Kabanata 39

13.8K 378 160
                                    

Copyright © 2014 by Faith Rufo Stories

ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.

#STASG
------------------------------------------------------------


TANGA

Parang mabilis lang 'yung byahe papunta kina Angelo dahil nalibang ako sa paglalaro ng 2048 at pag s-soundtrip habang 'yung iba naman e nagk-kwentuhan o 'di kaya nakadungaw lang sa labas.

Walang tao kina Angelo pagdating namin doon. Aniya'y may pinuntahan daw siguro ang magulang niya.

Nilapag ko 'yung pinamili naming mga chichirya at inumin kanina sa Circle J doon sa lamesa malapit sa sala.

"Ano gagawin natin?" tanong ko habang itinataas ng kaunti 'yung jogging pants ko. Tapos tinignan ko si Kei, "May extra ipit ka?"

"Wala e," sagot niya. "Hingi ka kay Angelo baka meron sila dito."

"Ayoko, kahiya sa mommy niya." ani ko bago umupo sa tabi niya doon sa leather couch.

"Ge!!" pagtawag niya kaya hinampas ko ng mahina 'yung braso niya.

"Uy 'wag na."

Hindi niya 'ko pinansin at patuloy na tinatawag si 'Gelo hanggang sa lumitaw na 'to mula sa kusina. "Oh?" tanong niya.

"Pahiram daw ng ipit si Adrian." aniya at napasandal nalang ako sa hiya.

"Oh, kuha ka dun sa taas. Meron yata sa room ko?" sabi niya. "Alam ko may naiwan si Mommy doon sa divider ko. Check mo nalang."

Tumango ako at bumaling kay Kei. "Samahan mo 'ko sa taas please?"

Ngumuso siya at itinulak ako, "Kaya mo na 'yan." aniya.

Halos magtantrum na 'ko doon pero wala din naman akong nagawa kaya sa huli ay umakyat na din ako mag isa. Alam ko na din naman kung saan kwarto ni Angelo dahil nang galing na nga kami dito ng ilang beses, pero syempre nakakahiya parin.

Sa dulong kwarto 'yung kay Angelo at nakita ko sina Ethel at Tris na papalabas mula doon.

"Oh? San ka punta?" tanong ni Ethel.

"Kukuha lang akong ipit." sagot ko sakanya. "Bakit?"

"Ah kasi--"

"Wala!" sabi ni Tris. "Sige na, kuha ka na."

Biglang kumunot 'yung noo ko dahil meron siyang nakakalokong ngisi, tapos nag taas akong kilay. "Ano meron?" tanong ko sakanya.

"May naisip kasi akong gagawin natin mamaya!" aniya. "Excited lang ako."

"Buang." ika ko sakanya bago umirap. Nagpatuloy na 'ko sa paglalakad at nilagpasan na sila.

Pagkapasok ko ng kwarto niya ay may narinig akong nag gigitara. Aatras na sana ako para tumakbo palabas ng kwarto ng biglang sumara 'to at narinig ko 'yung tawa nina Tris mula sa labas.

Kaya naman pala!!

"Shit ka Beatrice!! Buksan mo 'to!" sigaw ko habang kinakalabog 'yung pinto. "Huy! Kasi naman e!"

"Nandidiri ka ba sa'kin at pati makasama ako sa iisang kwarto ayaw mo?" umalingawngaw ang boses niya sa buong kwarto at natigil na ata sa pagtibok ang puso ko.

Nilingon ko siya at nakitang nagkakamot ng likod ng tainga niya habang nakatingin sa'kin. May gitara na nakatakip sa dibdib niya at nakapatong 'to sa binti niya pero hindi naman ako bulag para hindi mapansin na hindi niya suot 'yung t-shirt niya.

A & AWhere stories live. Discover now