga kaibigan ngunit bigla akong napatigil sa nakita ko.

Nakasandal ang ulo ni Adrianna sa balikat ni James na pinaglalaruan ang dulo ng mahaba niyang buhok.

"Si Savannah baby niya," Sabi ni James kay Adrianna. Kinindatan niya pa ako.

Hindi ko siya sinagot at hindi ko din pinansin ang pang aasar ni Hannah. Naningkit ang mga mata ko at napa sulyap sa direksyon ni Enrico. Humihikab siya habang nag ce-cellphone, walang pakielam na masyadong malapit si Adrianna at James sa isa't isa.

"Ah, si Savannah." Sabi ni Adrianna bago iayos ang ulo niya para mas nakasiksik na 'to sa pagitan ng balikat at leeg ni James. Pagkatapos ay pumikit siya at binitawan ang kamay ko. "Inaantok talaga ako."

"Gusto mo akyat na tayo?" Tanong ni James.

"Gusto mo na ba? Kahit ako lang naman okay lang. Mahaba pa time. Dito muna kayo."

"Hatid kitaー"

"Sumabay ka nalang sakin, Adrianna." Sabi ko kaya't napatingin silang dalawa sakin. Dumiretso ng upo si Adrian. Tinutok ko ang mga mata ko sakanya. "Aakyat na din ako. Pupuntahan ko si Savannah, sumabay ka na sakin."

"Hindi," Sagot niya. "Okay lang. Mauna ka na. Maya maya pa ako aakyat." Ibinalik siya ang ulo niya sa balikat ni James.

Badtrip. Hindi na talaga ako natutuwa sa pasimpleng landian ng dalawang 'to. Tatanga tanga ba si Adrianna? Babaero si James! Mabuti pa sana kung si Troy, o si Enrico na alam kong seseryosohin siya. Pero si James? Si James na kasama ko palagi mang chiks?

Pinigilan kong hindi iyukom ang kamay ko. Kalmado ang boses ko nang magsalita ako. "May gusto ba kayo sa isa't isa?" Malakas ang pagkakatanong ko. Lahat ng tropa na nasa lamesa ay narinig ito at napatigil.

A & ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon