Kabanata 29

16.6K 431 209
                                    

Copyright © 2014 by Faith Rufo Stories

ALL RIGHTS RESERVED. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the written permission of the author, except where permitted by law.

------------------------------------------------------------

Follow some of the characters on twitter:

@imashermartinez
@imadriannagomez
@imjaredgordon
@fuenteskei
@hannahencio
@itstrismendoza
@imgailsalazar

#stasg
------------------------------------------------------------


GAGO


Eto nanaman ako parang ewan na hanggang tingin nalang. 'Di ko talaga maiwasang hindi mapamura dahil wala sa'kin ng atensyon niya. Tangina.

Ano Asher? Diba eto gusto mo? Ang mag move on siya? Ang lumayo na siya sayo? Tapos ngayong sinusunod niya na lahat mas lalo kang badtrip!

"Ano bang akala mo? Hahabulin ka niya habang buhay?" inirapan ako ni Gail. 'Tong babaeng 'to sarap plasteran ng bibig e. I-stapler ko kaya labi neto ng manahimik na sa kaka dada? "Nako, kung ako sa'yo umamin ka na habang 'di pa siya nililigawan ni Lionel."

Padabog akong tumayo sa upuan ko at sinamaan siya ng tingin. 'Di parin kasi tapos 'yong practice nila para sa Interpretative Dance at hindi pa nagpapalabas si Sir kaya lumipat nalang ako sa kabilang side. Malayo kay Abigail Salazar.

Bakit ba kasi wala kaming kaklaseng N, O, P, Q, at R ang apelyido? Sakanya tuloy ako naitabi. Mula nung nasira kami ni Adrian wala na siyang ginawa kundi dakdakan ako.

"Be! Nagf-follow spree si Niall!" mangiyak ngiyak na sabi ng kaklase kong si AJ. Siya at ang grupo niya ang mga walang pakielam at walang plano magialam sa mga nangyayari dito dahil masyado silang busy sa sariling nilang mga problema. Kaya sakanila ako tumabi, mukhang 'di din naman nila ako napansin.

"Oh? Edi mag-tweet ka!" ani ng kaibigan niyang si Nicole. 'Tong mga 'to minsan kala mo 'di kaklase e. Sila sila lang 'yung nagpapansinan, may sariling mundo.

Nag iwas nalang ako ng tingin sakanila at pinanood 'yung mga nagsasayaw.

Okay lang naman 'yung sayaw nila, mabilis pero sabay sabay sila. Nakakatawa nga lang 'yung si Tanya dahil ang tigas ng katawan niya. Napagt-tripan tuloy.

"Ay, si Asher pala 'to?" ani AJ kaya napatingin ako sakanya. "Hi!" bati niya bago bumalik sa pagc-cellphone.

"Ash! Paki bukas nga 'yung electric fan!" paki usap ni Sarah.

Tinignan ko 'yung fan na nakadikit sa dingding sa likod ko kaya naman tumingala ako at hinila 'yung tali para bumukas.

"Thank you!"

Tumango na lamang ako tapos pinulot 'yung ballpen sa lapag at pinaglaruan 'to. Pasalamat na din ako at hindi buong klase ang galit sa'kin kahit na gago ako. Mas matino pa yata si Roderick sa'kin e?

Napabuntong hininga nalang ako.

Kahit patawarin pa 'ko ng buong mundo sa pinag gagawa ko, kung siya naman e kahit kelan hinding hindi na ako kakausapin... 'wag nalang. 'Di bale na.

Ano bang magagawa ko? Ano bang pwede kong gawin? Tangina wala akong alam sa ganito.

"Ayan kids, 'yan ang mukha ng isang taong constipated." nagtawanan sina Nicole sa sinabi ni AJ at maski ako e napangiti at napailing. "Ano bang problema mo ineng?"

A & ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon